Chapter 25

31 6 0
                                    

Chapter 25

Nagpaas-if akong walang narinig sa usapan nila kanina sa labas. Abala kaming lahat sa trabaho. Busy naman si Cerra sa pagtuturo kay Yohann Min. Nasa kusina naman sina Greggy at Amay. Nagpatuloy ang paglabas-masok ko sa pizza parlor. Kada may nagpapadeliver ay palitan naming pinupuntahan ni kuya Roger ang address. This time, ako naman ang aalis dala ang limang box ng pizza.

Nakita kong nakasandal na nakapikit si Yohann Min sa punong-kahoy sa tabi ng motor na gagamitin ko. Hindi na ako nag-atubiling kausapin siya at nagpatuloy sa paglalagay ng mga box sa likod ng motor. Gising na siya nang subukan kong lingunin.

"Wala na bang pinapagawa si Cerra sa'yo?"

"Hinihintay kita"

"May idideliver ako." nilingon ko siya. Umayos na siya ng tayo. "Bakit?"

Murder case...Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga narinig kanina. Pero kung iyon nga ang kaso niya noon, anong klaseng tao ka nga ba, Yohann Min?

"Nothing" inilagay niya sa magkabilang bulsa niya ang kamay tsaka ako nakangiting hinarap. Nasundan ko siya ng tingin dahil sa kakaibang kinikilos niya. Hinihintay daw ako pero umalis siya kasi wala lang? Kumulubot ang mukha ko. Wirdo siya oo, pero mahirap paniwalaan na minsan na siyang nakapatay ng tao.

Sinarado ko na ang malaking kahon sa likuran ng motor at umangkas na. Kinuha ko ang nakadikit na sticky note sa ibabaw ng meter gauge at natigilan nang mabasa ang sulat kamay niya roon.

If I'm going to ask you out tonight. Would you also let me?

Nilingon ko ulit ang dinaanan niya kanina pero wala na siya. Inosente kong binasa ulit ang sticky note. Huli na nang marealize kong nakangiti na pala ako habang nagmamaneho paalis.

"Bye madam!" paalam ni Cerra nang makapasok ako sa loob. Panghuling delivery ko na iyong hinatid ko kanina. Nakangiti kaming nagkatanguan bago siya tuluyang lumabas. Nawala kaagad ang ngiti ko. Pagod akong naupo sa pinakadulong upuan at doon tumunganga.

"Oh, Rui. 'Di ka pa uuwi?" Napatingala ako sa paglapit ni Amay at Greggy sa akin. Parehong nakasabit sa braso ang kanilang mga bag. Tumayo na ako. "May hinahanap ka?"

"Si Yohann?"

Nilingon ko ang direksyong ininguso ni Amay. Nasa labas si Yohann kausap si Cerra. Nalukot ang mukha ko.

"Anong meron, Rui?"

"Wala" mapaklang sagot ko habang pinapanood ang dalawa. Ewan kung bakit naiirita ako sa nakikita ko. "Anong meron sa dalawa?"

"Curious ka bakla? Curious ka no? Kami rin! Sila na ba?"

Napalingon ako kay Greggy sa sinabi niya.

"Buti may sense of mutuality ang dalawa, kayo Rui wala!"

Forgotten Scars of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon