Chapter 15
YOHANN MIN
"Bro, where are you? I am waiting for you here at the airport"
"I decided to stay here"
"What?"
"I'll stay"
"Wait wait woo...w-what? Tama ba narinig ko?"
Ipinarada ko sa pinakagilid ng kalsada ang sasakyan.
"Dad needs you. Mas may tiwala pa nga 'yon sa'yo kesa sa'kin. Why? What...What's with that sudden change of mind, Yohann?"
"I'm staying for my mom"
"Is that really your reason? Or are you trying to reach out to her again?"
"This is not about her" mariin kong tugon.
"I don't believe you"
Huminga ako ng malalim. Itinuon ko sa labas ng bintana ang paningin. I sighed again.
"Okay fine. Then, I'll stay"
"Hosiah" pagbabanta ko.
"I told you. I won't leave unless you'll go back to Paris with me. Not to mention, I have also business here." pagtatapos niya. Napapikit ako at nasapo ang sariling noo.
Pinaandar ko ulit ang makina ng sasakyan nang mahimasmasan. Sinubukan kong tawagan ang number ni Hosiah habang nakatayo at nakatingala sa pasaradong florist shop pero walang sumasagot sa kabilang linya.
"Magandang gabi sa iyo, hijo"
Ibinaba ko agad ang cellphone. "M-Magandang gabi rin po, manang"
"Nandito ka ba para bumili ng bulaklak? Sakto, hindi pa kami nagsisirado" abot hanggang mata ang ngiti niya. Nakangiti akong tumango. I followed her inside.
"Mag-ingat ka sa ulo mo't baka mauntog ka" nakangiting nilingon muli ako ng matanda. "Anong tipong bulaklak ba ang magugustuhan ng babaeng pagbibigyan mo?"
Napaisip ako.
"Meron kaming palumpon ng mga rosas. May mga kulay kang pagpipilian, may pula, puti, dilaw, at pink. Meron din kaming bulaklak na Gerbera, Lilac, Alstroemerias, Daisies, at Lilies"
Nagpirme ang atensyon ko sa panghuling bulaklak na nabanggit niya.
"Gusto mo iyang Calla Lily?"
"I'll buy them" Hindi ko napigilang mangiti nang maalalang paboritong bulaklak iyon ni mama lalo na ang kulay puti. Hinarap ko ulit ang matanda na nakangiting kumilos kaagad.
![](https://img.wattpad.com/cover/255095463-288-k606875.jpg)
BINABASA MO ANG
Forgotten Scars of Love
RomanceRui Laine Astudillo is an independent kind of woman. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang delivery woman sa isang maliit na pizza parlor at nagtatrabaho naman ng ilang part time jobs tuwing weekend. Doon umiikot ang buhay niya dahil hindi si...