Chapter 17

5.8K 142 9
                                    

Habang nag-e-exam, hindi ko maiwasang hindi siya isipin. Pilit siyang sumasagi sa isipan ko kaya hindi ako makapagpokus masyado.


"Qrie, iwaglit mo muna siya sa iyong isipan. Tapusin mo muna ang pagsusulit mo nang 'di ka pumalya," turan ko sa aking isip.


Mayamaya, huminto muna ako saglit sa pag-compute. Ipinikit ko ang aking mga mata at limang beses akong nag-inhale at exhale para mawala ang lahat ng balakid sa aking pagsagot.


"Pupuntahan kita mamaya..." bulong ko bago ako nagpatuloy sa pagsasagot.


---


Matapos ang madugong pagsusulit, agad kaming nagkumustahan ni Winnie habang naghihintay sa susunod naming klase.


"Girl, grabe naman 'yung prof natin. Twenty items lang 'yung exam pero natuwid bigla ang utak ko matapos akong maubusan ng dugo kaka-solve," hinaing ni Winnie habang pinupusod ang kaniyang buhok.


Tama si Winnie, ang ten items ay madali naman ngunit 'yung kalahati ay saksakan ng hirap. Naguguluhan tuloy ako minsan kung saan ko hahalughugin ang formula na kakailanganin, e.


"Mabuti nga't binigyan pa tayo ng madaling problem. Halos ma-rebond na nga ang lahat ng buhok ko sa nini dahil na-stress. Hay..." litaniya ko habang nakadukwang sa likuran.


Bahagyang umusog papalit sa akin si Winnie habang kinakalkal ang kaniyang pulbos sa loob ng bag.


"Ipagdasal na lang natin na makapasa tayo. Sayang nga't lima ang hindi ko nasagutan. Hindi pa naman ako sure kung tama ang lahat ng aking naisagot," aniya.


Natauhan akong bigla nang marinig ko 'yon. Maski ako, alanganin din sa ibang naisagot pero naniniwala akong makakapasa naman dahil nakapag-review ako.


"Ako naman, apat 'yung hindi ko nasagutan. Kailangan nating bumawi sa midterm," saad ko.


"You're right."


---


After ng klase, niyaya ko si Winnie na tumungo sa clinic at baka nandoon si Terrence. Kaso, pagdating namin doon...


"Miss, walang pasyente rito," bungad ng nurse.


Nagkatinginan kaming bigla ng kaibigan ko dahil hindi man lang pumunta rito si Terrence para ipakonsulta ang na-sprain niyang paa.


"Ay sige po, salamat na lang," wika ko. Agad kaming umalis do'n at inisip ko na lang na baka umuwi na 'yon.


"Hmm, sa tingin mo ba umuwi na 'yon?" saad ni Winnie habang naglalakad kami sa may hallway. Tangan-tangan niya ang kaniyang cellphone at animo'y may pinagkakaabalahan.


"Pwede rin, para makapagpahinga," tugon ko.


The Lust AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon