Chapter 45

5 2 0
                                    

Chapter 45


YOHANN

'N-Natatakot ako sa'yo...'

Mabilis kong pinatay ang shower at hinihingal na napatukod. Naikuyumos ko ang mga kamay at napasuntok sa malamig na semento. If only I could, Rui. If only I could tell you everything, the details—everything! Pero, ayokong malaman mo ang lahat. Ayokong masaktan ka. Ayokong...mawasak ka. Kahit ako na lang.

Anong oras silang matatapos? 10pm na, ah. Nag-eenjoy ba siya? Dinner lang naman 'di ba? Bakit natagalan? Damn, I sound so desperate.

Nabuhayan ako ng loob at napaayos sa pagkakasandal sa pinto ng condo niya. Tumatawag si Rui. Tumatawag siya. "H-Hello?"

"Yohann Min? Si Yohann Min 'to, tama ba?"

Napasinghap ako ng hangin. Bakit nasa Trystan na ito ang cellphone niya? "Bakit?"

"Si Trystan 'to."

"I know. Bakit na sa'yo ang cellphone niya?" Kumunot ang mukha ko dahil tumahimik siya. Pero kinabahan agad ako matapos marinig ang background. Bakit may ambulansya sa background? "Where's R-Rui?"

"Nasa hospital kami."

"W-What do you mean?"

"Naaksidente siya. Nandito kami sa—

Napamura ako. "Text me the address!" Kumaripas na ako ng takbo. Nangyayari na ang kinakatakutan ko. No no, this can't be happening. Not this time. Not again!

"Congratulations, to the newly engage!"

"Congratulations!"

"Congrats!"

"Let's have a toast everyone. For their engagement. Rui Laine and Yohann."

"After all these years, kayo pa rin talaga ang magkakatuluyan! So happy for you, two!"

Nakangiti kong hinarap si Laine na manghang-mangha pa ring nakatingin sa singsing na binigay ko. Mas lalo siyang gumanda sa ngiti niya. I never wished to be loved like this. I never felt so loved in the past. Seeing how much she loved the ring I gave kahit ganoon iyon kasimple. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya. And now we're finally engaged. Finally, Laine. Finally.

Sa sobrang tuwa, kinuha ko ang kamay niyang nakaangat sa ere at hinalikan ang bawat daliri niya. Napangiti ako sa pamumula niya. "S-Sobrang ganda ng singsing, Yohann."

"I'll buy the best ring for our wedding." Hinalikan ko ang singsing niya.

"No. Gusto ko pa rin iyong simple. Kahit ganito nga oh." Mas lalong pumula ang pisngi niya. Umiling ako. Napanguso siya. I deeply sighed at tumango. May natitipuhan na akong singsing na gusto kong bilhin but man, how can I refuse?

"Yieee, I love you!" Nabigla ako sa halik niya. Nabibigla pa rin ako. Kumindat siya at bumungisngis bago nilingon ang mga kaibigan niya. Nakangisi kong dinampot ang wine glass at napailing.

Hinapit ko ang bewang niya at mas lumapit pa. Nakangiti akong bumulong sa kanyang tenga. "I love you more, babe." Natawa ako sa mahina niyang hampas sa braso ko.

"Uy, Hosiah! Best man! Halika nga dito!"

Nilingon naming lahat si Hosiah na nakasandal lang sa ilalim ng puno. Mag-isang umiinom at naninigarilyo. Unti-unting nawala ang ngiti ko. Tatayo na sana ako para puntahan siya pero umiling siya.

"Hey, bring your woman next time. Nagmumukha kang loner diyan!" untag ng kaibigan niyang lalaki sa dance troupe since high school.

"Dude, I'm having a smoke. What do you want me to do? Blow this on your freaking face?" iritadong sagot ni Hosiah.

Forgotten Scars of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon