Chapter 31

33 8 1
                                    

Chapter 31

Nakakailang dahil naaagaw ko ang atensyon ng iba sa tuwing madaraanan ko sila. Yumuko ako habang mas binibilisan pa ang paglalakad. Mabuti na lang at may nakasalubong akong waiter. Agad akong nagtanong kung saang banda ang cr. Nakangiti akong nagpasalamat sa kanya pagkatapos.

Hindi pa man ako nakakaabot sa pasilyo papuntang cr nang mahagip sa aking tenga ang pag-uusap ng mga matatanda. Kung hindi ako nagkakamali, narinig kong binanggit nila sa usapan ang pangalan ni Yohann Min.

Kumuha ako ng isang wine glass sa waiter na dumaan. Umatras ako at nagtago malapit sa grupo ng mga matatanda. Alam kong hindi tama ang gagawin ko pero gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila.

"He's the son of that crazy woman"

Natigil ako sa pagsimsim ng wine. Wala sa sarili ko silang nilingon at nakita ang umiigting sa galit na babae. Mataba at may katandaan na ito. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit niya kay Yohann. Pero nasagot din lahat ng aking mga katanungan nang marinig pa ang susunod niyang sinabi. Nakita ko kung paano nagulat ang mga kausap niya. May kung ano sa sarili ko ang nasaktan sa mga mata nilang nanghuhusga.

Pinatay ng sarili niyang ina ang kanyang asawa. Na imbes sa kulungan ang tuloy, ito'y kasalukuyang nasa mental hospital dahil sa sakit nito sa utak. Inampon lang ng pamilyang Jung si Yohann Min. Ang amang kinikilala niya ngayon ay mismong abogado ng kanyang ina noon.

Galit ang matandang ito dahil hindi niya matanggap na sumasawsaw sa business ng mga Jung ang hindi naman nila kadugo. Nagmana nga raw ito sa totoong ina. Mamatay tao, baliw, at kriminal.

Natakpan ko ang bibig. Umiling ako at nanlamig sa kinatatayuan. Hindi ako si Yohann pero ang makarinig ng ganitong panlalait ay hindi ko makayanan. Ang sabihang baka may sakit din siya sa utak. Kailangan ba talagang pag-usapan ng mga taong ito ang tungkol sa nakaraan nila? Hindi ako makapaniwala.

"His previous girlfriend almost died because of him"

Awtomatikong napahinto ang mga paa ko pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Mabilis ulit akong napalingon sa pwesto nila at natigilan. Kinabahan ako nang mag-abot ang tingin namin ng matandang babae. Tumalikod agad ako nang paningkitan niya ako ng mata. Binalot ako ng matinding kaba.

Tinakbo ko ang daan papuntang cr. Dapat kanina ko pa ito ginawa.

Hinihingal akong napakapit sa magkabilang gilid ng sink nang makapasok. Tinanggal ko ang suot na sandal dahil sa pananakit ng aking dalawang paa. Nakapikit kong ininda ang sakit bago ko hinarap ang malaking salamin. Tama bang marinig ko lahat?

Binuksan ko ang faucet para pagtakpan ang malalim kong paghinga. Napatitig ulit ako sa salamin.

Inabala ko ang sarili sa paghuhugas ng kamay nang biglang bumukas ang pinto. Iilang kababaihan ang pumasok at nag-usap. Bahagya akong tumabi nang ang isa sa kanila ay tumabi sa akin. Mula sa salamin, napanood kong inaayusan nito ang sarili. Kaagad akong yumuko nang mahalata niya ang paninitig ko. Pumasok ako sa isang cubicle at humugot ng malalim na hininga.

Forgotten Scars of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon