Chapter 23

1.6K 61 16
                                    

Ikinuwento ko kay Winnie kung paano kami nagkakilala ni Patrick. 'Yon lang ang ginawa namin buong break, kuwentuhan patungkol dito.

"Sa tingin ko girl, may gusto sa 'yo 'yon," ani Winnie.

"Paano mo naman nasabi?" mapang-usisa kong tanong.

"Hindi naman nagbibigay ng atensiyon ang isang lalaki sa isang babae kung para lang sa wala. Hindi naman 'yan magpapakitang-tao lang. At isa pa, kung pagkakaibigan lang ang nais niya, hindi ka niya bibisitahin at aayaing kumain ng lunch para lang may makasama siya," paliwanag ni Winnie.

Abala ako sa paghigop sa aking inumin habang pinagbubulay-bulayan ang mga sinabi ni Winnie. Kung tutuusin, may point si Winnie. What if may gusto nga sa akin si Patrick? Ano ang gagawin ko?

"O 'di ba tama ako? Hindi ka mag-iisip ng ganiyang kalalim kung sabaw ang tinuran ko. Ano? May pag-asa ba siya sa 'yo?" seryosong tanong ni Winnie.

"Hindi ko pa alam, e. Gusto ko pa siya makilala nang lubos. Marami pa kaming hindi alam sa isa't isa, siguro balang araw, malalaman natin ang sagot..." tugon ko.

Biglang tumayo si Winnie sa kaniyang kinauupuan matapos maubos ang iniinom. Kinuha niya rin ang pinagkainan namin ng chichirya at ito'y itinapon sa basuran na 'di naman kalayuan sa kinaroroonan namin.

"Huwag ka nang pakipot. Bigyan mo na ng pag-asa si guy. Malay mo, siya na pala ang nakatadhana sa 'yo. Saka okay naman siya. Huwag mo na palagpasin ang pagkakatao at baka mamaya niyan, may magustuhan 'yan iba," saad ni Winnie pagkabalik niya.

"Oo nga, e. Nakakapanghinayang din minsan. 'Yung feeling na kung kailan ka nahulog sa kaniya saka naman siya biglang mawawala't nakatagpo na pala ng iba..." turan ko.

"Truly! Karamihan sa mga lalaki, ganiyan. Kapag alam nilang dehado na sila sa babae, tsk, hahanap na agad ng iba. Kaya mahirap din mag-invest ng feelings, e," ani Winnie.

"Huwag ka ngang ganiyan. Kanina pinapalakas mo loob ko para bigyan ng pagkakataon si Patrick tapos bigla mo namang sesegundahan 'yung mga ganiyang gawain ng ibang lalaki. Depende talaga 'yan sa tao, e," sambit ko.

"Kaya kung ako sa 'yo, timbangin mo na agad 'yang si Patrick. Usisain mo na kung ano ang balak niya sa buhay at kung ano ba meron kayo. Oo girl, mabilis masyado 'tong payo ko pero need natin ng assurance 'di ba?" mungkahi ni Winnie.

"Tumpak ka riyan, girl. Para kung nakikipaglaro lang pala siya sa 'kin, at least, hindi ako masasaktan ng lubos. Thank you girl sa payo," ani ko.

"Walang anuman girl, basta ikaw," aniya.

Naglabas siya ng pulbos sa kaniyang bag para mag-retouch nang bahagya.

"Kailangan natin 'to sa pang-araw-araw na buhay para hindi oily ang face. Nakakahiya naman sa mga guwapong nilalang na para tayong nagmamantika kapag nasinagan ng araw. Kaya kung ayaw mong ma-turn off sa 'yo si Patrick, magpolbo ka na rin," ani Winnie.

"Okay na ko rito sa mukha ko kahit walang ganiyan. Hindi ako sanay, baka mangati pa ang mukha ko," saad ko.

"Ay grabe siya, polbo lang 'to girl hindi foundation. Nakakaloka," komento ni Winnie.

"Tara na, baka ma-late na tayo sa next class natin," pagyaya ko sa kaniya matapos niyang makapag-ayos.

