Chapter 30
Mahirap paniwalaan ang nakikita ko ngayon sa salamin. Ako ba talaga ito? Kanina pa ata ako nakatunganga sa sariling repleksyon sa salamin habang inaayusan ako ng buhok ng parlorista. Halos maubos ang buong umaga namin kanina sa pamimili ng susuotin. Bagay na minsan ko lang gawin ay iyong artehan ang sarili ko. Pumayag akong sumama dahil interesado ako sa buhay na meron siya. Interesado ako sa mga taong nakapalibot sa kanya.
May ini-spray ulit iyong babaeng parlorista sa buo kong buhok at mukha. Mula sa salamin nasalubong ko ang magandang ngiti niya. Ngumiti ako. Isinenyas niyang tumayo na ako. Halos hindi ko makilala ang sarili sa salamin dahil sa make up. At isa pa, hapit na hapit sa katawan ko ang itim na dress na napili ko kanina.
Magkano naman kaya lahat ito?
Napalinga-linga ako sa paligid at nagtaka nang hindi makita si Yohann Min. Saan naman kaya nagpunta ang isang iyon? Sinagot niya lahat ng gastos ko mula damit at sa mga kaartehan. Nangako naman akong babayaran siya sa susunod na sahod. Gusto ko rin naman kasing maranasan kung anong klaseng party meron dito sa Paris.
Napansin ata ng babae ang paghahanap ko sa kanya. Doon na ako kinabahan nang may ituro siya sa may pintuan. Halos mahugot ko ang hininga nang makitang nakatayo siya sa may bukana ng pintuan. Nasa isang bulsa ang isang kamay at bahagyang nakasandal ang ulo. Ayon na naman ang titig na titig niyang mga mata.
Suot niya ang itim na coat. Sa loob no'n ay kulay itim ding turtle neck. Nakalantad naman ang kanyang noo. Heto pa lang ang unang beses na nakita ko siya sa ganitong datingan. Sa bilis ng kalabog ng puso ko ay kaagad akong napatalikod. Nakagat ko ang labi habang nahihiyang hinarap ulit ang salamin!
Narinig ko silang mag-usap sa ibang lingwahe. Abot-abot ang aking kaba nang mapanood ang paglapit ni Yohann Min sa kinatatayuan ko! Bago pa ako makaharap sa kanya ay halos gapangin ako ng lamig sa katawan nang maramdaman ang daliri niyang ayusin ang pagkakasarado ng zipper ng damit ko mula sa likod.
"It looks good on you" halos hangin niyang sabi bago binalingan ang babae at nag-usap ulit sila sa lingwaheng hindi ko na naman maintindihan! Napasinghap ako ng hangin.
"Let's go, Rui"
"O-Oh" tuliro ko silang hinarap at ngumiti. Pahirapan pa akong maglakad dahil sa takong.
"Take my hand"
"A-Ayoko"
"Kumapit ka" senyas niya sa kanyang braso. Umiling ako. "Hmm. Should I carry you?"
"Yohann!" nangangatal kong sigaw. Natawa siya kaya natigilan ako. Pati sa pagtawa niya ibang-iba rin ang dating. Bakit ba ang gwapo niya ngayon? May pinopormahan ba siya sa party? Iyong ex niya nando'n din kaya?
Nilagpasan ko siya at nagpaumuna. Napapikit ako sa mabilis niyang paghabol at paghawak sa braso ko nang muntikan na akong matapilok.
"You mad?" putol niya sa pananahimik namin habang naglalakad.
![](https://img.wattpad.com/cover/255095463-288-k606875.jpg)
BINABASA MO ANG
Forgotten Scars of Love
RomanceRui Laine Astudillo is an independent kind of woman. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang delivery woman sa isang maliit na pizza parlor at nagtatrabaho naman ng ilang part time jobs tuwing weekend. Doon umiikot ang buhay niya dahil hindi si...