08

7 0 0
                                    

"I'm really sorry, Alec... I really need to go in this seminar." Angie said. She sound so guilty, paano ba naman ay ngayon din dapat ang pagsundo namin sa kapatid niya.

"Paano yan? Driver niyo nalang ang susundo sa kapatid mo?" I asked.

Sayang ang mga meeting na pinare-sched ko.

"The thing is... Walang available driver, can you fetch her alone? Sorry talaga!" Napapikit ako sa narinig.


Wala naman akong choice kundi umoo nalang, diba? I don't want to disappoint her, pati ang daddy niya. Besides, pakitang tao na rin sa ate niya.


"Fine. Magbibihis na ako." I told her.

Masayang nagpasalamat si Angie bago nagpaalam na kailangan niya nang ibaba ang tawag.

Maaga akong nakarating sa airport, tiningnan ko ang phone ko para makita ang oras. Limang minuto nalang ay palapag na ang eroplanong sinasakyan ng kapatid ni Angie.

Sa 'di ko malamang dahilan ay kinakabahan ako. Well, maybe because ngayon ko lang makikita ang kapatid niya at hindi ko naman ka-close ito.

I texted Angie the exact location where I parked my car, sabi niya saakin kapag nag message na sakanya ang ate niya ay itetext niya ang location ko para dito nalang ako pupuntahan ng kanyang kapatid.

Para hindi mabored, naglaro muna ako ng online game sa phone ko.

"Yes!" I shouted when I won, napatingin ako sa orasan sa phone ko at 15mins din akong naglaro. For sure nakalapag na ang ate niya, sana lang hindi na-delayed ang flight nito.

After 5 more minutes sa paghihintay ay wala pa rin ang ate ni Angie kaya nag ranked game muna ulit ako.

As usual, I won again. Napaangat ako ng tingin sa may bintana ng sasakyan ko when someone knocked on it.

Nabitawan ko ang cellphone ko. It's... Awie!

Or am I just hallucinating? Bakit siya kumakatok sa bintana ko? Did she saw me? Eh tinted ang kotse ko!

Tang ina! Lalo akong kinabahan sa sunod kong naisip. That can't be!

Lalong lumakas ang pagkatok niya, hindi ko magawang buksan ang bintana... What if tama nga ang nasa isip ko? What if she really is Angie's sister?

I unlocked the doors, narinig niya siguro iyon kaya umikot ito at binuksan ang pinto sa may shotgun seat.

"What the hell-" she stopped talking when she saw me. Napaiwas ako ng tingin at napalunok.

"A...alec." she whispered. Napasapo ako sa noo ko, hindi ko siya binalingan.

Hindi ko mawari ang nararamdaman ko, ang alam ko lang ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

Sinarado niya ang pinto, hindi siya pumasok kaya napatingin ako sa bintana.

She's calling someone, mukhang sumagot agad ang tinatawagan niya dahil inilagay niya agad ang phone niya sa may tainga niya.

Napasapo rin siya sakanyang noo habang may kausap sa phone. Nung binaba niya ang tawag ay dumiretso siya sa likod ng sasakyan at nilagay ang mga gamit niya sa compartment doon.

I badly want to help her but I just can't move. Ang gulo ng nasa isip ko.

Is she Angie's sister?

Napatingin ako sa bumukas na pinto, pumasok si Awie sa aking sasakyan. Sa tabi ko mismo.

Lalo akong nangatog. May ibang klaseng pakiramdam talaga kapag nalalapit ako sakanya.

No HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon