Chapter 5

14.7K 388 20
                                    

At dahil madusing na ako, napagpasyahan ko na lang na umuwi. Pero bago iyon, pumunta muna ako sa CR.


"Ang dami mong lalaki, a," bungad ni Precious habang nasa harap ako ng salamin.


"Gaga," tugon ko.


Kumuha ako ng tissue sa loob ng aking bag at bahagya iyong binasa upang himurin ang mga natitirang mantsa sa aking damit.


"Qrius, huwag kang maiinlove. Manloloko ang mga lalaki, paaasahin ka lang niyan at paglalaruan," dugtong pa niya.


Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa kaniyang tinuran.


"Precious, hindi naman lahat ng lalaki ay gano'n. Sabihin na nating maraming manloloko't mapaglaro ng feelings, pero mayroon at mayroon pa rin namang tapat dito sa mundo," paliwanag ko.


"Hay, kaya ba umaasa ka pa rin na makikita mo si Mr. Right? Umaasa ka na isa siya sa mga lalaking nakilala mo? Na pinagpapantasyahan mo?"


Napa-face palm tuloy ako nang wala sa oras. Kahit kailan talaga, lagi akong kinokontra ni Precious.


"Basta, magical ang love, tapos!" ani ko at nag-ayos na ng gamit.


Mayamaya pa'y nagulat ako nang makita kong halos lahat ng atensiyon ng ay nasa akin.


"May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko sa kanila.


Wala naman akong natanggap na tugon ni isa sa kanila.


"Hay, baliw nga."


"Kinakausap ang sarili sa salamin. How pathetic."


Narinig ko ang ilang katagang iyon habang naglalakad ako palabas ng comfort room.


"Hindi ako baliw!" sigaw ko bago ko tuluyang lisanin ang lugar na iyon.


Habang naglalakad sa daan, nagulat ako nang may biglang nagtatawanan sa may itaas. Nandito ako ngayon sa may tapat ng College of Engineering.


"Miss, sorry!" sigaw ng isang lalaki at bigla na naman silang nagtawanan.


Hindi ko sila maintindihan. Mukha ba akong nakakatawa? Napakamot tuloy akong bigla sa aking ulo.


Nanlaki bigla ang mata ko nang makapa kong basa ang ulo ko. Pagtingin ko sa aking kamay, napangiwi na lamang ako nang makita kong laway iyon na mayroon pang kasamang kalagara.


"Eewwww!" inis kong sambit habang nagpapapadyak ang aking paa sa sahig.


"Ang baboy ninyo!" singhal ko at dali-daling naglakad palayo.

The Lust AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon