Chapter 29

929 35 3
                                    

"Kahit kailan talaga, paasa ang mga lalaki," bungad ni Precious nang makarating ako sa loob ng apartment.

"Hindi naman sinasadya ni Patrick na hindi ako siputin. 'Di ba nga, emergency raw," sagot ko.

"Kahit na emergency 'yan, at alam niyang katagpo siyang tao, dapat kinontak ka niya agad-agad. Hindi 'yung inabot ka ng siyam-siyam sa kahihintay sa kaniya tapos muntik ka pang mapahamak. Mabuti na lang at tinulungan ka ni Benedict," giit niya.

Mukhang masama ang timpla ni Precious. Mas mainit pa ang ulo niya kaysa sa akin. Puro pagtataray na naman ang inaatupag. Ekis na yata talaga si Patrick sa kaniya.

Pero may point naman si Precious, masyado lang siguro akong na-excite dahil first time kong magkakaroon ng isang date. Hindi ganoon ka-romantic ang set up since perya lang naman. Pero sa tuwing iniisip ko na nakasakay kaming dalawa sa ferris wheel, kinikilig ako.

---

Lunch break, nandito kami ngayon ni Winnie sa tambayan namin. Hanggang 2pm lang naman ang klase ko kaya burger lang ang kinain ko. Siomai rice naman ang binili ni Winnie.

"Qrie, kumusta naman ang date ninyo ni Fafa Patrick? Magkuwento ka naman," bungad ni Winnie habang kumakain kami.

"Naku, hindi na natin dapat pang pag-usapan dahil hindi naman kami natuloy. Nagkaroon kasi ng emergency kaya hindi niya 'ko nasipot," pahayag ko.

"Aww, sayang naman. Hayaan mo na, babawi naman 'yon siguro sa 'yo," aniya.

Nakatulala lang ako sa kalangitan habang nginunguya ang burger ko. Wala naman akong hinanakit o galit sa kaniya kasi naiintindihan ko naman siya.

"Hi, girls..." Nang marinig ko ang boses na 'yon, tiyak kong si Patrick 'yon.

"Hi, babe. Sorry kung hindi tayo natuloy no'ng Sabado. Hayaan mo, babawi ako sa 'yo ngayon," sambit ni Patrick habang nakayakap siya akin habang ako'y nakatalikod.

"Ay grabe, sweet naman ni Fafa Patrick. Patawarin mo na prend," buska ni Winnie.

"Hindi naman ako galit sa 'yo, babe. Naiintindihan naman. Maski ako naman, kung ako ang nasa sitwasyon mo, uunahin ko rin 'yung emergency," ani ko.

"Yieee, kaya lab na lab ko 'to, e. Lab you!" paglalambing pa ni Patrick.

"Sus, lab you too!" tugon ko.

Agad ko naman siyang kinintalan ng halik sa pisngi para madama niya ang sinseridad kong hindi talaga ako galit.

"Ang sarap naman no'n. Puwedeng isa pa?" hirit ni Patrick habang nagtataas-baba ang kaniyang kilay.

"Mamaya na lang ulit kapag tayo na lang dalawa. Nakakahiya naman kay Winnie," panunuya ko.

"Ehem, ako pa talaga ang sinabihan mo ng ganiyan? Kung hindi mo natatanong, kahit na single ako ngayon, mayroon naman akong fafa de azukal," untag niya.

Napaayos ako bigla ng upo. Maski si Patrick, hinila ko na siya para maupo rito sa tabi ko. Naintriga ako sa tinuran ni Winnie.

"True ba? Ano ang ibig sabihin mo sa fafa de azukal? Sugar daddy?" nagugulumihanan kong tanong.

"Ay iba. Paniwalain ka naman. Oo, iyon nga 'yon. Pero s'yempre, hindi ako papatol sa mga mashoshonda, 'no. Iniisip ko pa lang, naduduwala na 'ko," ani Winnie at minuwestra pa na kunwari'y nasusuka siya. Natawa na lang kami ni Patrick sa kaniya.

"Babe, kita tayo dito mamayang 2pm, after ng class mo," pagsingit ni Patrick.

"Puwede naman. E 'di ba may klase ka no'n?" tanong ko.

"Ang sabi ko 'di ba sa 'yo, babawi ako sa naudlot nating date? Kaya heto, nagpagawa ako ng med cert sa Tita ko para ma-excuse ako mamaya sa klase ko," maligaya niyang sambit.

"Hala, hindi ka dapat mag-skip ng klase para bumawi sa akin. Puwede naman nating i-schedule sa susunod," turan ko.

Oo, natuwa ako nang sabihin 'yon ni Patrick. Ang special ko naman masyado para mag-skip siya ng klase mamaya. Kung sabagay, may med cert naman siya para ma-excuse. Mukhang since talaga siya na bumawi dahil sa hindi niya pagsipot sa akin. Na-touch tuloy ako nang slight.

"Ikaw na prend, haba ng hair mo," komento ni Winnie.

"Nakakahiya tuloy. Paputol ko na ba?" sarkastik kong tanong kay Winnie na may halong pantutuya.

"O siya, una na 'ko sa inyo. See you later, babe," ani Patrick sabay kindat sa 'kin bago tuluyang naglakad palayo.

---

Natapos na ang klase namin. Patungo na kami ni Winnie sa tagpuan namin ni Patrick.

"Lutang ka kanina sa klase. Iniisip mo 'yung lakad n'yo ni Fafa Patrick, 'no?" panimula ni Winnie sa gitna ng aming paglalakad sa hallway.

"Oo girl. Iniisip ko kung ano'ng klaseng paghahanda ba ang ginawa ni Patrick at talaga nga namang may pag-absent pa siyang nalalaman," tugon ko.

"Mukhang mahal ka na talaga nang lubos ni Patrick. Nakakainggit naman, sana all," wika niya.

Lumalim na nga ba talaga ang pag-ibig sa akin ni Patrick? E ako? Lumalim na rin ba ang pagtingin ko sa kaniya?

Nang makarating kami sa tagpuan, nandoon na si Patrick at naka de kuwatro sa may upuan.

"Ready?" masigla niyang bungad sa 'kin.

"Wala naman akong choice kundi maging ready. Tara na?" pag-aaya ko.

"Ingat kayo, guys! Kuwentuhan mo na lang ako sa susunod, Qrie!" sambit ni Winnie sabay beso sa 'kin bago siya naglakad palayo.

"Kanina ka pa hinihintay ng motor ko," bulong ni Patrick.

"Seryoso? May pa-motor ka pa talaga?" tanong ko na wari mo'y 'di makapaniwala. Tumango lang siya bilang tugon.

"Saan ba tayo pupunta? Akala ko d'yan lang sa malapit. Mukhang trip mong mag-roadtrip, e," sabi ko.

"Secret. Malalaman mo rin mamaya. Basta ang masasabi ko lang, mag-e-enjoy ka," nakangisi niyang sambit.

"Naks naman, mas lalo tuloy akong na-excite ngayon. Ayaw ko pa naman mag-expect pero para nais mong mag-expect ako," turan ko.

"Expect the unexpected," matipid niyang sagot sabay kindat sa 'kin.

Para bang bahagyang nagdiwang ang kaibuturan ko. Niyaya ko na siyang maglakad at magka-holding hands naming binagtas ang daan patungo sa parking.

The Lust AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon