Nung maubos ko ang laman ng bote ng alak na hawak ko ay napagdisisyunan kong bumaba ulit, I should look for my friends. I was here for them anyways.
Nung makababa ay kumuha ulit ng alak sa counter tapos ay naglakad patungo sa kabilang banda para doon hanapin ang mga mokong kong kaibigan.
I stopped walking when I saw Awie walking towards my direction, hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya at nakatuon ang pansin sa cellphone niyang itinapat niya sa kanyang tainga.
I know she's struggling to hear whatever the one who she talks to saying dahil sa lakas ng music dito sa Bar.
"I'll go home some other time- oh, I'm sorry!" Nabigla ito.
Hindi na ako nagulat na mabangga niya ako dahil nakita ko naman siyang paparating. I didn't move, I don't know what to say.
Looking at her right now is two hundred percent HD compared to zoomed in visual that I saw awhile ago. She's so damn beautiful!
"Gosh natapunan ka!" Napatingin din ako sa suot ko, she's looking down to my shirt nearing the top of my pants. At oo, natapunan nga iyon ng vodka.
"Ah shit!" Napasinghal ako. Doon ko lang din kasi naramdaman ang lamig mula sa inumin ko.
She put her phone to her pocket tapos ay hinatak ako mula saaking palapulsuhan patungo sa... I don't know, hindi ko kabisado ang lugar na ito.
"Ugh, where the hell is the CR again?" I heard her murmured. She stopped walking then looked at me.
"I guess I'm a little bit tipsy, I forgot where the hell that damn CR is located." She said. Hindi ako nakapagsalita agad, her voice is like a music... She even cursed but it sound so beautiful.
"Uhm. Hello, mister?" She said when I didn't respond.
"I-I don't know... either." Why the hell I'm stuttering?!
Ngumiwi ito, tapos ay hinatak ako muli. We went out of the Bar, diretso sa parking lot.
Kinuha niya ang susi sakanyang bulsa tsaka itinutok ito sa isang magarang sasakyan, umilaw iyon simbolo na unlocked na ito.
"Get inside." Utos niya, tapos ay pumunta na siya sa may driver's side at pumasok sa loob ng sasakyan. Ilang segundo pa akong natulala kung saan siya banda nawala bago ko narealize na sinabihan niya pala akong pumasok din ng sasakyan.
"Here, punasan mo ang..." She looked where the wet part of my clothes are located. "Damit at pants...mo."
Inabot ko naman ang towel na inilahad niya.
"T-thanks." I said, pinunasan ko ang T-shirt ko. Feeling ko hindi matutuyo agad ang sa may pants ko dahil makapal iyon.
"Are you a first timer? 'Di ka naman mukhang nerd pero para kang inosente." She said, napahinto ako sa pagpunas at napatingin sakanya.
"Not my first time, pero I don't usually go to places like this." Pag-amin ko.
"Ang boring." Mahina niyang sinabi tapos ay umiwas ng tingin. I smirked. I have other things to do, Ma'am. Sorry naman!
"It's not working. I don't really mind kahit basa ito." I said, napabaling siya saakin kaya inilahad ko na pabalik ang towel.
Matagal niya pa akong tinitigan bago kinuha ang towel saakin.
"Whatever." She murmured.
"I'm Alec." Naglahad ako ng kamay, pormal na nagpapakilala sakanya.