Chapter 10

10.6K 272 15
                                    

Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakangiti siya nang nakakaloko. Alam ko na kung ano ang nais niyang ipahiwatig dahil sa mahiwagang ngiting nakasambulat sa kaniyang mukha.


"Then, do everything you want..." tugon ko habang nakakibit ang aking balikat at nakataas ang dalawa kong kamay habang naka-bend ang aking braso at nakalahad ang aking palad sa ere.


Walang patumpik-tumpik na tumalon siya at pumaibabaw agad sa akin. Sa sobrang pagkagulat ko, natuod ako sa ibabaw ng kama. Kakaiba ang mga titig niya kaya hindi ko maialis ang aking tingin sa kaakit-akit niyang mga mata.


Nagsimula siyang kumilos at tila ba ginagamba ako. Mistulang ipinaparating niya sa akin na wala na akong kawala...


"D-dahan-dahan... Roden," sambit ko sapagkat tila lalamunin niya ako nang buo.


Bawat detalye ng aking katawan ay kaniyang ginagalugad sa pamamagitan ng malilikot niyang mga kamay. Ang kaniyang labi ay nilalandas ang aking leeg at dibdib. Wala akong magawa kundi ang mapaliyad dahil sa sensasiyong dala nito sa aking katawan.


Nang matauhan ako, buong lakas ko siyang kinabig upang ako naman ang pumaibabaw sa kaniya.


"Hindi naman patas kung ako lang ang maliligayahan," bungad ko habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa collar ng kaniyang damit.


"Kung gano'n, do your part," aniya. Iba talaga kapag nagkakatitigan kami, kakaibang tukso ang nararamdaman ko.


Hindi ko mapigilang 'di madarang lalo pa't nangungusap ang mapupungay niyang mga mata...


"Tapusin mo na 'to, Precious. Hindi mo kailangan ang lalaking iyan. Huwag kang gagaya kay Qrius," sambit ko sa aking isipan. Hindi dapat ako ang nagpapaakit; Ako ang mang-aakit.


Matapos kong mapagnilay-nilayan ang mga bagay na iyon, nagsimula na akong kumilos. Isang banayad na halik ang iginawad ko kay Roden. Nakapikit pa ang loko habang dinarama at sinasamyo ang aking labi.


Naging mapusok naman ang aking mga kamay. Kasabay ng paghahalikan namin ay ang paglandas ng aking kamay upang tanggalin ang bitones sa damit ni Roden. Hindi ko mapigilang hindi maakit sapagkat mas lalo kong nadama ang magandang hubog ng kaniyang pangangatawan.


Napatigil ako sa paghalik sa kaniya at naituon ang aking atensiyon sa kaniyang katawan na nakalantad sa aking harapan. Para akong asong timang na naglalaway habang nakatanghod sa kaniyang harapan.


"Do you want to lick it? Go," pahayag niya. Tila ba nabanaag niya na ang nais kong gawin.


Walang ano-ano, agad kong sinungaban ang kaniyang katawan. Dinilaan ko ito at kinintalan ng halik. Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon kaya nag-iwan na rin ako ng marka bilang alaala.


"Oh shit, ang sarap no'n," halinghing ni Roden. Napangiti ako sa kaniyang tinuran.


Matapos iyon, tumayo ako sa harapan niya at isa-isang tinanggal ang aking saplot hanggang sa walang matira. Ibinungad ko sa kaniya ang masagana kong hinaharap habang nakapameywang na tila ba beauty queen.


"Tinititigan pa lang kita, nababaliw na 'ko."


Hindi ko mapigilang hindi matuwa dahil sa sinambit niyang iyon. Lahat talaga ng lalaki e naaakit sa akin lalo kapag tinatanggal ko ang aking saplot. Tinalasan ko lalo ang pagtitig sa kaniya. Walang palya, mga malilibog silang tunay...


"Huwag kang tumitig ng ganiyan. Nabubuhay ang pagkalalaki ko," dugtong pa niya sabay kagat sa ibabang labi. Akmang tatayo na siya kaya naman pinigilan ko siya agad.


"Huwag mo namang ipakita sa akin na excited ka masyado. Maglalaro pa tayo," sambit ko. Tumungo ako sa may ulunan ng kama at kinuha roon ang dala kong bag at inilabas ang isang panyo.


"Wow, ganiyan ang gusto ko, may pagka-wild. Sige, piringan mo na ako..." aniya sabay pikit sa dalawang mata.


Talaga namang nakikiayon sa akin ang tadhana. Pinag-iisipan ko pa lang kung anong diskarte ang gagawin ko para mapaikot siya sa aking palad pero heto, hinahain niya na ang kaniyang sarili.


Umakyat ako sa ibabaw ng kama at saka kumandong sa kaniya. Mabilis na kumilos ang kaniyang kamay at kaagad itong lumabas sa aking beywang.


"Hinding-hindi mo malilimutan ang gabing 'to, Roden..." bulong ko sa kaniya.


"Do it, baby..." mapang-akit niyang tugon.


Kamukatmukat, ibinalya ko siya pahiga sa kama sabay takip ng panyo sa kaniyang ilong at bibig. nanlalaban pa siya noong una pero hindi rin siya nakapalag. Salamat sa pampatulog na inilagay ko rito sa panyo...


Tumayo agad ako para makapagbihis. Napagtanto kong hindi ko siya maaaring patayin dito dahil mahuhuli agad ako. Dulo lang naman niya ang kailangan ko kaya pasalamat siya, mabubuhay pa siya...


Hinalughog ko ang condo niya para maghanap ng maaaring magamit sa misyon kong ito. Ilang saglit pa, nakakita ako sa medicine cabinet niya ng ineksiyon at dalawang maliit na transparent container. Hindi ko alam kung bakit siya mayroong gano'n pero hindi ko na lang inalam. Kinuha ko na lang ang mga iyon at isinagawa ang aking plano.


Iniayosko ng higa si Roden bago siya kuhanan ng dugo sa pamamagitan ng ineksiyon. Inilagay ko ang mga dugong nakuha ko sa dalawang transparent na container.


"Salamat sa dugo mo, Roden. Mukhang magkikita pa tayo, soon..." wika ko habang hinahaplos ang mukha niyang maamo kapag tulog. Naisilid ko naman na sa aking bag ang dalawang maliit na container na naglalaman ng kaniyang dugo. One fourth na dangkal lang ang laki no'n.


Matapos iyon, kinintalan ko siya ng halik sa kaniyang mapulang labi bago ako tuluyang lumisan.

The Lust AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon