Chapter 14

6.6K 168 4
                                    

Kinabukasan, nabalitaan naming may practice ulit ang varsity team ng hapon. Hindi na ako dapat magpatalo sa mga babaeng umaaligid kay Mr. Talong lalo pa't alam kong marami akong kakumpitensiya.


Kaya noong natapos ang huli naming klase, niyaya ko kaagad si Winnie sa may tindahan para bumili ng dadalhin ko mamaya sa practice game.


"Aba, totohanin mo talagang magdala ng miryenda para kay Mr. 22, 'no?" giit ni Winnie. Nakatayo lang siya sa aking tabi habang nakahalukipkip.


"Oo naman, tingnan mo kahapon, kulelat ako. Kaya dapat, maka-score ako ngayon," saad ko.


"Support kita riyan, girl. Sayang nga lang kasi may girlfriend na si Mr. 12 kaya nganga na 'ko," aniya.


Ipinatong ko ang kanang kamay ko sa kaniyang balikat para bigyan siya ng motibasiyon. Alam ko 'yung pakiramdam na nararamdaman niya ngayon.


"Girl, hindi pa naman huli ang lahat. Maghihiwalay rin 'yan," pagbibiro ko. Agad naman niyang tinapik ang kamay ko at sabay kaming tumawa ng pagak.


"Marami pa namang lalaki ro'n. Hanap ka na lang ng iba, friend," dagdag ko pa.


"Alam mo, tama ka. Okay rin naman si number 11. Akin na siya," maligalig niyang sambit.


"Kung gusto mo, iuwi mo pa," saad ko nang may kasamang paimpit na tawa.


"Naku no. Baka mayari ako sa kuya kong pulis," wika niya. Binuksan niya ang kaniyang bag at kinuha ang wallet sa loob.


"Naks naman. Sabi kasi nila, basta pulis, matulis. Totoo ba?"


Inilabas ko na rin ang pera ko sa aking bulsa para isang abutan na lang ang pagbabayad.


"Huwag mo nang pagnasahan ang kuya ko, girl. May asawa na 'yon," pahayag niya.


"Grabe ka naman sa akin, friend. Nahawa lang ako sa 'yo, 'no," sambit ko.


Nagtawanan lang kami dahil sa aming kalokohan. Bumili na kami agad ng aming kakailangan para mamaya.


Ako, bumili ako ng isang biskwet at gatorade na kulay blue. Si Winnie naman, tubig lang.


"Girl, patubig lang talaga?" tanong ko habang nakaupo kami sa may bench.


"Siyempre, nasa first stage pa lang tayo. Saka na ang pa-biskwet," aniya sabahy kagat sa biniling tuna sandwich.


"Okay," sambit ko.


Medyo busog pa ako dahil naparami ang kain ko kanina kaya blue lemonade lang ang binili ko.


"E bakit ikaw? Gatorade pa ang binili mo?" tanong niya.


The Lust AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon