Chapter 1
"Marky...please comeback to me. Promise, I'll be good. I won't demand anything from you. You can't just decide to break up with me like this? Hindi ko alam kung anong nagawa ko o may ginawa ba akong mali para hiwalayan mo? Kung may mali man, aayusin ko hindi yung ganito. Please bawiin mong hindi mo na 'ko mahal. Just give us another chance. We need to work this relationship"
Walang preno ko itong sinabi sa kabilang linya ng telepono. Nabalitaan kong nagpalit siya ng sim card sa cellphone niya kaya sinubukan kong tawagan siya sa kanyang landline number para kausapin. Ganoon na nga siguro ako kadesperada sa kanya.
"Babe, nandiyan ka pa ba?" mas diniin ko sa tenga ang telepono habang balisang pinaglalaruan ang wire nito. Hindi man lang siya nagsalita. "Please, talk to me?"
"Ikaw ba 'yong magdedeliver ng pizza dito sa condo unit ko?"
"Ha?" nanlalaki ang mga matang tinignan ko ulit ang numerong dinial ko. Napamura at natakpan ko ang bibig nang makitang may dalawang numerong mali sa natawagan ko. "S-Sorry, wrong number!"
Sa kaba, padabog ko itong naibaba. Ilang beses akong napamura, paulit-ulit. Nasapo ko ang mukha sa sobrang hiya at umiling ng umiling. Did just a random guy hear me begging for a man?!
Halos mapatalon ako nang mag-ring ulit ang telepono. I bite my lower lip out of embarassment at nakapikit na sinagot ang tawag. Nagulat ako dahil kaparehong boses pa rin ito kanina.
"Hello?"
"I told you, na wrong number lang ako!" I almost shouted.
"Pizza parlor to 'di ba?" Natigilan ako nang kalmado niyang itanong iyon. Natakpan ko ang bibig nang ma-realize ang kapalpakan na naman. "I re-checked it, Miss. Ito talaga 'yong number ng pizza delivery"
Napahawak ako sa batok at mariing napapikit sa pagkapahiya. Dala ng emosyon ko kanina, nakalimutan kong nakikigamit lang pala ako ng telepono dito sa pinagtatrabahuan kong pizza parlor. "S-Sorry!"
"Tsk tsk tsk. Where's my order?"
"Ha?" napanganga ako.
"Besh, pakideliver nga sa address na 'to!"
Nabitawan ko sa pagkakahawak ang telepono at aligagang nilingon si Boss Amay, ang dakilang baker slash owner ng pizza dito. Lutang akong lumapit sa kanya.
"Oh, anong nangyari sa fes mo baklita ka? Ba't parang horror 'yan?" Nanatili akong tulala sa hawak kong dalawang box ng pizza. "Woy!"
"Ha?" tiningala ko siya. Pinandirian niya ako habang pinupunasan ko ang pisngi kong tinuyuan ng luha at sipon.
"Oh, ba't nakabitay itong telepono? May tumawag ba na costumer? Oh! Hello? Gre-May Pizza Parlor at your service —ha? Ah yes sir! Papunta na po ang maghahatid ng pizza sa unit niyo"
Binasa ko ang address na nasa maliit na papel at pinanlakihan ng mga mata. "Condominium unit?"
"Besh larga na" Nanlalaki ang mga mata kong hinarap si Boss Amay. Isinisenyas niya ang kamay, pinapaalis na ako. "Ah yes sir! Thank you for ordering!" humalakhak pa siya pagkatapos niyang ibaba ang telepono. "Besh, gutom na boss natin, ilarga mo na 'yan"
"Ako talaga?!"
Napalingon-lingon siya bago ako pinamewangan. "Ay hindi, ako na lang no? Marunong ka bang gumawa ng pizza? Kaloka ka! Sino pa ba? Deliverer ka di ba? Taga gawa naman ako slash boss mo"
Anong deliverer? Tsk!
Nasapo ko ang noo at napapikit sa inis. "Oh sha! Sha! Tsk!"
"Ay supladang bakla" hawak niya sa kanyang dibdib. Lumaylay talaga ang balikat ko pero pinagtawanan niya lang ako. "Ang haggard ng mukha mo, Rui! Makakamove-on ka rin diyan sa jowa mong pinagpalit ka sa wampipti! Naku-naku, malay mo bakla, gwapo iyang kakain sa pizza mo, tapos kakainin ka rin rawr —
![](https://img.wattpad.com/cover/255095463-288-k606875.jpg)
BINABASA MO ANG
Forgotten Scars of Love
RomansaRui Laine Astudillo is an independent kind of woman. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang delivery woman sa isang maliit na pizza parlor at nagtatrabaho naman ng ilang part time jobs tuwing weekend. Doon umiikot ang buhay niya dahil hindi si...