03

9 1 0
                                    

I can say that, slowly, we are building a romantic relationship. I mean, we're sweet to each other and we do those boyfriend-girlfriend things. It's been a year since she became my fiancée and nothing change on what I am feeling towards her, para saakin sapat na talaga iyon para magpakasal kami after she graduated college.

"I miss those times na araw-araw kitang nakikita." Angie pouted, we're in my car at ako ang sumundo sakanya ngayon. Maaga kasi akong natapos sa trabaho kaya nagka-oras akong sunduin siya.

"I thought nagtitiis ka lang noon?" I joked. Ako rin naman ay naninibago ngayon dahil kung dati nung high school kami nagkikita kami every weekend, tapos nung last year ko sa college ay almost everyday, ngayon naman ay kung kailan lang ako hindi abala sa business.

"I was just kidding! Pinagsisisihan ko na yung sinabi ko n'on." She said, nakapout pa rin.

"You're really cute, papisil nga ng pisngi..." agad naman siyang lumayo saakin dahil ayaw niya talaga tuwing ginagawa ko iyon sakanya.

"No! Magdrive ka lang diyan!" natatawa siya habang dumedepensa sa pag-abot ko sa pisngi niya.

"By the way, yung sinasabi ko sayo last time na friend ko na nasa America... Uuwi siya ngayong weekend." Pag-iiba ko ng usapan.

"Ah, si Kino 'yon diba?" she asked. She's not looking at me at mukhang may tinitext sa phone niya.

"Yup, gusto mo sumama sa welcome party niya?"

"Hmm, I don't know yet. Major ang subject ko kapag Sabado." Napatingin ako sakanya, that would be more fun if she's with me pero ayaw ko namang ipilit.

"How did you know Kino again?" I asked. Nabanggit niya rin kasi last time na she knows Kino, pero dati naman ay hindi nabanggit ni Kino si Angie.

"He's ate's schoolmate nung nagbubusiness course pa si ate sa America, before she went in Europe she studied business first." She explained, napatango-tango ako. Small world ha.

"Alam ko nagdate sila ni Ate? Kaya naipakilala saakin." Dagdag niya pa.

"Close kayo ng ate mo?" I asked, dahil wala naman akong background about her older sister.

"Yup, of course, dalawa lang naman kaming magkapatid. Ako lang ang kakampi niya sa bahay." She chuckled a bit, mukhang may naalala pa siya tungkol sa ate niya.

"Kailan pa siya wala sainyo?" I'm just curious.

"Hmm, first year high school niya nasa ibang bansa na siya."

Oh. Ang tagal na pala talaga.

"I was just grade 4 back then, umiyak nga ako n'on kasi namimiss ko siya palagi. You know, ate was a bit different from me but we clicked. Opposite do attracts talaga." Pagkukwento niya pa.

"Sinong kasama niya sa ibang bansa?" I asked. Again, I'm curious. Nandito ang parents nila eh.

"Mommy niya." Napabaling ako kay Angie. So, magkapatid lang pala sila sa Daddy. Tumango ako, I don't want to tell her what's on my mind baka ma-offend siya kung isasaboses ko.

"Ah, hindi ko pa nga pala nababangit before si ate Aurora... Tita Amora was my dad's first love kaya lang ayaw ng family ni Tita Amora kay Dad kaya pinaghiwalay sila. Daddy thought Tita Amora was going to marry someone else na kaya he decided to marry my Mom instead little did he know na Tita Amora pala was pregnant na. Kaya rin talaga umalis si Ate kasi she's uncomfortable whenever Mommy's around feeling niya naaalala ni Mommy na may iba pang mahal si daddy noon kapag nakikita siya nito."
I was listening to Angie intently. Life isn't really perfect pala talaga.

Looking at Angie's family, it seems very perfect, ngayon na naikwento niya ang tungkol sa ate niya ay nalaman kong may flaw din pala ang perpektong pamilya nito. But it doesn't really matter to me, that's their issue though.

No HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon