XXVII- Uni and S

425 21 1
                                    

Need help. Napunta siya sa random category. Tingin niyo saan ko dapat ilagay  na category? Romance o action o fanfic? Kung saan marami answer doon ko ilalagay.

---

"Sandali!!" Nadinig ni Jane ang sigaw ni Rafael na palapit sa kanila.

Hindi nagsalita ang batang babae na sa tingin niya'y hindi lalampas ng sampu ang edad. Sinenyasan siya nitong tumayo sa pamamagitan ng baril at pumasok sa kuwarto.

Napalunok siya at dahan-dahang tumayo. Bakit ba nakakatakot tumingin ang batang toh?

"I-I can e--explain, S." Nauutal na sabi ni Rafael bakas ang takot sa mga mata.

Muling nagsalita si S. "You have 2 f**king minutes, Garcia."

"She needed help." -Rafael

"So?" -S

"We're the only ones who can help her."

"Why?"

"Sold to a member of the Hive. Raped and physically abused. Besides we need someone here na mapagkakatiwalaan."

"How could you be sure?"

"You know that I am a doctor and specializes in different fields of expertise. I can easily read someone if he or she is lying and not."

Unti-unting binaba ni S ang baril. "I have 3 rules: 1-you don't see a thing, 2-you hear nothing and 3-you're a mute. Break rule 1-I'll remove you're eyes, rule 2-cut you're ears and 3-you'll literally be mute. Do you understand?"

Tumango-tango si Jane. Naintindihan naman niya kahit paano ang sinabing english nito.

"Good. Now, make me a ham sandwich." Utos sa kanya ni S. "And stop being too curious it'll lead you to your death."

Napatingin pa siyang muli sa batang naka cross arms na nasa harap niya at kay Rafael na sumenyas sa kanyang bilisan.

Dali-dali namang kumilos si Jane. Narinig pa niya ang boses ni S bago niya tuluyang maisara ang pinto. "Fix my face, now. And I need another face."

----------------

Lumipas ang ilang araw at naging maayos naman ang buhay ni Jane sa isla maliban na lang sa gabi kung kailan dindalaw siya ng bangungot ng kanyang nakaraan. Nakatulong ng malaki sa kanya si Rafael na gumagamot sa kanya.

Halata pa rin ang mga pasa niya at ibang mga sugat sa katawan ngunit hindi na ito kalala tulad ng dati. Naging madali rin ang trabaho niya sa malaking bahay dahil sa mga kakaibang appliances doon. Masaya na sana siya ngunit may kulang pa rin. Hindi niya kasama ang ina.

Bihira namang magpakita sa isla si S. Kung pupunta man ito roon ay hindi na nagpapaumaga. Sinubukan niyang makipaglapit dito kahit na masyado itong tahimik at nakakatakot.

Isang gabi'y ay bumalik ito sa isla at may dalang masamang balita sa kanya.

Lumapit ito sa kanila ni Rafael at dire-diretsang nagsalita. "Ang iyong ina nasa hospital."

Para siyang binuhusan ng malamig sa narinig at hindi alam ang gagawin. "Ha? A-Anong hospital? Kailangan ko siyang puntahan."

Patakbo na sana siya papuntang pinto nang mabilis na humarang si S. "You can't go."

"Pero kailangan ako ng nanay ko!" Paghehesterikal ni Jane at nahpumilit makaalis. Hindi na niya namalayan kung paano siya napatalsik at napaupo sa sahig.

Hindi kaagad nakagalaw si Jane sa paglagulat.

Mayroong hinagis sa kanyang envelope si S. "Hindi ka maaaring lumabas dito kung wala akong pahintulot. Buksan mo yan at makikita mo ang nanay mo. Huwag ka mag-alala nasa magandang hospital siya't malayo saga taong manggugulo sa inyo."

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon