Chapter 1

43.5K 865 53
                                    

Mahirap magmahal lalo na kung sa pananaw mo'y lolokohin ka lang. Lahat ng ipinapakita niya sa iyo ay pakitang tao lang.

Hindi ako naniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig. Hindi pa ako handang magpakabaliw at magtanga-tangahan lang para makasama siya sa panandaliang panahon.

Pero ngayon, gusto kong maranasan na mahalin. Oo nga walang forever pero habang may oras pa akong nalalabi sa mundong ito, susulitin ko na ang mga bagay na inaasam ng bawat tao.

Pero paano nga ba magmahal? Sabi nila, handa ka raw dapat masaktan. Ito raw ang isa sa mga dahilan para tumibay ang inyong samahan.

Ngayon, handa na akong makipagtunggali sa ngalan ng pag-ibig. Parurusahan ang mga mapangahas, kapag pag-ibig ko'y lumagaslas.

Hindi ako magpapatinag hangga't hindi ko nahahanap ang maglalagay ng icing sa cupcake ko. Kung matamis ito, langit ang ipamamalas ko. Ngunit kung mapakla naman, dito na tayo magkakaalam.

Sa gitna ng aking pagmumuni-muni, isang libro ang umagaw ng aking pansin. Naiwanan yata ito ng kung sinuman sa isang upuan dito sa garden ng aming Unibersidad.

Na-curious ako sa ganda ng cover. Simple black with a violet highlights sa gilid-gilid. Nang makita ko ang title ng libro, mas lalo akong ginanahan dito.

"The Lust Alphabet," basa ko. Hindi ko alam kung bakit parang naging interesado ako sa libro. Dahil naakit nito ang aking pansin, tinangka ko itong buksan.

To find Mr. Right will gives you light. Are you willing to fight? Just to make your future's bright?

Para bang may kakaibang enerhiyang pumasok sa loob ng katawan ko para manghilakbot ako. I'm desperate to find Mr. Right kaya naman isinilid ko na kaagad ito sa loob ng bag ko.

I'm excited to read this! Kaagad kong tinungo ang aming silid dahil malapit na ang aming klase.

The Lust AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon