Chapter 6

43 7 0
                                    

Chapter 6

Bumaba ang seryoso niyang mga mata sa labi ko kaya napalunok ako. "You want me to kiss you?" usal niya bago muling naglakad nang nakapamulsa. Napakurap ako bago siya mabilis na sinundan.

"K-Kanta lang 'yon" utal ko. "Feeling mo naman"

"Pa'no nga ulit 'yon? Ah, forgetful Rui..."

Sumama ang mukha ko dahil sa sama rin ng boses niya. "Lucy 'yon!"

"Lushi?"

"Anong lushi? Lucy!"

"Lushi nga"

"Lucy!"

"Lushi nga sabi ko" aniya kaya napanganga ako. "You want me to spell it?"

"'Wag na! Katungog pa rin ng shi ang letter C mo"

"El, yu, shi..." nilingon niya ako. "Way"

"Oh 'di ba? Kung makalait ka sa boses ko, tsk. Sabihin mo na"

"Ang alin?" inosenteng tanong niya bago nagdirediretso pa rin sa paglalakad. Nagtaka na lamang ako dahil papuntang exit na kaming dalawa. Sinabi lang ba niya iyon para sumunod ako rito? I shouted his name many times nang magtuloy-tuloy siya sa paglabas. Alam kong pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. Nakamot ko ang ulo bago mabigat ang mga paang hinabol na naman siya.

Hanggang sa siya ay huminto at inosente akong nilingon.

"Sabihin mo na bilis. Alam mo bang may trabaho pa 'ko, Mr. Yohann Min?"

"Oh, about the..." nakamot niya ang sentido bago nakapikit na tiningala ang langit. Tumatama sa mukha niya ang sinag ng araw. Bumaba siya ng tingin sa akin. "You should ask yourself"

I tried to absorb what he was trying to say. Ask myself? Did I just follow him all around to ask myself? Nagpa-late lang ba talaga ako sa trabaho para sa ask yourself na sagot niya?

Naikuyumos ko ang mga kamay dahil pagkatapos niyang sabihin iyon ay nilagpasan na niya ako. Naiwan akong nakatayo sa labas ng Mall habang pinapanood siyang maglakad papuntang pedestrian lane.

"Maging dough ka sana sa gitna ng kalsada" naiinis na bulong ko sa sarili. Mag-isa na lang siyang nakatayo roon dahil hindi siya sumunod sa mga taong tumatawid. Mukhang sira rin ang traffic light at wala pang traffic enforcer sa mga oras na ito. Hindi katulad kanina na maaga pa, marami na ngayong dumaraan na sasakyan. Lumilingon lang siya sa magkabilang direksyon at halatang may pag-aalinlangan ang kanyang mga paa. Lalakad siya ng dalawang hakbang pero aatras din pagkatapos.

Sinadya kong huminto sa gilid niya. Pinagtaasan ko kaagad siya ng isang kilay nang lingunin niya ako. Napalingon-lingon ako sa magkabilang direksyon bago kalmadong tumawid ng mag-isa. Akala ko ay sumunod siya pero nagkamali ako. Nakatayo pa rin siya roon habang nakatingin sa akin mula rito. Napangisi ako sa naisip. Marunong nga siyang magdrive ng sasakyan, pero hindi naman marunong tumawid tsk tsk.

Nang-aasar ko siyang kinawayan bago nakangising nagpatuloy sa paglalakad.

Patalon-talon akong naglakad habang pinapaikot ang susi ng aking motor sa hintuturo. Pakiramdam ko nakaganti na rin ako sa kanya. Sinusundan pa rin niya ako ng tingin nang subukan kong tanawin siya roon. Mabilis ding nawala ang aking ngiti at huminto sa paglalaro sa susi nang makitang nakayuko na siya sa kanyang mga tuhod.

Tinalikuran ko siya at pinagsawalang-bahala ang nakita.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero napahinto rin ulit. Mariin kong nakagat ang aking pang-ibabang labi at inis na naglakad pabalik. Ang hirap labanan ng konsenya! Gusto ko sana siyang samaan ng mukha pero kapansin-pansin ngayon ang pagiging balisa sa mukha at kilos niya. Mas naging halata pa iyon nang tuluyan na akong huminto sa kanyang harapan.

Forgotten Scars of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon