19

4 0 0
                                    

“Angel Nessa.” Sabi ni Angie sa nurse na lumapit sakanya.

Halos isang oras na kaming nakatulala at hindi nagsasalita. Ako, Si tita Siera, at si Angie.

Tita Siera was crying silently while hugging Angie, si Angie rin ay umiyak at namumula nalang ang mata ngayon… kagaya ko.

Nasa labas kami ng delivery room, nakatayo ako di kalayuan kung saan nakaupo si Tita Siera at Angie. The doctor went out here almost an hour ago to tell us that the baby is a she and that my Angel left us already after she made me experience the heaven in earth.

Bigla nalang humagulgol si Tita Siera nung marinig iyon, si Angie ay napaupo sa narinig… natulala habang lumuluha.

Parang gumuho ang mundo ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Basta bigla nalang akong natigilan at hindi makapagsalita, hindi na rin nga ata ako humihinga nung mga sandaling iyon? Hindi ko na alam.

Para akong nawala sandali sa sistema, di ko namalayan na umiyak ako, di ko namalayang nandito pa rin pala ako sa mundo.

Nahinto lang kaming lahat sa kanya-kanyang pighati nung lumabas ang nurse at nagtanong saakin, ako kasi ang malapit sa pinto, o alam niyang ako kasi ang ama? Ewan ko?

“What should we name her?” nakangiting sinabi saakin ng nurse.

Hindi ako makasagot. Hindi ako masaya. Hindi ko kayang iproseso na dumating na siya at nawala ang kanyang ina.

Kaya si Angie ang sumagot. Napalingon kami ng nurse sakanya, lumapit ang nurse sakanya.

“That’s a nice name, do you want to see her? To carry her?” the nurse asked Angie.

Napatingin si Angie kay Tita Siera, Tita Siera was nodding to Angie para bang sinasabi na sumama ito sa nurse. Kaya naman alanganing napatango si Angie sa Nurse.

Sumunod din si Tita Siera sakanila, hindi ko alam kung susunod ba ako. h
Hindi pa ako nakakausad sa balitang wala na siya, bakit parang ang iba ay naka-move on na? Bakit parang ako lang ang naiwang nasasaktan?




Nakatitig lang ako sa puntod niya. Di ko na nga alam kung ilang oras na ba akong nakatayo dito. It’s been a week. Dalawang araw na rin siyang nandito, pero hindi pa ako bumabalik sa wisyo. Para parin akong nawawala.

“Alec…” napalingon ako sa tumawag saakin. Si Tita Sierra, may hawak siyang bulaklak.

Kahapon din ay nandito siya at nagdala rin ng bulaklak. Balak niya atang araw-araw dalhan ang mahal niyang anak ng bulaklak.

Tipid akong ngumti sakanya at tumango. Lumapit siya saakin.

“Kanina ka pa dito for sure, kumain ka na ba?” she asked. Habang sinasalansan ang mga bulaklak sa puntod.

“Hindi po ako nagugutom.” I said. Hindi ko na nga naalala kung kumain na ba ako buong araw.

“Let me invite you for a late lunch, anak. I want to talk to you.” Sabi niya saakin, habang nagsasalansan pa rin ng bulaklak.

Pinaunlakan ko iyon.

We went in the nearest food house, tahimik kaming kumakain. Ngayon ko lang narealize na gutom ako, marami akong nakain.

Tita gave me a water when I almost choked.

“Thank you, Tita…” I told her after I drank the water and recovered.

Nilapag ko ang baso sa lamesa. Nahiya na akong ituloy ang aking pagkain.

“No, Thank you...” Sabi niya kaya napatingin ako sakanya.

“Thank you for not leaving her, thank you for taking good care of her, thank you for loving her unconditionally, and I thank you both for giving me Nessa.” Tita continued.

I was stunned, hindi ko alam kung anong i-re-react. Hindi ako handa sa ganitong usapan, parang nagpapasalamat si Tita tapos magpapaalam na kasi wala naman na si Awie.

At ayaw ko, para saakin hindi kailangang magpasalamat at magpaalam dahil nandito pa rin ako at hindi titigil sa pagmamahal kay Awie. I’ll continue to love and take care of her. I’ll never leave her.

“Lahat tayo wasak, Alec. Hindi lang ikaw, anak ko siya… ang sakit saakin. But we’re still alive, we should continue living.” Tita said when I didn’t respond.

Napaiwas ako ng tingin. Bakit nga ba iniisip ko na ako lang ang nasasaktan? Ako lang ang nawalan?

“Even Angie… she’s really broken.” Dagdag pa ni Tita. Napaiwas ako ng tingin.

“Nananatili ka dito, nagpapakain sa lungkot. Maniwala ka gusto ring maging ganyan kalungkot ni Angie but how could she when she needs to be strong for Nessa? She’s sad at nagpapakananay sa anak mo. Can you imagine how hard it is for her?”
Hindi ko na magawang makatingin kay Tita. Because I am embaraased, because I know I should be responsible.

“Alec, hijo… aren’t you being selfish?”

I sighed. I was so mad and sad that I didn’t realized that I am the one who’s being selfish.

“Where… where are they, Tita?” I asked. Hindi pa rin makatingin ng maayos sakanya.

“In my house. Hindi kita minamadali, take your time but think about your daughter… think about Angie.” Huli niyang sinabi.



It took me 3 more days before I got the strength to actually face my daughter and Angie. Tita Siera opened the door for me, sinabi niyang nasa kwarto ni Awie ang aking binibisita.

Hinayaan niya akong pumunta mag-isa doon, naiwan siya sa kusina habang nagluluto ng dinner.

Awie’s old room was slightly open. Nung sumilip ako ay nakita ko si Angie na natutulog sa kama at sa tabi niya ay bahagya niyang yakap ang anak namin ni Awie.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, dahan-dahang lumapit sakanila.

Angie was sleeping peacefully, but I saw dry tears in her cheeks. Yeah, of course, she’s also miserable about losing her sister.

I remember how eager she was before just to see her Ate in Paris, I remember how she loves her before she knew about our betrayal, and I remember how she never leave Awie even though she was still hurting about what happened to us.

Napailing ako, bakit nga ba inisip ko na ako lang ang nawalan?

The child murmured something, I think she’s going to cry at dahil ayaw kong magising niya si Angie ay binuhat ko siya para aluin.

Kinakabahan ako. This is the first time I did carry a new born baby.

I hold her carefully, like a fragile glass that made me more nervous. Tumigil siya sa nagbabadyang pag-iyak at tumitig saakin. There I realized that we almost look alike, napangiti ako pero sumabay doon ang mumunting luha. I don’t know what I am exactly feeling right now, but maybe Awie was right.

This child is ours, and I should be the one who’s taking care of her… and I feel the urge not to give her a miserable life just like what Awie wants me to do. Our child needs a family, she deserves that.

And looking at this little girl made me decide to do what her mother wants me to do.

No HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon