“I can’t believe her!” Angie was ranting for like an hour now, mukhang masama talaga ang loob niya sakanyang kapatid.
“Baka naman may importante siyang gagawin sa Paris kaya bumalik siya agad?” I tried to reason out. Sana lang ay valid iyon para kay Angie.
“Ilang raw siya dito, 3 days! Kahit man lang sana 12 hours doon ay binisita niya ako. kahit ako na nga lang eh, I know naman na wala siyang balak magpakita kay Daddy!” humalukipkip ito.
“Anj, chill… sa summer we can just visit her abroad.” I tried again, sana this time ay gumaan na ang loob niya dahil hindi ako sanay na ganito kami.
We used to talk about funny things, okaya ay madalas nag-aasaran.
“Sana lang magpakita siya kung bibisita man tayo…” she pouted.
“Iniiwasan niya rin ako and I don’t understand why!” parang maiiyak na ito.
“Just give her time, malay mo pag balik ulit niya ay dito na siya dumiretso sainyo.”
“How I wish!” tumayo si Angie mula sa sofa na kinauupuan namin, napatingin ako sakanya at bahagyang nagtaka.
“I want to rest na…” she said.
Oh, that’s why.
Tumayo na rin ako.
“Then I’ll be going now.” Handa na ring umalis kung sakali.
“Maaga pa, don’t you want to go upstairs with me?” napaawang ang bibig ko doon, dalawang taon na kaming engage pero never pa akong nakatungtong sa ikalawang palapag ng bahay nila.
She chuckled, kaya medyo nawala ang pagkabigla ko.
“Nakakatawa ang reaction mo! Fine, fine… you go home na.” sabi niya tapos ay siya na mismo ang nagtulak saakin papalakad palabas ng mansion nila.
Hanggang makarating sa sasakyan ay hindi nawala saakin ang sinabi ni Angie. I mean, we kissed but I can’t see myself doing other things to her.
Pero bakit hindi? Kapag kinasal na kami ay maaaring mangyari talaga iyon, diba? No, mangyayari talaga ang gan’on.
Naalala ko nanaman tuloy ang nangyari saamin ni Awie, it’s been a week pero malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang nangyari. Ni hindi ko siya kakilala, pero nagawa namin iyon. That easily, sa sobrang walang control ay ni hindi ko siya nayaya sa condo ko. What? Condo ko? Si Angie nga ay hindi pa nakakapunta doon!
Napailing nalang ako sa mga naiisip ko, nababaliw na ata ako.
Months passed by and I am still thinking about that one night stand I had with Awie. I kept on thinking about it everytime I don’t have something to do like kapag rest day ko or tuwing bago ako matulog.
“You know Cara? My friend? Naaawa ako sakanya.” Sambit agad ni Angie when she got inside my car.
Sinundo ko siya ngayon, ilang araw ko rin siyang hindi nasundo dahil abala sa trabaho.
“Cara… the blonde one?” I asked.
Simula nung mag-college si Angie ay nagkaroon siya ng maraming kaibigan kaya kahit naipakilala na niya ako sa mga ito ay hindi ako gan’on kapamilyar sa mga pangalan nila lalo na’t hindi ko naman sila madalas nakakasama.
“Yeah. Her boyfriend cheated on her!” puno nang emosyon ang pagkakasabi ni Angie.
Hindi ako umimik, then the image of me and Awie’s one night stand crossed my mind again.