Chapter 42

12 6 5
                                    

Chapter 42

Kinuhaan ko ng picture iyon at sinend kay Jalen. Pinaulanan ko siya ng chat kahit na nakaoffline siya. Hiningal ako bigla. Balisa kong tinitigan ulit ang hawak kong picture at nilagay iyon sa bag. Nakagat ko ang labi nang hindi rin sinasagot ni Jalen ang tawag ko. Kailangan ko siyang makausap.

Kumunot ang mukha ko nang makatanggap na naman ng text galing sa unknown number. Sa sobrang inis, tinawagan ko na. Sa halip na sagutin iyon ay text ang ginanti niya. Gusto niyang magkita kami.

Kinagat ko na dahil litong lito na rin ako dahil sa natuklasan. Kung totoo ngang may alam siyang hindi ko alam...hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero kailangan kong subukan. Kahit kung patibong lang ito.

Sa dami ng madidilim na lugar na naiisip ko, nagulat ako dahil dito pa sa mataong lugar siya gustong makipagkita. Hinigpitan ko ang paghawak ko sa strap ng bag at pumasok na sa mamahaling restaurant. Nakangiting pinagbuksan ako ng guwardiya. Nakatanggap agad ako ng text mula sa kanya.

From: Unknown number

Nakikita na kita.

Mabilis na umakyat ang kaba ko sa nabasa. Hinagilap ko agad siya sa bawat direksyon. Hanggang sa naagaw ng nakasumbrerong lalaki ang atensyon ko. Bahagya siyang nakayuko, nakatukod ang dalawang siko sa lamesa at pinaglalaruan ang kanyang mga daliri. Hindi nag-aabot ang mga mata namin pero ramdam ko ang pagtagos ng tingin niya sa suot nitong sumbrero.

Nakaitim siya lahat at may suot na mask. Paano naman kaya siya nakapasok sa mamahaling restaurant na ito sa ganyang pananamit? Kung ako ang guwardiya, pagkakamalan ko na agad siya.

Lalaki. Sa hubog pa lang ng katawan, sigurado akong lalaki ang taong ito. Si Hosiah lang ang naiisip kong gagawa nito.

Pero nang tuluyan kong nasalubong ang mga mata niya. Ang mga matang iyon...

Napasinghap ako ng hangin at naestatwa, hindi pa man ako tuluyang nakakaupo sa kanyang harapan. "M-Marky."

"Rui."

"Paanong..."

Isinenyas niyang maupo ako pero hindi ako nagpatinag. Diretso at puno ng galit ko siyang tinitigan. Umawang ang kanyang bibig bago tuluyang hinubad ang kanyang sumbrero at mask. Ginulo niya ang kanyang buhok at nilabanan ang masamang tingin ko. "This is the only way we can talk."

"P-Para saan pa?" Natatawa ako sa sarili ko. Nagpaloko na naman ako sa lalaking ito. "Anong kalokohan 'to ha, Marcaleb?!"

"Rui." Hinawi ko agad ang kamay niya. "Pakinggan mo muna ako, please?"

"Wow. Pagkatapos ng lahat?"

"I know. I know." suminghap siya ng hangin. Nagpantay na ang kanyang dalawang kilay nang harapin ulit ako. "But please, pakinggan mo muna ako."

"Tungkol ba kasi 'to saan?" halos pumiyok ako sa pagtataas ko ng boses. Umiling iling siya at napahilamos sa mukha. Isinenyas na naman ulit niya ang upuan. Padabog akong naupo roon. "Bakit mo ginagawa 'to? Bakit ba palagi mo 'kong niloloko!"

"Rui. Yung tungkol sa mga sinend ko sa'yo, maniwala ka totoo iyon. Hindi kita pinagloloko! Shit. Sorry kung natakot ka. Sorry kung tinakot kita. I really missed you so much at wala akong maisip na paraan kundi ang—

"Naririnig mo ba 'yang pinagsasabi mo?" naluha ako sa sobrang pagkainis. Kinikilabutan ako sa mga pakulo niya. Pinapunta niya lang ako dahil dito, hindi dahil sa impormasyong kailangan ko. Mabilis niya akong pinigilan sa akma kong pagtayo. Wala akong panahong maglokohan. Kahit pa siguro magmakaawa siya nagbago na ang lahat. Hindi na ako iyong, Rui noon. Matagal na siyang wala sa puso't isip ko.

Forgotten Scars of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon