Chapter 3

21.9K 511 74
                                    

Pagkarating ko sa classroom, nandoon na pala 'yung professor namin. First day of school, late agad ako. Nakakahiya dahil mukha akong model student kaso ako naman itong hindi sumusunod sa panuntunan ng Unibersidad.


Kumatok muna ako ng tatlong beses bago nagsalita. "Good Morning, Ma'am. Sorry I'm late," nakayuko kong sambit.


"At bakit ngayon ka lang Ms...?"


"Manalili po," turan ko.


"Okay Ms. Manalili, why are you late?" aniya.


Mukha siyang istrikta dahil medyo may edad na. Pero mukha naman siyang mabait kapag nakatalikod.


Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko. Dapat ko bang sabihin na nakatagpo ko si Mr. Handkerchief at pinagpantasyahan ko muna siya sa CR bago tumuloy rito?


E? Nakakahiya. Baka mabuwiset siya sa akin at hindi ako papasukin. College na 'ko at hindi na ko dapat umasta na parang high school na ngayon lang nagkakaroon ng atraksiyon sa mga g'wapong lalaki.


"Sorry, Ma'am. I was lost. Hindi ko po kasi makita ang room assignment ko kanina," paawa kong tugon na wari mo'y naluluha dahil sa lungkot. Kunwari ay pinunasan ko pa ang aking mata para sa mga luhang nagbabadya.


"Okay, you may enter," sambit niya at itinuon na muli ang atensiyon sa klase.


Dali-dali akong pumasok sa loob ng silid at naupo sa likod na bahagi nito. Doon, nakilala ko si Mr. Radio at Mr. Apple.


Sa right side ko nakaupo si Mr. Radio. Why Mr. Radio? Kasi, uso na ang Mp4, gumagamit pa rin siya ng walkie talkie. Lagi pang nakasaksak ang earphone niya sa tainga kaya nag-aalinlangan pa akong kausapin siya.


"An apple a day, keeps your bad vibes away," litaniya ni Mr. Apple at inabutan ako ng mansanas kanina pagkaupo ko pa lang.


Mabait si Mr. Apple, nerdy look nga lang pero may itsura siya, a. Kaso may pagka-weird nga lang 'yung mga kinikilos niya. May chance na maging close kami.


Si Mr. Radio, may sariling mundo. Wala siyang kinakausap ni isa sa amin. Hindi siya g'wapo pero malakas ang dating niya para sa akin.


After ng first subject, vacant agad ng one hour kaya I need to find a friend para hindi naman ako ma-OP sa loob ng classroom.


Habang inaayos ko ang aking gamit, may lumapit sa aking babae.


"Hi, puwedeng makipag-friends? Ako nga pala si Winnie, ikaw?" bungad niya sabay lahad ng kaniyang palad sa aking harapan.


Inabot ko naman iyon at nakipag-shake hands. Nakakatuwa dahil mukhang magkakaroon na ako ng kaibigan agad.


"Nice to meet you, Winnie. I'm Qrius, just call me Qrie," masigla kong tugon habang nakangiti sa kaniya.


"Nice to meet you too, Qrie..." pahayag niya at nagkuwentuhan na kami.


Nakakatuwa siya dahil marami siyang kuwento. At 'di lang iyon, karamihan sa subject ko ay magkaklase kami.


Maganda si Winnie. Palaayos kaya pansinin siya ng mga kalalakihan dito sa school. Hindi naman siya maarte pero may pagka-sossy type. Habang naglalakad kami sa hallway ng school patungo sa aming next class, nakakita na naman ako ng g'wapo. Hay, bakit ba ang daming g'wapo sa school na ito?


Let's call him, Mr. Talong. Ewan ko ba kung bakit doon ako napatingin bigla sa nakaumbok sa medyo babang part. Aaminin ko, mukhang malaki ang tinatago niya.


Ayoko sanang sabihin ito pero sasabihin ko na. Yum yum yum si Mr. Talong. Matangkad na, g'wapo pa. Isa siguro siyang varsity ng school kasi nakauniporme siya ng pambasketball kaya hindi maiwasang bumakat ang hindi dapat. Oh may ghad! My virgin eyes! Nagkakasala ang mata ko!


"Uy Qrie, anyare sa 'yo? Para kang hihimatayin sa kilig," pagsingit ni Winnie nang mapahinto ako bigla at wari mo'y gusto ng magtatalon sa kilig.


"Winnie, pasensiya na dahil na-attract lang ako sa mga g'wapong nakikita ko," kinikilig kong pahayag.


"Hay, marami ka talagang makikitang g'wapo sa paligid. Iyan ang reason ko kung bakit ako nag-aral dito, para mag-boy hunting. Haha!" maligalig niyang turan.


Nanlaki bigla ang mata ko. Is it true?


"Nagulat ka naman masyado friend. Normal lang sa babae na magboy-hunting tapos kikiligin ka nang patago hanggang sa mahanap mo si Mr. Right," paliwanag niya.


Totoo nga bang may Mr. Right? Hay, basta. Hahanapin ko pa rin siya hanggang sa kami'y maging maligaya.

The Lust AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon