Chapter 8
YOHANN MIN
All seem blurry as I tried to open my eyes. I could hear unfamiliar voices na sigurado akong nasa malapit lang. Sinubukan kong gumalaw sa kinahihigaan para makita ang mga taong nandito pero kaagad din akong napaatras nang makitang halos lahat ng mga mata nila ay nakapako sa akin. Napaimpit ako sa sakit nang tumama ang ulo ko sa malamig na metal bar ng...kulungan?
Naguguluhan akong napaharap ulit sa kanila nang biglang kumirot ang ulo ko. Sumakit bigla ang panga ko nang subukan ko namang magsalita. What happened? Mabilis akong napatayo at napahawak sa metal bar nang tawagin ng papalapit na pulis ang aking pangalan.
"Bakit ako nandito?"
"May nag-report sa'yo kagabi"
"Who?"
"Babae" Doon lang siya nag-angat ng tingin sa'kin nang mabuksan na niya ang pinto. Naguguluhan pa rin akong napatitig sa kanya at sa buong paligid. "May nakapagpiyansa sa iyo." ngiwi niya. "Kapag mayayaman nga naman. Mabilis nakakalusot tsk tsk" bulong ng pulis pero alam kong sinadya niyang marinig ko.
Sumunod ako sa kanya sa paglalakad hanggang sa mapahinto ako nang makita si Hosiah sa front desk kausap ang babaeng pulis na nakaupo roon. Nakapamulsa niya akong nilapitan bago inakbayan. Sumaludo pa siya sa mga pulis bago niya ako inalalayang makalabas.
Hilot-hilot ang sentido, pinanood ko siyang pumasok dito sa loob ng sasakyan. "You don't remember anything?"
"No" nakapikit kong isinandal ang buong katawan. Inis ko siyang nilingon nang marinig ko siyang matawa. "What happened?"
"The police told me. May nagsumbong daw na babae sa pulis kagabi dahil hinalikan mo." tawa ni Hosiah. "Dude, you never even had a girlfriend in Paris yet you kissed a random waitresss here in Manila?"
Itinukod ko sa may bintana ang siko habang hinihilot ang sentido. Sinubukan kong tandaan ang mga nangyari kagabi pero mas lalo lang sumasakit ng ulo ko.
"Natandaan mo na? You passed out when you're drunk. I thought you are aware of that"
"I know"
"That girl must be lucky. How dare is she to punch your face?" bulong niya at tumawa nang samaan ko siya ng tingin. "Bro, I'm kidding"
Napahilamos ako ng mukha at inis na dumungaw sa labas. Ginawa ko ba talaga iyon? Kanino? Napapikit ako. I need to remember her.
"Mag-ingat ka sa susunod, kakalaya mo lang" Nilingon ko si Hosiah sa sinabi niya. "I won't get you out next time, Yohann"
"Kailan ka pa bumalik dito? How did you find out about this?"
BINABASA MO ANG
Forgotten Scars of Love
RomanceRui Laine Astudillo is an independent kind of woman. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang delivery woman sa isang maliit na pizza parlor at nagtatrabaho naman ng ilang part time jobs tuwing weekend. Doon umiikot ang buhay niya dahil hindi si...