III- First Step

943 30 0
                                    

Pim POV

Nag aabang kami ngayon ng bus papuntang school. Yes, papasok na kami ng school. Hindi na kami home schooled! Yehey!

Ang saya saya ko talaga pero nang mapatingin ako kay Lia natawa ako. Hehe! Nakasimangot siya habang inaayos ang suot niyang salamin.

Flashback

Ilang araw matapos ang laban namin ni Elder ay kinausap na ako ni Premo para sabihin kung saan kami mag aaral. Pagkatapos ng meeting ay dumiretso kami sa kuwarto.

"Lia, search mo naman yung school na sinasabi ni Premo."

"Okey." hindi matanggal ang ngiti ni Lia habang nagsesearch gamit ang laptop niya. Siya lang meron bawal kasi ako gumamit nun-- dati. Hehe! Bibili talaga ako niyan pag labas ko rito.

Mamaya pa'y tinawag niya ako.

"Oh eto na!" excited na tawag ni Lia.

Dali-dali kong iniwan ang ginagawa kong pag empake at tumabi sa kanya.

Nakita namin ang picture ng school. Shaks! Ang ganda!

Clinick ni Lia ang About sa home page ng school pero hindi kami nakapasok dahil humihingi ng password.

Napasibangot ako. "Haizt! Ano ba yan?! Hindi bale magkakaroon din akong student password."

"Password kaagad? Ala ka ngang laptop."

"Pft. siyempre bibili ako niyan."

Nagappear kami ni Lia kasabay ang pagpasok ni Ahma.

"Ahma, alam mo ba yung MCSU?"

"Ah eh. Oo naman. Maganda yang school na yan." sagot ni Ahma sabay kuha ng gamot ko sa secret drawer. Mas mabuti raw na walang nakakaalam pag may nararamdaman ako para maiwasan ang mga taong gustong magtake advantage. Mabuti na raw ang nagiingat.

"Ahma, dun ka rin ba nag-aral?" tanong ni Lia at tumango naman si Ahma sabay abot sa akin ng gamot at tubig.

"Magkuwento ka naman, Ahma." halos sabay naming sabi ni Lia.

"Malaki yung school. Tumatanggap- ah hindi pala- pumipili din sila ng scholar na puwedeng mag-aral dun."

"Ahma naman." reklamo ni Lia. "Yun lang masasabi mo? Marami bang cute dun?"

Nanlaki ang mga mata ni Ahma. "Hoy Lia, hindi kayo pupunta ni Pim dun para magkabf noh? Atsaka malalaman niyo rin naman kung anong klaseng university yun pagpumasok na kayo. Matagal nang panahon akong nakagraduate dun kaya huwag kayong tanong ng tanong."

"Wait. Ahma, ibig sabihin mo kanina puros super talino ng mga nag-aaral dun?" tanong ko

Napatingin naman sa akin yung dalawa at napa "Ha?"

"Hindi ba't sabi mo mga scholars?" inosente kong tanong. Eh kasi di ba sa mga nababasa ko yung mga scholars sila yung mga nagiging tagapayo ng isang pinuno at madalas nagiging pinuno rin sila.

Binigyan ako ni Lia ng gusto mong batukan kita look. Natawa naman sa akin si Ahma na mukhang naintindihan ako.

"Ganito kasi yun Pim. Iba yun sa mga nababasa mo sa mga history books-- well parang. Yung mga scholars na napipiling mag-aral sa MCSU sila yung mga magagaling na mga studyanteng kaya lang kapos o hirap sa buhay. Madalas nga nagiging working students sila. Aral pag umaga. Work paggabi."

"Wow!! Ang galing pala nila." Naeexcite na talaga ako at biglang may naisip na rin akong bright idea! "Lia, alam ko na kung anong klaseng estudyante magiging tayo."

Lia gave me an unpleasant look. Mukhang nababasa na niya ang nasa isip ko.

"No!"

"Yes!" I answered back. "I want to be a scholar!"

-------------------------------------------------------------------------------

Kaya eto kami ngayon. Naghihintay ng bus na suot suot ang uniform ng mga scholars. Nakasimangot pa rin si Lia dahil sa look namin.

Sabi kasi sa research, kalimitan nakasuot ng mga eyeglasses ang mga pinoportray namin. Dagdag na lang talaga tong mga braces kasi nung namili kami ng gamit may nakasalubong kaming nakabrace, ang cute! Kaya eto may brace kami ngayon. Actually hindi talaga siya brace. Pinagawa ko lang talaga toh. Hehehe!!

Ah Yeah, kami lang ni Lia ang nagshopping. Well..... Alam ko namang may nagmamasid pa rin kahit hindi talaga sila nagpapakita. Nakahanap na rin kami ng maliit na bahay. Yeah, maliit, eh kami lang namang dalawa. Freedom ang hiling ko di ba? Kaya lang etong si Lia pinaglalalagyan ng mga armas ang palibot ng bahay. Oh well.. She's my Hand.

Inakap ko siya at nilambing. "Huwag ka ng magtampo. Papangit ka. Ayoko pa naman ng Hand na pangit."

Natawa siya sa sinabi ko. "Ikaw naman kasi. Sinabi ko namang may iba't ibang uri ng estudyante, ang pinili mo pa talaga loser."

"Eh kasi nga-"

"Oo na, ayaw mong makakuha ng attention at bawal na malaman na ikaw si-"

Hindi na naituloy ni Lia ang sasabihin ng huminto sa tapat namin ang bus. Hinila ko na siya paakyat at slinide ang card para sa pamasahe.

--------------------------------------------------------------------------

Maya-maya pa'y nakarating na kami ng school. Naglalakad na kami papuntang gate nang makita namin ang isang estudyanteng babaeng who's almost kneeling on the ground at may lumapit na lalake. ANG GUWAPO!--- pero hindi ko type eh.

~~~~~*~~~~~*~~~~~*~~~~~

This is the first time that I use POV sa tanang buhay ko. Sorry po kung may hindi magkagusto sa gawa ko. Gusto ko lang talagang ilabas kung anong nasa isip ko at ishare.

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon