Chapter 2

67 9 2
                                    

Chapter 2

Nanggagalaiti kong hinubad ang helmet at basta na lang itong ipinatong sa ibabaw ng motor, bago pumasok sa loob ng pizza parlor. Padabog akong naupo sa gilid. Minudmod ko ang mukha sa bilugang mesa, at doon paimpit na nagsisisigaw habang nagpapadyak sa matinding inis.

"Ay hala! Anong nangyari bakla?" nasisiguro kong si boss Amay ito. "May jugjugan ba —"

"Nakakainis siya! Nakakainis 'yong lalaking 'yon!" Tiningala ko siya.

"Oh, natauhan ka na ba sa jowa mo—"

"Yung nag-order ng pizza!" sigaw ko. Napahawak siya sa kanyang dibdib at maarte akong nilayuan. "Porke't mayaman ang bastos!"

"So may jugjugan nga—"

"Ano ba!" nandiri ako. Sinamaan ko siya ng tingin nang pagtawanan lang niya ako, Maarte siyang naupo sa kabilang upuan. "Walang jugjugan—walang ganun, okay? God, nandidiri ako sa iniimagine mo, tsk"

Tumikhim siya bago ulit ako pinagtawanan. "Ano ba kasing nangyari ha?"

Sa huling beses, minudmod ko ulit sa mesa ang mukha. Naalala ko na naman ang ginawa sa akin ng lalaking iyon. Tumayo ako kaagad. Kinikilabutan ako. "Mamaya na lang"

Ikwinento ko kay boss Amay ang buong nangyari pagkatapos naming magsarado. Hindi ako makapaniwalang imbes na magalit siya katulad ko, aba'y kinikilig pa ang baklang 'to.

"Shunga! Type ka nun! He's hitting on you!"

"Tamaan ko pa 'yon" asik ko. Nagulat ako nang isabit nito ang braso sa braso ko. Ayan na naman ang nakakalokong ngisi niya.

"Gwapo ba? Ha? Ha?"

Inis kong winakli ang kanyang braso. "Maputi lang" Napasigaw ako nang kirutin niya ako bigla sa tagiliran.

"Inutang at pinautang mo. It means, gusto ka niyang makita ulit!" halakhak niya. Siniringan ko siya, "Mag move-on ka na dali!"

Wala pang isang linggo kaming naghiwalay ni Marky. Naiinis ako sa tuwing kinukumbinsi nila ako nang ganito. Na para bang ganoon na lang kadaling kalimutan ang nakarelasyon mo ng ilang taon.

Kumpara kahapon, tatlo kaming on-duty ngayon at dalawang baker. Hangga't maaari, iniiwasan ko talagang ako ang makasagot sa telepono. Lalabas agad ako o di kaya'y magpapanggap na abala.

"Ah, kayo po 'yong umutang kahapon, sir?" rinig kong sabi ni Melodie sa kabilang linya ng telepono. Isa siya sa mga katrabaho ko. Hindi pa kami ganoon ka-close dahil mag-iisang linggo pa lang siya. Nagkatinginan kami bago ko isinenyas sa kanyang sila na lang ang mag-usap. Nakahinga ako ng maluwag nang tumango siya. "Okay, sir. One box of..."

Kinabukasan, nag-order na naman yata ng pizza ang lalaki. Magkakrus ang mga brasong pinanood kong ilista ng isa ko pang katrabahong si Cerra ang mga in-order nito. Magkaiba kami ng personality ni Cerra Acosa. Masyado siyang mahinhin na babae kumpara sa akin na bungangera at may pagkalalaki kung kumilos.

Si kuya Roger naman ang madalas kong pinapakiusapang maghatid kapag oorder ang Yohann Min na iyon.

Isang araw, ensaktong nag-ring ang telepono na wala sila dito sa loob. Napalingon-lingon ako sa paligid bago mabigat sa loob na sumagot. "Yes, Gre-May Pizza Parlor ma'am, sir" Napaayos ako ng tayo nang marinig ang pamilyar na boses niya.

"Can I order—

"Hindi ka ba nagsasawa?"

"Sa'yo? Hindi"

"Sa kakakain ng pizza!" sigaw ko. Natakpan ko ang bibig at yumuko sa mga kumakaing customer. Narinig ko siyang matawa sa kabilang linya. Pati sa pagtawa ay gano'n ka manly ang boses niya.

Forgotten Scars of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon