Chapter 7

15.1K 424 57
                                    

Pagkauwi ko sa bahay, nagtungo kaagad ako sa banyo para maligo. Lagkit na lagkit ako sa sarili ko. First day of school, medyo maganda na hindi. Sana bukas, hindi na gano'n ang araw ko.


Mabilis lang akong naligo at nagbihis kaagad ako. Malapit ng dumilim, si Precious na ang lalabas. Ganito kaming kambal, ako ang sa umaga, siya naman sa gabi.


Hindi ako baliw. Kadalasan, napagkakamalan ako sapagkat sa salamin ko lang naman nakakausap si Precious.


Malaki ang pinagkaiba namin ni Precious.


Siya, palaban, matapang, may paninindigan, buo ang loob. Ako naman, mabait, mahiyain, tahimik, hindi masyadong malapit sa mga tao.


Noong bata pa kami, lumilitaw lang siya sa tuwing may umaaway sa akin. Siya ang aking tagapagtanggol. Pasulpot-sulpot lang siya at ako talaga ang nagmamay-ari ng katawang ito.


Kapag si Precious ang gumagamit ng katawan ko, limitado lang ang oras niya.


Noon, manang at iwas sa mga tao ang pagkakakilala sa akin ng mga kapitbahay namin. Pero kapag si Precious ang gumagamit ng katawan ko, takang-taka sila dahil ibang-iba raw ako sa kinagisnan nila. Hindi nila alam na dalawa kaming nakatira dito sa katawan ko.


High school pa lang, naka-dorm o kaya apartment na ako. Nasa probinsiya ang pamilya namin at dito ako sa kabihasnan nag-aral. Pinapadalhan lang nila ako ng pera. Hindi naman kami mahirap, sakto lang ang lebel sa lipunan.


Hindi alam ng mga magulang ko ang tungkol kay Precious. Wala naman akong lakas ng loob na sabihin sa kanila dahil natatakot ako. Only child kaya nagagawa at nahihingi ko ang lahat ng naisin ko.


Ngayong kolehiyo, lumipat na ulit ako ng apartment. Mas mainam kasi walang nakakakilala sa akin.


Nandito ako ngayon sa may kuwarto ko habang hawak ang napulot kong libro.


Nakaupo ako sa ibabaw ng aking kama at nakaharap sa aking salamin.


"Ano pang hinihintay mo, Qrius? Buklatin mo na ang libro," giit ni Precious.


"Oo na," tugon ko at binuklat ito.


Shimona keabon hao arium,
Tuhoj en mi ki yebano nue?
Layur poabi ih andifis,
Utavgo aiq lamonique.


Hindi ko maintindihan ang bumungad sa akin. Napapakamot na lang ako sa ulo dahil out of nowhere ang lenggwaheng ginamit.


"Qrie, search mo kaya sa net kung anong lenggwahe iyan para maintindihan natin," suhestiyon ni Precious dahil hindi niya rin alam ang ibig sabihin nito.


Nang i-search ko ito, Elmonarian language pala ito. Kung gayon, paano ito nakarating dito?


Inisa-isa kong hanapin kung ano ba ang ibig sabihin ng mga katagang ibinigay nito.


Translation:

Maligayang pagbubukas sa aklat,
Buo na ba ang desisyon mo?
Mga bagay ay isisiwalat,
Huwag kang magugulat.


Tumingin ako sa salamin para makisimpatiya kay Precious kung ano ang desisyon niya.


"Go! wala namang mawawala kung papakialaman natin 'di ba?"


Go with the flow na lang ako kaya binasa ko ang sumunod na pahina nito.


Jigogvo nue kamonatir,
Ade kartis mamohis tayun.
Okayut babom quremiha,
Sies ki um hao tunlom.


Limagujok op kinalmofa,
Ginan azud abap akpak urot?
Tquevier dala mintoal,
zuguera dala polomo nue.


Translation:

Hinahanap mo'y pag-ibig,
At siya'y sariling bibig.
Huwag kayong mag-alala,
Ako ang sagot sa problema.


Ibibigay si Mr. Right,
Are you willing to fight?
Katawan ay matatamo,
Buhay ay kailangan mo.


"Qrius, ito na ang sagot sa problema natin!" maligayang sambit ni Precious sa may salamin.


"Makikita mo si Mr. Right mo, ako naman, magkakaroon na ng sariling katawan. Hindi ko na kailangan pang makihati sa 'yo!" maligaya nitong sambit.


"Magandang ideya nga iyan. Salamat sa libro," tugon ko.


"Kaso, ang hirap naman niyang intindihin. Wala ba itong Tagalog version?" dugtong ko pa.


Nagliwanag bigla ang libro kaya nagulat kami pareho ni Precious.


Frugo xat huminani ki nedaha nue.


Kaagad kong hinanap sa net kung anong ibig sabihin no'n.


Translation:

Dugo ng tao ang kailangan mo.

Napatingin ulit ako kay Precious.


"Ako na ang bahala..." aniya at bigla siyang lumabas at ako naman ang nasa loob.


"Precious, anong gagawin mo?" tanong ko habang ako naman ngayon ang makakausap niya sa salamin.


"Huwag kang mag-alala, magaling ako," sambit niya.


Nagbihis siya kaagad ng damit at nag-ayos bago gawin ang kaniyang dapat tapusin.

The Lust AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon