Chapter 43
JAEHYUN
In loving memory of Jarenice Nelle Figueroa (1997-2014)
Inalis ko ang mga damong tumubo sa puntod bago nilagay sa gilid ng kanyang pangalan ang boque ng bulaklak. Ilang buwan na ang lumipas magmula nang huling dumalaw ako.
"Pinaghintay ba kita? Sorry. Ngayon lang ulit ako nakabisita."
Tumingala ako sa langit dahil sa malamig na ihip ng hangin at napapikit sa pagtama ng ilaw sa aking mata. Natanaw ko ang ina niyang papunta rito. Umawang ang aking bibig at aalis na sana pero huli na ang lahat.
"Kumusta, hijo? 'Di ko alam na dumadalaw ka pa rin pala sa anak ko."
"M-Magandang hapon, po." Nagbaba ako ng tingin kay Jarenice. Ramdam ko ang pagbaba rin ng tingin ng mama niya.
"Kung naiisip mong galit ako sa iyo ay hindi na, Jaehyun. Matagal na panahon na ang lumipas. Matanda na rin ako para magalit. Ayoko nang magkimkim pa ng galit sa iyo."
Nilingon ko agad siya. Nabigla ako.
"Sa tuwing dumadalaw ako ay hinihintay kita. Nagbabasakali. Kaso mukhang lumalayo ka na rin. Akala ko sumuko ka na."
Pinunasan niya ang luha at nakangiti akong nilingon. Suminghap ako at yumuko ulit. Hindi ko inaasahang darating ang araw na papatawarin niya ako. "Kung nandito lang si Jarenice alam kong ikatutuwa niya ang tinahak mong propesyon. Salamat sa pagtupad sa pangarap niyang maging pulis, hijo."
Jarenice. Malungkot akong ngumiti sa puntod niya.
"Pasensya na kung ikaw ang sinisisi namin sa pagkamatay niya kahit pa nakulong na ang taong pumatay sa kanya. Alam kong wala kang kasalanan sa sinapit ni Jarenice. Hindi namin matanggap. Hindi lang namin matanggap kung bakit wala kang n-nagawa." nabasag ang kanyang boses. Mabilis ko siyang inalalayan dahil sa panghihina niya. Napahawak siya sa braso ko habang humahagulhol.
Tumingala ako at suminghap ng hangin habang hinahagod ang kanyang likod.
"Alam ko kung gaano mo kamahal ang anak ko. Sana mapalaya mo na rin ang sarili mo, Jaehyun. Masaya na siya. Sana maging masaya ka na rin." Napapikit ako sa sinabi niya. Iyon na ata ang pinakamahirap gawin.
Lutang akong naglakad palabas ng sementeryo hanggang sa tumawag bigla si Jalen. "Bakit?"
"Nasan ka ngayon?"
"Bakit?"
"May bad news. Galing ako sa opisina. Cancel na raw ng department ang undercover operation natin."
Nagtiim ang bagang ko. "Bakit daw?"
"Ilang buwan na raw. Kaya ayun. Nilagay nila sa cold case ang kaso." mabigat na sabi niya. Napahilamos ako. "Ayokong i-drop nila ang kasong 'to pero wala akong magawa. Baguhan lang ako sa department, tsk!"
Lumingon-lingon ako. Iilang sasakyan lang ang dumadaan. Nagpatuloy ako sa paglalakad para puntahan ang pinagparkingan ko ng sasakyan.
"Woi, Valmorida. Andiyan ka pa?' untag niya.
"Oh. Naglalakad ako." asik ko. Ayokong icancel nila iyon. Malapit na eh. Ramdam kong malapit na naming mabisto iyong taong iyon.
Awtomatikong napahinto ang mga paa ko sa paglalakad nang mahagip ng mata ko ang lalaki sa loob ng pulang sasakyan. Kalalabas lang niya sa malaking gate ng sementeryo Unti-unti kong binaba ang cellphone at sinundan ng tingin ang pagdaan ng sasakyan niya sa mismong harapan ko. Parang nag slow motion. Parang nag slow motion din ang pagsarado ng bintana niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/255095463-288-k606875.jpg)
BINABASA MO ANG
Forgotten Scars of Love
RomanceRui Laine Astudillo is an independent kind of woman. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang delivery woman sa isang maliit na pizza parlor at nagtatrabaho naman ng ilang part time jobs tuwing weekend. Doon umiikot ang buhay niya dahil hindi si...