Chapter 31

1.2K 46 15
                                    

Dalawang araw na 'kong hindi kinikibo ni Patrick. Ni tawag o text ay wala. Nang dahil sa pagtanggi ko sa nais niya, ginaganito na niya 'ko.

"Sabi sa 'yo, katawan lang ang nais ng mga lalaki sa 'tin. Kapag hindi napagbigyan, maghahanap ng ibang putahe," bungad ni Precious.

"Grabe ka naman kay Patrick, Precious. Hindi naman siguro gano'n. What if, nagkasakit pala siya, hindi ko man lang siya naasikaso," tugon ko.

"Gaga, kung may sakit 'yon, ipapaalam niya 'yon sa 'yo dahil jowa ka niya. 'Di ba nga hindi kayo nagkikibuan nang umuwi kayo? 'Yon, iyon na ang kasagutan," aniya.

"Dapat na ba akong humingi ng sorry?" malungkot kong tanong.

"Nasa katinuan pa ba ang pag-iisip mo, Qrius? Bakit ka hihingi na tawad? Makati lang talaga 'yung jowa mo. Kung ako sa 'yo, hihiwalayan ko na 'yon," nanggagalaiti niyang sambit.

"Baka naman may pag-asa pa. Hinihintay niya lang siguro na ako ang unang mag-approach sa kaniya," sagot ko.

"Ewan ko sa 'yo. Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan ka o ano. Ang masasabi ko lang, tiyak na mayroon na 'yong bago," giit ni Precious.

"Huwag naman sana..."

---

Pagkapasok ko sa school, hinintay ko si Winnie sa ilalim ng punong mangga. Naikuwento ko na sa kaniya ang mga nangyari.

"Magpalamig ka muna, bago nasobrahan ka na sa kakaisip," bungad ni Winnie. May tangan siya na dalawang gulaman.

"Thanks, girl. Kailangan ko talaga 'yan dahil nauuhaw na 'ko," saad ko.

Habang humihigop ako sa aking inumin, naupo na si Winnie sa 'king tabi.

"Hindi ko kinakaya si Patrick, prend. Mukhang nasa loob ang kulo, kunwari lang mabait. Kapag nakuha na niya ang gusto niya, wala na siyang pake sa 'yo," ani Winnie.

"Alam mo, may nagsabi nga rin sa 'kin na halos same sa sinabi mo. Hiwalayan ko na raw si Patrick..." ani ko.

"Truth, hindi ka dapat magsayang ng feelings sa lalaking 'yon. Hello? Katawan lang ang habol sa babae. Sarap niyang bayagan," iritang sambit ni Winnie.

"Mamamalipit 'yon sa sakit," saad ko. Nagtawanan lang kami na tila ba tinotorture si Patrick sa aming isipan.

"Maiba lang, na-miss ko 'yung tortang talong sa karinderya na pinagdalhan sa 'kin ni Patrick. The best talaga ang pagkain nila ro'n. Saka 'yung tortang talong, grabe ang pagkakabuyangyang. Tila ba nanghihimok, try mo rin, girl," pag-iiba ko ng usapan.

"Ay, mukhang winner 'yan, girl. Matagal na rin akong hindi nakakakain niyan. Dahil sa kuwento mo, nag-expect ako masyado," eksaheradang sambit ni Winnie.

"Girl, expect the unexpected," turan ko sabay kindat ko sa kaniya.

---

Lunch break na, dali-dali kaming tumungo ni Winnie sa karinderya. Pagkarating namin do'n, agad akong tumingin sa menu at namili ng kakainin.

"Kuya, tortang talong po sa 'kin saka laing. Tapos po dalawang rice," saad ko.

"Ako naman po ay isang tortang talong saka chicken fillet. Two rice rin po," ani Winnie.

Hindi na kami um-order ng soft drinks, tubig lang sapat na. Matapos 'yon, naghanap agad kami ng bakanteng lamesa.

"Girl, mapang-akit masyadong ang tortang talong nila. Natatakam na 'ko," komento ni Winnie.

"Ano pang hinihintay mo, tikman mo na dali," masigla kong sambit.

Agad na kumurot si Winnie sa pagkain niya. Habang ninanamnam ito, nakapikit pa talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lust AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon