Chapter 07
"Jalen?" hindi makapaniwalang usal ko. Lumawak ang kanyang pagngiti. Halatang lasing na ang mga mata nito. Nagbaba ulit ako ng tingin sa mesa niya bago siya nagtatakang pinasadahan ng tingin. "Anong meron?"
Nakanguso niyang hinawakan ang dibdib. "Brokenhearted ako"
"Ikaw? Brokenhearted?" nangunot ang noo ko. Pinagkrus ko ang mga braso nang hindi siya magsalita, panay nguso lang. "Bago 'yan ah?" Ngayon lang ata siya nagkaganito dahil sa isang babae. "Eh 'di nakahanap ka na rin ng katapat mo?"
"Rui naman"
Natatawang umiling ako. Kaya ba kinukulit niya ako kanina na samahan siya? Kasi heto brokenhearted siya? "Uminom ka na lang diyan, balik na 'ko dun" tatalikuran ko na sana siya nang tawagin niya ako. "Oh?"
"So, waitress ka dito?"
"O-Oh, ngayon lang" napapahiyang nakamot ko ang sentido. "Wag mong sasabihin 'to kay mama, ah?"
"Tsk tsk okay. Kailan pa?"
"Ngayon nga lang" sagot ko. Napansin ko ang pagbaba niya ng tingin sa maiksi kong skirt pati na rin ang nang-aasar niyang pagngisi at pagsipol. Hinampas ko sa balikat niya ang hawak na tray. Pinagtawanan lang niya ako. "Hindi tayo talo" naiinis na sabi ko kay Jalen bago nagmamadaling bumalik sa trabaho.
Nanigas ang mga paa ko nang mapamilyaran ang isang lalaking nakaupo sa mahabang mesa. Mag-isa lang siyang nakaupo roon habang pinagsisilbihan ng bartender na si Jin. Huli na para umatras dahil nilingon niya ang gawi ko. Sabay kaming nagkagulatan bago ako nito pinasadahan ng tingin. Awtomatiko kong ipinangtakip ang tray sa binti nang bumaba ang paningin niya roon. Nagkasamaan kami ng tingin sa isa't-isa.
Aligaga ko siyang nilagpasan nang mahuli nito bigla ang braso ko.
"Maniac mo talaga no?!"
"Ilan ba trabaho mo?"
"Ano bang pake mo?" mabilis kong inalis ang kamay niya. Napansin ko siyang matigilan. Base sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay alam kong hinuhusgahan niya ako. Bahala siya sa kung anong masabi niya, total nagtatrabaho lang naman ako rito para kumita.
Tinalikuran ko siya.
Habol ko ang hininga nang malapitan si Greggy na may ginagawa. Mariin kong ipinikit ang mga mata sapo ang noo. Akala ko iyong Mall na ang huling pagkikita namin. Pati ba naman dito sumusulpot pa rin siya?
"Napaaway ka ba, ha? Rui?"
"Hindi"
"Oh, ba't ganyan hitsura mo?"
"Wala"
"May nambastos ba sa'yo?"
Tiningala ko si Greggy. Pinigilan ko na lang ang sariling magsalita. "Wala"
![](https://img.wattpad.com/cover/255095463-288-k606875.jpg)
BINABASA MO ANG
Forgotten Scars of Love
RomanceRui Laine Astudillo is an independent kind of woman. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang delivery woman sa isang maliit na pizza parlor at nagtatrabaho naman ng ilang part time jobs tuwing weekend. Doon umiikot ang buhay niya dahil hindi si...