Chapter 8

12.4K 342 46
                                    

Nang ako na ang gumagamit nitong katawan ni Qrius, kaagad naman akong naghanap ng damit na maganda para sa pupuntahan ko mamaya.


Matagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng sariling katawan at heto na ang pagkakataong iyon kaya hindi ko ito dapat na sayangin.


Kaagad akong lumabas ng bahay suot ang isang magarang bestida upang makaakit ng mga lalaking hayok sa tawag ng laman. I'm not capable of loving, itinimo ko na iyon sa isipan ko. Kahit anong mangyari, hinding-hindi ako magmamahal.


Malaking-malaki nga talaga ang pinagkaiba naming dalawa ng aking kapatid. Kaya kong makihalubilo sa kung sino-sinong tao unlike her na mas nanaisin pang dumukdok na lang sa isang sulok.


Sumakay ako ng jeep patungo sa aking destinasiyon. Pagtungtong pa lang ng aking kanang paa sa akyatan ng jeep, halos lahat ng lalaki ay nakatingin na sa akin. Na-mesmerize silang masyado sa taglay kong ganda.


Hinawi ko nang pakanan ang aking bangs sabay ngiti ng mapang-akit bago ako tuluyang pumasok sa loob nito.


Nang makaupo ako sa may bandang kanan, batid kong nasa akin pa rin ang atensiyon ng mga kalalakihan. Gayon din ang mga kababaihan na tila ba naaalibadbaran sila sa akin. Well, maganda ako kaya ipangangalandakan ko. Hayaan silang mainggit.


"Manong, bayad po," turan ko sabay abot ng bayad sa aking katabi.


Hindi siya magkandamayaw na abutin ang aking bayad mahawakan lang ang aking kamay. Isang kindat ang iginawad ko sa kaniya.


Matapos iyon, naglagay na ako ng earphones sa aking tainga para wala munang maka-istorbo sa pagmomoment ko.


---


"Para po!" saad ko nang makarating na ako sa aking destinasiyon.


Habang nakayuko akong tinutungo pababa ang jeep, lahat naman ng lalaking nakikita ko sa aking peripheral vision ay nakasilay sa aking hinaharap. Mga bastos talaga ang lalaki.


Sa dulong bahagi ay nandoon ang isang matanda kaya nang madaanan ko siya, bigla ba namang kumagat labi. Yuck, kadiri si Lolo. Ang tanda na, malibog pa.


Pagkababa ko sa jeep, nasa tapat na ako ng bar na aking pupuntahan. Well, hindi ako mananayaw rito pero dito ako naghahanap ng lalaking bibigyan ko ng service.


Kailangang gamitin ang utak para makapamuhay ka nang payak sa mundong ito. Kailangang kumapit sa may pera para hayahay ang buhay.


Kagaya nga ng tinuran ni Qrius, sunod naman siya sa luho pero kuripot pagdating sa sarili. 'Yung tipong ginagamit lang ang pera na pinapadala ng mga magulang niya sa pagbabayad ng kuryente, tubig, sa apartment at sa iba pang expenses. Ni hindi man lang maglaan ng pera para sa ikauunlad ng sarili.


Nang dahil doon, ako na ang kusang kumikilos pagdating sa sarili kong luho. Bakit ko naman hahayaang maging losyang ang sarili ko? Sayang ang ganda ni Qrius kung hindi mo aayusan at sayang ang katawang maganda kung hindi mo naman dadamitan nang bongga.


Pagkapasok sa loob, naupo ako sa may counter at um-order ng mild drink lang.


"Hi, babe..." bulong ng isang lalaki sa aking likuran sabay palupot ng kaniyang kamay sa aking beywang. Nilingon ko siya para inspeksiyunin.


Bad boy look. Maganda ang hubog ng katawan. Mukhang mayaman. Puwede na 'to.


"Yes, babe?" tugon ko sabay haplos sa matipuno niyang katawan.


"Nice, ganiyan ang mga gusto ko," aniya sabay higit sa aking batok at sinibasib ang aking labi.


Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataong ito at tumugon naman ako sa mapangahas niyang paghalik.


"Ma'am, here's your order," singit ng lalaki sa counter kaya humiwalay muna ako sa pagsamyo ng labi ng lalaking nasa harapan ko ngayon.


"Pakilagay na lang diyan, salamat." Umupo naman sa aking tabi ang lalaki kanina.


"Roden by the way," aniya sabay lahad ng kaniyang kanang kamay.


"Precious," tugon ko at nakipag-shake hands.


Mukhang maisasagawa ko na ang unang hakbang para sa aming kinabukasan...

The Lust AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon