Chapter 4

17.7K 448 31
                                    

Nang bumalik na ulit sa normal ang usapan namin ni Winnie, nagpalinga-linga akong muli at nagbabaka-sakaling makita ko pa si Mr. Talong kaso mukhang umalis na siya.


"Sinong hinahanap mo friend?" bungad ni Winnie habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.


"A, wala. Naninibago lang kasi ako sa atmosphere kaya palinga-linga ako sa paligid. Sinasanay ang sarili kumbaga," palusot ko.


"Okay?"


Hindi ko alam kung nakumbinsi ko nga ba siya sa palusot ko o hindi. Basta, alam kong nandiyan lang si Mr. Talong sa paligid kaya malaki pa ang chance na magkita kami.


"Miss, tabi!" sigaw ng isang lalaki. Pagharap ko rito, hindi ko alam ang gagawin dahil mababangga niya na ako.


"Awts..." sambit ko nang bigla niya akong mabundol.


Ang masaklap, may hawak siyang cupcakes at ang ila'y tumurit sa akin. Sa katawan, pisngi, braso at maging sa mukha. Punong-puno tuloy ako ng icing.


Habang nakasalampak sa sahig, inabutan ako ni Winnie ng tissue at tinulungan akong punasan ang mga icing sa aking braso't pisngi. Nanlalagkit tuloy ako.


"Sorry, Miss," aniya at itinayo ako.


Tila ba naumid ako't hindi makapagsalita. Ang ganda ng boses niya, lalaking-lalaki. 'Yung mukha niya, napakakinis. Halatang alagang-alaga niya ang kaniyang sarili. Ang braso, pumuputok. Grabe, tutulo yata ang laway ko sa harapan niya.


Gustuhin ko mang magreklamo dahil sa ginawa niya sa akin, hindi ko magawa. Napakagat-labi tuloy ako at waring pinagpapantasyahan ang kakisigan niya.


Ang course niya malamang ay tungkol sa pagluluto. Hindi ako mahihirapang hagilapin siya dito sa loob ng Unibersidad. Tiyak, sikat 'to. Ang suwerte ko dahil nakadaupang-palad ko ang isang tulad niya.


"Friend, okay ka lang ba? Paano ka pa niyan makakapasok sa next class natin?" singit ni Winnie.


"Okay lang ako. Sige mauna ka na sa klase natin dahil malapit ka nang ma-late. Balitaan mo na lang ako sa kung anong mangyayari mamaya," pahayag ko habang inaayos ang aking sarili habang si Mr. Cupcake naman ay pinupulot sa sahig ang mga nagkalat na cupcakes niya.


"Sige, una na ko friend. Ingat ka," aniya sabay beso sa akin at naglakad na palayo.


This time, kami na lang ni Mr. Cupcake ang nandito sa may hallway. Tinulungan ko siyang damputin ang cupcakes niya.


"Salamat..." aniya habang nakangiti sa akin.


Kung wala lang garter ang panty ko siguro kanina pa ito nahulog. Grabe siya! Ang lakas ng karisma niya. 'Yung tipong kababaliwan mong talaga.


Nang mapulot naming lahat ang cupcakes niya sa sahig, nagulat ako nang tanggalin niya ang suot niyang uniporme at inabot iyon sa akin.


"Gamitin mo muna 'to," turan niya sabay lahad sa akin ng kaniyang uniporme.


Literal akong napanganga dahil napokus talaga ang tingin ko sa kaniyang katawan. Hindi ko sigurado pero parang tumulo na naman ang laway ko dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon.


Ang abs, ang sarap hawak-hawakan. 'Yung feeling na nasa heaven ka't kayo lamang na dalawa. Ang namumutok niyang dibdib na kay sarap haplusin. Syet, gusto ko siyang yakapin para maramdaman ang kaniyang katawan na lumapat sa katawan ko.


Siya na nga ba ang cupcake ko? At akong ang icing niya? Puwede ba iyon? Ako ang papatong sa kaniya? Ewan, pero sana puwede. Panalong-panalo ko nito kapag nabingwit ko ang isang tulad niya.


"Miss?"


Natauhan na akong muli at tumigil muna sa pagpapantasya. Kinuha ko ang uniporme niya at nagpasalamat.


"Thank you!"


"Sorry ulit, sige mauuna na 'ko," dugtong pa niya at ngumiti nang nakakaloko bago tuluyang lumayo.


Syet! Syet! Syet!


Hindi ko kinaya ang pagkakatagpo naming dalawa. Higit sa lahat, nagka-souvenir pa 'ko ng gamit niya! Oh my gee!


Dali-dali akong naglakad papuntang sulok saka inamoy-amoy ang uniporme niya. Para akong timang na singhot nang singhot doon. Nakakabaliw grabe, ang bango lang.


Kung katulad niya siguro ang magiging boyfriend ko, siguro lagi akong busog. Kanin na lang talaga ang kulang.

The Lust AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon