Chapter 25

1.3K 49 9
                                    

Ang nice naman palang tao ni Patrick. Ang saya namin kanina habang kumakain ng tuhog-tuhog sa may park.

Ngayon ko lang naramdaman 'yung ganito. 'Yung tipong may taong nag-ke-care sa 'yo hindi bilang kaibigan o kapamilya. Masarap pala 'yung ganitong pakiramdam.

Para kaming mga batang naghaharutan kanina habang kumakain. Kahit simpleng gano'n lang 'yung bonding namin, ang sarap i-treasure.

"I love you, babe!" Ang sarap pakinggan kapag sinasabi niya 'yan sa 'min. Para bang napakaimportante kong tao na dapat ingatan at pahalagahan. Hindi ko maiwasang kiligin habang iniisip ko 'yon.

Bago kami naghiwalay kanina pauwi, isang halik sa pisngi ang iginawad niya sa 'kin. Syaks, natulala ako dahil sa ginawa niyang 'yon pero deep inside gusto kong magpapadyak sa tuwa. Masaya akong umuwi at tila ba gusto kong magpakasipag sa apartment.

"Oh, ang saya-saya mo na naman. Kilig na kilig ka sa Patrick na 'yan," ani Precious.

"Precious, bato lang ang hindi kikiligin kay Patrick. Kaya huwag ka nang maging bitter d'yan, maging masaya ka na lang para sa 'kin," saad ko.

Masigla kong sinusuklay ang aking buhok habang nakaharap sa salamin. Heto namang si Precious, nagmamapait. Palibhasa kasi walang jowa.

"Hoy gaga, hindi ka nag-iisip. Isang araw mo pa lang nakikilala 'yung tao tapos boyfriend mo na agad. Gamitin mo rin ang kokote mo minsan," singhal ni Precious.

"Sorry Precious pero hindi ko masisisi ang puso ko. Nagmahal lang naman ako, a? Ano masama ro'n?" sagot ko.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon puso agad ang dapat pairalin. Kaya nga nasa ulo ang utak para mag-isip ka ng tama. Organ lang ang puso na titibok-tibok, mag-isip kang mabuti, Qrius," pahayag niya habang nakataas ang kanang kilay.

"Nag-iisip naman ako, a? Ayoko lang sayangin ang pagkakataon. Hindi kasi ako maganda tulad mo. Kaya sana naman, support ka na lang," wika ko.

"Excuse me, hindi pagsasayang ng pagkakataon ang kilalanin mo muna siya nang lubos. Ano 'to, hayok lang sa lalaki? Hindi ka naman mauubusan," litaniya ni Precious.

"Grabe ka sa 'kin, ang sakit mong magsalita. Dapat nga maging masaya ka kasi may nagkakagusto na sa 'kin kahit papaano. Kahit naman boyfriend ko na siya, unti-unti ko pa rin naman siyang makikilala. Sa totoo niyan, mas makikilala mo ang isang tao kung close na kayo nito. Hindi 'yung nanliligaw siya sa 'kin tapos pakitang-tao lang pala ang ugali," turan ko.

Nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Precious. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang bumagsak.

"May point ka naman d'yan. Ang akin lang, pinapaalalahanan lang kita. Ang mga lalake, manloloko. Darating ang oras na hihiwalayan ka niyan kapag nakakita ng mas mainam na putahe. Ayoko lang na masaktan ka," aniya.

"Ganoon naman talaga kapag nagmahal 'di ba? Hindi mo maiiwasang hindi masaktan. Ang kailangan lang ay magpakatatag. Magtiwala ka sa 'kin, kaya ko 'to," sambit ko.

"Wala naman na akong magagawa pa, desisyon mo 'yan. Basta ako, hindi ako nagkulang na paalalahanan ka. O siya, huwag ka nang umiyak d'yan," giit niya.

Unti-unti kong pinunasan ang mga luha sa 'king mukha. Ang panget ko palang umiyak, hindi bagay sa 'kin ang pag-a-artista. Mukha akong batang inagawan ng kendi.

---

"Girl, may masarap na fafa akong na-sight kahapon sa soccer field!" ani Winnie habang nakatambay sa may hallway.

"Hmm, mukhang busog na busog 'yang mata mo kahapon, ha?" tugon ko.

"Ay, truly! Mas masarap pala talaga ang mga boys do'n kaysa sa mga basketball player. Hindi ako nanghinayang ni nagsisi, tiyak na babalik at babalik ako ro'n!" masayang sambit niya.

Nangingiti ako habang nagkukuwento si Winnie. Na-i-imagine ko tuloy ang itsura niya kahapon base sa ekspresyon ng kaniyang mukha ngayon.

"Ngingisi-ngisi ka na lang d'yan. Bawal ka na kasing mag-boy hunting kasi may Fafa Patrick ka na. Huwag kang mag-alala, kukuwentuhan pa rin naman kita lagi," turan niya.

"Loka-loka ka talaga. Ma-mi-miss ko 'yan, girl. Pero alam mo na, kailangang magpokus lang kay boyfriend," saad ko.

"Mukhang masarap din naman si Patrick. Hindi ka na lugi," ani Winnie sabay bungisngis.

"Huy, bad 'yan. Ibahin na nga natin 'yung usapan natin," saad ko.

Ilang saglit pa tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko naman itong kinuha dahil tiyak ako na si Patrick 'yon.

From: Babe
Hi, babe! See you later! *wink*

Kinilig ako nang slight dahil sa pakindat niyang 'yon kahit na sa text lang. Naiba na talaga ang routine ko nang dahil sa kaniya.

---

"Kumusta ang araw mo?" bungad ni Patrick.

"Masaya, nakita na kita, e," tugon ko.

Mabilis lumipas ang oras. Hindi ko namalayan na uwian na namin. Normal lang ang lahat pero kapag uwian na, mas excited ako. Iyon kasi ang time namin ni Patrick para higit na magka-bonding.

"Yieee, bumabanat na siya ng gano'n," ani Patrick sabay pisil sa pisngi ko.

"Alam kong corny pero nakakakilig din pala kapag ang salitang 'yon ay nagmula sa taong mahal mo," pabebe kong sagot.

Naupo kami sa may bench dito sa park. Nakayakap lang ako sa kaniya habang nakahawak ang kaniyang kanang kamay sa aking beywang.

"Ano ang nagustuhan mo sa 'kin, babe?" tanong ko kay Patrick.

"Hindi mo naman kailangan magkaroon ng rason para magustuhan ang isang tao. Kapag nahulog ka talaga, tatanggapin mo siya nang buo. Kasi, kapag nawala ang rason upang magustuhan mo siya, malaki ang tendency na magwakas ang inyong relasyon," pahayag niya.

"Kung sabagay, tama ka riyan," segunda ko.

"Oo nga pala, may nadaanan akong perya malapit lang dito sa school. Available ka ba sa sabado? Mga gabi para mas masaya," aniya.

"Mukhang magandang ideya 'yan. Oo naman, bakit hindi? Ikaw pa ba?" sambit ko.

"Naks naman. Ang lakas ko talaga sa 'yo!" turan niya.

The Lust AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon