Chapter 38

9 5 2
                                    

Chapter 38

Nakabalik na rin siya? Anong ginagawa ng kapatid ni Yohann sa ganitong klaseng lugar? Nagdalawang isip pa akong lapitan siya dahil nga sa dalawang babaeng dikit na dikit sa kanya na parang linta. May ibinulong lang siya sa tenga ng dalawa ay bumungisngis na ang mga ito at tumayo. Pakendeng-kendeng pa nila akong nilagpasan. Humalakhak ulit iyong lalaking inakbayan ako kanina. Iyong dalawang babae na ang inaakbayan niya ngayon at hinahalikan. Sumama ang mukha ko.

"Rui."

"Ikaw iyong nag-order ng pizza? Pero iba kasi 'yong nakapangalan—

"Yeah. I did that on purpose." Nakangiti man pero hindi iyon umaabot sa mata.

Napilitan akong ngumiti bago maingat na nilapag ang limang box sa maikling mesa sa harapan niya. Hindi ko man siya pinapanood pero nakita ko ang pag ayos niya ng upo. Ibinaba niya ang dalawang paa mula sa pagkakapandekwatro kanina at tinukod ang kanyang dalawang siko sa ibabaw ng kanyang binti. Ramdam ko ang malalim niyang paninitig.

"You can eat with us, Rui." alok niya. Umiling agad ako.

"Bawal naming gawin 'yon."

"They don't see you anyway." ngiwi niya. Peke akong ngumiti at napahawak sa batok. Tinawag niya ang mga lalaking nandito at pinalapit. Dinagsa agad ang pizza kaya wala akong magawa kundi ang umatras. Hindi pa ito bayad kaya hindi pa ako pwedeng umalis.

"Shit sarap!" Kinindatan ako no'ng lalaking kanina pa talaga ako pinagtitripan. "Sarap mo, Miss!" halakhak niya. May ilang natawa sa kanya at binatukan pa. Wala siyang pakialam kung magkandahulog sa bibig niya ang kinakain. Hilaw akong ngumiti at nilingon si Hosiah na madilim na ang tingin sa lalaki.

Kukuha pa sana ulit iyong lalaki nang tampalin ni Hosiah ang kamay niya. Natahimik ang lahat.

"Dude lemme eat!" halakhak niya. "Ang sarap eh." sabay lingon sa akin. Doon na sumama ang mukha ko. Nakakagago na ah.

Kukuha ulit sana siya nang ilayo ulit ni Hosiah ang box sa kanya. "Nakikikain ka lang." malamig niyang sabi. Parang natauhan bigla iyong lalaki.

"Takaw mo kasi!" halakhak ng isa. Iyong lalaking nakatali ang buhok dahil sa haba.

Itinuon ko na lang sa ibang direksyon ang tingin at nagulat nang mahagip sa mata ko iyong dalawang lalaking nakaungot sa pinto. Kitang kita kong may inabot na maliit na sachet iyong lalaki sa isa. Kulay puti ang laman. Kailangan ko na talagang umalis dito.

"Uh..Hosiah." pagtawag ko. Ngumiti ako sa kanya at nakita ko ang pagliwanag kahit kunti ng kanyang mukha. "Kasi ano...iyong bayad."

"Pangalan mo muna, Miss?" Hinarangan ng lalaki ang pagkuha ko sana sa perang inabot ni Hosiah. Nagulat ako sa ganoon kalapit naming dalawa. Nakatayo siya sa harapan ko at sinasadya niya talagang idikit ang katawan namin. "Single? May jowa? Wala?"

"Oh fvcked you, Kevin. Move!" Napaigtad ako sa iritadong sigaw ni Hosiah. Nakatayo na siya. Parang mga tutang mabilis na lumayo ang lahat. Maging si Kevin ay isinuko ang dalawang kamay sa ere at natatawang umiling-iling bago umatras.

Forgotten Scars of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon