Chapter 12

8.3K 227 9
                                    

Maaga akong pumasok sa Unibersidad dahil sa saya na aking nadarama. Maaaring heto na ang simula para matupad namin ni Precious ang aming mga pangarap.


Pagkabangon ko kanina, kaagad kong binuklat ang libro para malaman kung ano ba ang mensahe nito sa akin.


Ang sabi nila, masarap daw 'to,

Pampagana sa mata ng tao.

Malinamnam kung titikman,

Heaven, kung pagpapantasyahan.


Napapaisip pa rin ako hanggang ngayon sa kung ano ang nais iparating ng libro ukol doon. Para akong lutang sa kakaisip kung ano ang mensahe talaga nito para sa akin. Hindi ko talaga mapigilang isipin 'to dahil dito nakasalalay ang aming mga pangarap.


Hangga't maaga, kailangan kong malaman agad ang mensaheng nais iparating nito. Mabilis tumakbo ang oras kaya hindi ako dapat magpaliguy-ligoy. At sana, may iba pang clue akong matanggap.


"Uy girl, ang lalim ng iniisip mo, a?" untag ni Winnie sa gitna ng aking pagninilay-nilay.


Hindi ko napansin ang kaniyang presensiya na lumapit sa akin dahil sa aking iniisip.


"Ikaw pala iyan, Winnie. Pasensiya na at hindi kita napansin agad," tugon ko. Patuloy lang kami sa paglalakad habang naghuhuntahan.


"Ano ka ba, wala iyon. Tutal, maaga pa naman, gusto mong tumambay sa gym?" mungkahi niya.


Napaisip na naman ako kung ano ang nais niyang gawin doon. Kadalasan, mga varsity player ng school ang nandoon dahil sa training nila.


"Seryoso ka riyan? Baka naman ma-late tayo mamaya sa klase, a?" ani ko.


Saglit lang naman kami roon. Saka kailangan namin ng pampaga na umaga 'no para may inspirasiyon kami habang nagkaklase.


"Hindi iyan. Ano? G na ba?" sambit niya habang nagbu-beautiful eyes pa.


Tatanggi pa ba ako? S'yempre hindi. Magbabaka sakali na rin ako at baka naroon si crush.


"Oo naman. Basta, fifteen minutes lang tayo, a? Mahirap na..." pa-demure kong tugon.


"Sure..." aniya.


Para kaming mga bata na kumakandirit pa sa paglalakad. Nakatutuwa lang dahil mayroon akong karamay sa ganitong kalandian. Thanks to Winnie, nailalabas ko nang kaunti ang other side ko.


"Heto na, shocks! Bilisan mo, Qrius!" pag-aatubili ni Winnie habang hila-hila ang aking kanang braso.


Agad kaming naupo sa may bench at pinanuod ang varsity team ng basketball. Lahat naman sila, magagaling. Hindi naman sila makapapasok sa team kung wala silang kalatoy-latoy.


"OMG! Ang sarap nilang pagmasdan habang naglalaro. 'Yung tipong tumatagaktak na ang pawis nila sa katawan tapos ikaw ang magpupunas. Yiee, heaven!" giit ni Winnie. Kulang na lang ay magpapadyak siya at lamutakin ang braso ko sa sobrang pagpapantasya.


"Grabe ka naman, hinay-hinay lang sa imagination," pagsingit ko.


Bigla akong natauhan nang maalala ko ang sinabi niya about heaven at sa tinuran kong pagpapantasya. Maaari kayang may kinalaman ito sa mensahe ng libro? Hmmm...


"Ay basta, hangga't nabubusog ang mata ko, masya na 'ko..." aniya.


"Bahala ka nga riyan," tugon ko. Ibinaling ko ang aking atensiyon sa may bubong ng gym at pinagnilayan kong muli ang mensahe ng libro.


Another clue na naman ang naisiwalat matapos banggitin ni Winnie ang katagang 'nabubusog ang mata ko', kaya may ideyang namumuo sa isipan ko.


"Go, number 12!" pagpalahaw ng sigaw ni Winnie. Nakatayo na siya ngayon at lumulundag-lundag pa. Para siyang timang sa kaniyang ginagawa kaya napadako muli sa mga naglalaro ang aking atensiyon.


Ilang saglit pa, kumaway sa kaniya si number 12 at saka kumindat. Napakapit bigla si Winnie sa aking braso at saka pinisil ito.


"Aww," sambit ko matapos niyang lamutakin ang aking braso.


"OMG talaga! Nakita mo ba iyon, prend? Kinindatan ako ni crush! Hindi ko tuloy maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon," pahayag niya.


"I'm happy for you, prend!" ani ko sabay yakap sa kaniya.


Kamukatmukat, bigla kong nakita si Mr. Talong matapos niyang maka-shoot ng 3 points. Syaks! Ang galing niya pala. Sigawan din ang ilang babae na nanunuod dito sa gym.


"Ang galing mo pala, number 22..." mahina kong sambit habang nakapaskil ang isang banayad na ngiti sa aking labi.


"I love you raw, number 22 sabi ng kaibigan ko!" sigaw ni Winnie habang nakaturo sa akin.


Agad ko siyang kinapitan sa laylayan ng kaniyang damit para paupuin. Matapos iyon marinig ng mga kasamahan ni Mr. Talong, nagtawanan sila. Nahiya tuloy akong bigla at napayuko na lang ako. Feeling ko, wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.


"I love you too pakisabi!" sigaw ni Mr. Talong.


Alam ko ang boses niya kaya hindi ako nagkakamaling siya iyon. Ibinaling kong muli ang aking tingin sa kaniya kaso balik na ulit siya sa paglalaro. Hindi ko tuloy alam kung sincere ba siya sa sinabi niya o nakikisakay lang.


"Ayiee, malay mo, may gusto pala sa iyo talaga si number 22," ani Winnie na tila ba pinapalubag ang aking loob.


"Sus, malabo 'no. Hindi naman ako kagandahan," wika ko.


"Maganda ka kaya, prend. Hindi ka lang maayos manamit," diretsong sagot ni Winnie.


"Kaunting ayos lang, lalabas ang iyong ganda. Believe me," dagdag pa niya.


"Okay na 'ko sa ganito. Hindi ko naman kailangang maging maganda para magustuhan ng mga lalaki. Darating din naman ang tamang tao na magmamahal sa kung sino at ano pa tayo," pahayag ko.


"Naks naman, hugot. Pero hindi naman natin masasabi na si ganito agad si Mr. Right. Kailangan din natin silang subukan at kilalanin para malaman ang tunay na kasagutan," paliwang niya.


"May ganiyang side ka pala 'no?" ani ko at sabay kaming nagtawanan.


Five minutes na lang ang natitira kaya napagdesisyunan naming tumungo na sa aming klase. Bago kami tuluyang makalabas sa gym, ibinaling kong muli ang aking paningin sa mga naglalaro.


"Santiago pala, a..." mahina kong sambit bago tuluyang naglakad papalayo.

The Lust AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon