Chapter 36
RUI
Nag commute na lang ako dahil sa pagwo-walk out ni Jalen pagkatapos niyang magpaalam na aalis. Akala ko ba ihahatid niya ako pauwi sa condo? Tsk, sana nagmotor na lang ako papunta rito.
"Ma...pa...uuwi na po ako." Mahina at mabagal ko iyong sinabi. Hanggang sa mga oras na ito kasi hindi pa humuhupa ang galit ni mama. Nandito si tita Dallia, mama ni Jalen para saluhan ako. "Hindi na mauulit."
"Talagang hindi na mauulit, Rui, dahil hindi na kita papayagang pumunta sa ibang bansa!" parang kidlat ang pagkakasabi ni mama. Namanhid na ata ako at tumango na lang. Ayoko na ring makipagtalo pa. "Hala sige. Lumayas ka na."
"Ruwelda." nanunuway na boses ni papa. Yumuko na lang ako sa mga daliri at dahan-dahang tumango. Nilingon ko sa gilid ko si tita Dallia na hinahagod na ang likod ko. "Alis na po ako, tita."
"Mag-ingat ka Rui."
"Kayo rin po." ngiti ko at nilingon sila mama at papa na malayo pareho ang mga tingin. Nagpaalam ulit ako at lumabas na. Nahawakan ko ang dibdib at nakapikit na huminga ng malalim. Tapos na rin.
Habang nasa loob na ng taxi ay sinubukan kong tawagan ang numero ni Jalen. Kataka-takang nagriring naman pero hindi niya sinasagot. Gusto ko lang kwestyunin ang naging reaksyon niya kanina nang sabihin ni mama na hindi na niya kami pipiliting ipakasal dalawa.
Hindi na rin ako nag-abalang mag text. Baka kasi busy na ulit ang isang iyon.
Aaminin kong masaya ako. Parang nahigitan ng magandang balita ang takot ko sa mga magulang ko kanina. Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.
"Yohann." nakangiti kong bulong habang nakatingin sa mga sasakyang nalalagpasan namin. Kulay orange naman ang langit dahil sa papalubog na araw. Sobrang ganda no'n sa mga mata. Nakangiti kong isinandal ang ulo sa saradong bintana habang nakatunganga. Iniisip ko pa lang na magkikita kami ni Yohann, nangingiti ako. In love na nga talaga ako sa lalaking iyon.
Nakalock ang pinto ng condo niya nang makauwi ako. Ilang beses akong kumatok pero walang nagbubukas. Isang oras akong naghintay sa labas pero hindi pa rin siya dumarating. Saan kaya siya nagpunta?
Nakagat ko ang labi nang mapagtantong wala pa rin akong number niya hanggang ngayon. Paano ko siya hahagilapin nito? Okay lang ba siya? Baka may nangyaring masama na naman sa kanya.
Pumasok muna ako sa sariling condo para pampatay oras. Kung anu-anong ginawa ko kaya sa huli, pagod akong naupo sa sofa pagkatapos maligo. Tumama sa puting kisame ang tingin ko matapos magmulat. "Nakauwi na kaya siya?"
Ensaktong paglabas ko sa pinto ay natanaw ko siyang mabagal na naglalakad. Nakapamulsa siyang naglakad at bahagyang nakayuko. Kahit medyo natatabunan ng humahaba na niyang buhok ang kanyang mata, nakikita ko pa rin ang singkit niyang mga mata. Seryoso ang mga ito na para bang maraming iniisip. Sanay na ako sa ganoong klaseng ekspresyon niya pero hindi ko maiwasang kabahan sa papalapit niyang presensya. Naghuhuramentado ang sistema ko lalo na nang magsalubong ang mga mata namin.
BINABASA MO ANG
Forgotten Scars of Love
RomanceRui Laine Astudillo is an independent kind of woman. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang delivery woman sa isang maliit na pizza parlor at nagtatrabaho naman ng ilang part time jobs tuwing weekend. Doon umiikot ang buhay niya dahil hindi si...