Chapter 11

36 6 0
                                    

Chapter 11

Nakangiti akong pinagbuksan ng guard at tinulungan sa dalawang maletang dala. Puno ng paghanga kong pinalibutan ng tingin ang bawat parteng madapuan ng aking mga mata. Iginiya kaagad nila ako sa 6th floor papunta sa condo unit na aking titirhan. Nakangiti akong nagpasalamat sa kanilang lahat pagkatapos. Sa huli ay naiwan akong mag-isang nakatayo dito sa malaking sala.

"Home sweet home, Rui" nakangiting usal ko habang pinapasadahan ng tingin ang lugar. Tatlong kulay ang meron; puti, kulay-abo, at kulay kahoy. Lamang ang kulay puti sa dingding, kulay-abo naman ang mga couch at ilang kagamitan, at kulay kahoy ang sahig. May mga minimalist painting namang nakadikit sa iilang dingding.

Hawak ang dalawang maleta sa magkabilang kamay, dumiretso ako sa kwarto. Hindi ko na naman mapigilang mapanganga at humanga. Mas maganda at malaki ito kumpara sa dati kong kwarto. Malinis at wala masyadong dekorasyon. Kulay puti ang buong bedsheet at mga unan. May maliit namang lampshade sa gilid ng kama. Kulay abo ang mga kurtina.

Nakangiti kong kinapa sa bulsa ang cellphone para tawagan si Amay.

"Nasa mansyon na ba ang reyna?" iyon agad ang bungad na tanong niya nang sagutin niya ang tawag.

"Ang ganda, bakla" pinasadahan ng aking mga daliri ang kurtina at hinawi ito. Tumambad sa akin ang magandang view ng city lights.

"Oh, kailan sleepover teh?"

"Kayong bahala" tawa ko. "Pero 'wag ngayong linggo ha? Mag-aayos pa 'ko" Nasalubong ko ang malamig na hangin pagkabukas ko ng sliding door. Maliit ang balkonahe pero bubusugin ka naman sa ganda ng view. Kinikilabutan ako.

"Nandiyan ba mga magulang mo?"

Umiling ako. "Wala. Hinatid ako ni Jalen papunta rito"

"Nandiyan pa si pogi?" boses ni Greggy ang nagtanong.

"Wala na. Pinaalis ko na kasi may ka-date" diniinan ko ang huling salita para asarin si Greggy. Matagal nang may gusto ito kay Jalen eh.

"Kailan ba end game niyan teh?" may halong inis sa boses ni Greggy. Narinig ko namang binulyawan siya ni Amay. "Shut up, Amay. Malay mo ako ang end game!"

Nakangiti akong naglibot ng tingin habang pinapakinggan ang asaran ng dalawa sa kabilang linya. Bukod sa mga sasakyan, dumaragdag din sa ganda ang mga nagtataasang building. Sinabayan pa ng magandang panahon ngayong gabi.

"Woi Rui, kumusta ang vibe? Wala bang something creepy diyan? Baka may mga hidden cameras diyan, bakla! Panonoorin kang naliligo't nakahubad!"

Doon lang ako nabalik sa wisyo dahil sa sinabi ni Amay.

"Rui? Ruwelda? Andyan ka pa o nahulog ka na sa building?"

"Ayan ka na naman eh"

Forgotten Scars of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon