Chapter 18
Nagsipagpaalam na ang ilan sa mga natitira dito sa pizza parlor. Pagkatapos ng naging usapan naming tatlo kanina ay halatang balisa at wala sa sarili si Amay. Binilisan ko ang pagma-mop ng sahig habang tinutulungan naman ako ni Yohann Min sa pag-aayos ng mga upuan dito.
"Una na'ko mga bakla!"
Mabilis kong pinigilan ang paglabas ni Greggy sa pinto. Pinilit kong ngumiti matapos niya akong pagkunutan ng mukha.
"Papunta ka kay Mother Lilie 'di ba?" pabulong na tanong ko sa kanya. Tumango siya kaya nagsalita ulit ako. "S-Sama ako"
"Sure ka?"
"Hmm" peke ulit akong ngumiti at tumango. Hinawakan ko ang isa niyang braso para hindi makawala at mas lumapit pa. Ayoko kasing may ibang makarinig sa sasabihin ko. "Kailangan kong makaipon ulit ng pera"
"Hanggang gabi ako ro'n" aniya. Tumango-tango ako. Hindi ko pa rin binibitawan ang braso niya. Bukod sa ayokong makasabay sa pag-uwi si Yohann Min, gusto ko ring kumita ulit ng malaki sa isang gabi.
"Amay, sama ka?" pasigaw na tanong niya. Ensaktong kakalabas lang mula sa opisina nila si Amay.
"Susunod ako mamayang gabi" sagot ni Amay kay Greggy bago tumingin sa akin. Nakita kong sulyapan ni Amay si Yohann Min bago tahimik na bumuntong hininga. Pinanood ko siyang pumasok ulit sa kanyang opisina.
"Larga na tayo, bakla"
Sumunod kaagad ako kay Greggy sa labas. Hindi ko na nilingon pa si Yohann Min pero ramdam ko ang pagsunod niya ng tingin sa aming dalawa, maging dito sa labas.
"Anyare sa loob kanina, ba't parang lutang kayo?"
Pag-iling lang ang naisagot ko. Nakangiwing nagkibit-balikat si Greggy bago naunang pumasok sa sarili nitong sasakyan. Binuksan ko na ang pinto sa passenger's seat sa harap para pumasok na rin sa loob.
Natigilan ako habang nagsusuot ng seatbelt.
Wala sa sarili kong nilingon ulit ang pinto ng pizza parlor kung saan kakalabas lang din ni Yohann Min. Itinikom ko ang bahagyang nakaawang na bibig at kaagad na nag-iwas ng tingin matapos niyang sulyapan ang gawi ko.
Isinandal ko ang likod sa upuan bago mariing ipinikit ang mga mata. Ilang segundo lang, naramdaman ko na ang pag-usad ng sasakyan paalis dito.
Matapos niyang aminin kay Amay na dati na siyang nakulong, lumabas kaagad ako sa opisina. Hindi ko na alam ang pinag-usapan nila habang wala ako. Baka nga nagbago ang desisyon ni Amay na tanggapin siya. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan kung bakit natakot ako bigla sa kanya. Normal lang naman sigurong matakot ako 'di ba?
Minsan na siyang nakasuhan at nakulong sa isang krimen. Pero ang tanong, anong krimen ang nagawa niya? Rape? Homicide? Murder?
![](https://img.wattpad.com/cover/255095463-288-k606875.jpg)
BINABASA MO ANG
Forgotten Scars of Love
RomanceRui Laine Astudillo is an independent kind of woman. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang delivery woman sa isang maliit na pizza parlor at nagtatrabaho naman ng ilang part time jobs tuwing weekend. Doon umiikot ang buhay niya dahil hindi si...