---

Mabilis lang natapos ang dalawang oras. Nakakantok sa klase, halos talambuhay na ng prof namin ang naikuwento niya sa sobrang kadaldalan. Hindi pa kami magkatabi ni Winnie kaya lubos na nakakabagot.

"Paano ba 'yan, lunch na. See you na lang mamaya. Sana'y mag-enjoy ka sa date n'yo ni Fafa Patrick," ani Winnie pagkalabas namin sa aming silid.

"Huwag ka nga, hindi date 'yon. O siya, paalam," turan ko sabay beso sa kaniya.

Naghiwalay na kami ng landas ni Winnie. Nag-text naman sa 'kin si Patrick kung saan kami magkikita. Dumiretso na ko agad sa meeting place namin.

Pagkarating do'n, nakita ko naman siyang naka-reserved na ng upuan at lamesa sa isang karenderia, 'di naman kalayuan dito sa school.

"Kumusta ang klase mo?" bungad niya sa 'kin.

"Okay naman, hindi lang masyadong sanay magturo ang prof namin. Puro dada sa buhay niya ang inatupag kaysa talakayin 'yung topic, e," pahayag ko.

Gentleman si Patrick, inakay niya ko sa aking upuan at siya pa talaga ang nag-asog ng upuan para paupuin ako. Check siya rito sa 'kin.

"Alam kong hindi ka naman maarte kaya dito na lang kita dinala sa karinderia. Masarap mga pagkain dito, ito talaga 'yung binabalik-balikan ko," aniya.

Nakakapawi ng pagod kapag nakikita ko siyang ngumiti. 'Yung tipong swabe lang, makikita mo talaga sa mukha niyang masaya siya.

"Sa mamihan nga 'di ako tumanggi, 'di pa ba?" komento ko.

"Saka kung ito talaga 'yung binabalik-balikan mo, mukhang masarap nga talaga ang mga pagkain. Malalaman natin kapag natikman ko na," saad ko.

Agad naman akong tumayo at niyaya siya para um-order ng makakain. Sa presyo pa lang, masasabi mong student price talaga. Dalawang kanin at dalawang ulam, 45 pesos lang. Sulit na sulit.

Um-order ako ng tortang talong, caldereta at dalawang rice. Feeling ko kasi gutom ako at mukhang masarap nga 'yung pagkain dito kasi sa amoy pa lang, matatakam ka na. Double rin din si Patrick saka sisig at sinigang na baboy ang order niya.

Akmang magbabayad na ko ng in-order ko pero pinigilan ako ni Patrick.

"Ako ang nagyaya kaya dapat ako ang magbayad," aniya sabay kindat sa 'kin.

"Asus, maraming salamat! Sa susunod, ako naman ang taya," wika ko sabay pakawala ng isang ngiti.

Tama talaga si Winnie, mukhang okay 'tong si Patrick. Kailangan ko pa siyang makilala para masabi kong siya na nga si Mr. Right.

"Excited na kong tikman ang pagkain nila, naaamoy ko pa lang, nagugutom na ko," turan ko pagkabalik namin sa aming upuan.

"Sabi sa 'yo, e. Mukhang papasa naman sa panlasa mo ang pagkain nila," aniya.

Ilang saglit lang, dumating na 'yung pagkaing in-order namin. Um-order pa si Patrick ng softdrinks para daw medyo sosyal kami.

"Ay syet, ang sarap ng tortang talong! Ang laki pa ng talong nila na tila nakabuyangyang sa laki at 'di tinipid sa itlog. Idagdag mo pa 'yung seasoning na nilagay nila sa talong para mas lalong lumasa 'to, ugh! Heaven! Nakakatirik ng mata sa sarap!" saad ko paglatikim ko palang dito.

"Shhh, huwag kang maingay masyado. Hindi lang tayo ang tao rito, uy!" tatawa-tawang sambit ni Patrick.

"Sorry na, hindi ko lang napigilan ang aking sarili," turan ko.

The Lust AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon