XVII- Love?

538 32 5
                                    

baka naman may nagagalit na diyan dahil walang kilig chap siña kathniel? Ipinapaalala ko lang hindi lang ito tungkol sa dalawa. Hindi lang nila ito kuwento. Kung may naiinis mali ka ng binabasa dahil hindi ito tungkol lang sa love ng dalawang tao at typical story. There's more to it. Sa mga nagtitiyagang magbasa maraming salamat pati po sa boto.

----------------
Need 120-125 total votes (book). Thanks.
--------------- dedicated to: thisisme_04
Naglalakad papuntang classroom sina Ryn.

"Pareparehas pala tayo ng block!" Nakangiting sambit ni Ryn matapos makita ang schedule ng mga kaibigan.

"Yeah. Nahati lang naman sa apat na block ang first year juniors dito sa main building. Hinati naman sa tatlo ang black crows. Kaya 7 blocks all in all." Paliwanag ni Lia sabay baling kay Pim. "Uy Pim, kumakain k nanaman!"

"Tarap tarap eh!" Parang batang sagot ni Pim na may mga icing pa ang bibig dahil sa kinakain cupcake.

"Oh eh kanino naman yang isang dala-dala mo?"usisa ni Ryn nang mapansin ang dala nitong isang maliit na box ng cupcake.

Hindi sumagot si Pim bagkus ay tinawag ang lalakeng papasok na ng room nila. "Pogi! Pogi!"

Nagkatinginan sina Lia at Ryn nang habulin ni Pim ang supladong si Gun papasok ng class room. They rolled they're eyes and followed their friend.

Dirediretsong naupo si Gun sa dati nitong kinauupuan.

"Good morning pogi!" Bati ni Pim. "Para sa iyo."

Nilagay ni Pim ang dalang box sa mesa ng katabi pero hindi siya nito pinansin. Inulit niya ang tawag dito with matching sundot sa pisngi nito. "Pogi, hindi mo ba ako naririnig? Uy, pogi!"

Inis na inis na tumayo si Gun. "What the f**k! Stop calling me pogi and don't ever touch me! Umupo ka na kung gusto mong umupo."

Nakabusangot na naupo sa gilid ng bintana si Pim saka naupo si Gun sa tabi niya.

"Di ba pogi naman talaga ang tawag sa mga boys na good looking?"

"Shut up! Huwag mo na akong tatawaging pogi kung ayaw mong maupo sa iba."

Bumusangot si Pim pero sumilay din agad ang ngiti. "Heto oh!"

Marahas na dinampot ni Gun ang kahon, binuksan ang bintana at tinapon yun.

"Waaaah! Bakit mo tinapon? Ayaw mo ba ng chocolate? Sana sinabi mo ako na lang sana kumain. Ano bangg gusto mong flavor?"

Ginulo ni Gun ang buhok at iritadong naupo. "Don't talk to me!"

Sayang naman kasi yun. Sarap pa naman nun.. Pim pouted.

Napapailing naman sina Ryn sa kanilang kinauupuan nang may lumapit sa kanila.

"Suwerte ko talag." Nakangising wika ni Niel. "Hoy, ikaw huwag kang uuwi agad may ipapagawa ako sa iyo. Huwag ka ring tatakas dahil hindi mo magugustuhan gagawin ko sa iyo!"

"Babe, why are you talking to this cheap scholar?" Malambing na tanong ni Julie habang nakapulupot ang mga braso sa braso ni Niel.

"Babe kapag may kailangan kang ipagawa sa kanya mo ipagawa. She's my slave." Sagot ni Niel sabay upo sa sariling upuan kandong si Julie.

Napabuntong hininga si Ryn.

----Lunch break---

Tatayo na sana si Ryn nang may maramdaman siyang humawak sa balikat niya kayat napaupo siya ulit.

She gasped when she saw him. The devil with the bitch!

"At saan ka pupunta?"

"M-mag lulunch." Sagot ni Ryn kay Niel.

"Ng hindi nagpapaalam sa akin?"

"Ha?"

"Tsk!" Hinila siya ni Niel sa pamamagitan ng necktie niya. "Tara na! Gutom na ako."

"Aray! S-sandali." Pero parang walang narinig si Niel.

"Sunod na lang kami ni Pim." Pahabol ni Lia na parang wala lang ang nangyari.

Gusto niyang humingi ng tulong pero kanino? Sa mga kaibigan niyang scholars? Halos maiyak na siya habang hila-hila siya ni Niel palabas.

----------------

Malaki ang cafeteria ng MCSU pero ang mga tulad nilang scholars ay may designated place. Ang mga table sa labas na walang bubong o kaya yung mga malapit sa basurahan.

"Mabuti nakita ko kayo!" Pasalampak na naupo si Ryn katabi ni Pim. "Tapos na kayo kumain?"

"Hindi pa ba obvious?" Lia rolled her eyes. May mga platong nakainan na sa harap ng dalawa pero may isang hindi pa nagagalaw. "Oh, binilhan ka na namin."

"Hai salamat. Grabe kasi yung lalakeng yun! Napaka! Grrr!"

"Ano ba kasing pinagawa sa iyo?" Tanong ni Lia.

"Mula kasi ngayon ako na ang taga bili ng lunch nila, taga gawa ng assignments at projects at kung anu-ano pa." Paliwanag ni Ryn na asar na asar sabay kagat ng fried chicken. "Ikaw naman, ano ba yang binabasa mo?"

"Love." Tipid na sagot ni Pim na hindi man lang inaalis ang mata sa binabasa.

"Ano ba yan Pim!" React ni Ryn. "Hindi ka pa ba susuko? Halata namang ayaw niya sa iyo. Tapos magkakagusto ka pa sa pinakakinaiilagan dito. Alam-"

Tinakpan ni Pim ang bibig ng katabi. "Alam mo Ryn ang sabi rito "There's nothing imposible with love". Alam mo ba na may pinagsisimulan ang love story ng bawat isa? May nagsisimula sa magkaibigan, sa one sided at sa magkaaway tulad niyo ng master mo."

Halos mabilaukan si Ryn sa narinig. "Tumigil tigil ka nga Pim!" Kami ng devil na yun? Over my dead slim body!

----------------------

Natapos ang buong araw na wala namang nangyayaring masama between the black crows at ang main pero ramdam sa paligid ang tensiyon. Nagpapakiramdaman at naghihintay.

Palabas na ng building si Ryn na may dala-dalang mga libro at notebooks. Hindi na siya magkanda ugaga sa pagdala ng mga ito sa katunayan hindi naman sa kanya ang mga yun kundi sa so called master niya at queen nito.

Nauna pa naman ng lumabas sina Lia at Pim pagkat may mga importante pa itong pupuntahan. Hindi rin naman kasi alam ng mga ito na ganun karami ang dala niya pauwi.

Pababa na siya ng hagdan nang may mabangga siya.

"Aaaay!" Tili ni Ryn.

Nagsiliparan ang mga dala niya at maging siya ay namali ng apak ng hagdan at nadulas.

Napapikit siya akala niya'y katapusan na niya pero may naramdaman siyang nakapulupot sa bewang niya.

Unti-unti niyang binuksan ang mga mata at napanganga siya. Isang anghel....

"Are you okey? Sorry nagmamadali kasi ako."

Hindi kaagad siya nakaimik. Natulala kasi siya sa kaguwapuhan ng kasama niya.

"Miss, are you okey?" Ulit nito na may halong pag aalala.

"Ah- ah yes." Sagot ni Ryn sabay ayos ng sarili.

Tinulungan siya ng lalakeng pulutin ang mga gamit niya.

"Here." Abot sa kanya ng last book.

"T-thank you."

"By the way I'm Rein and you are?"

"Ryn. My name is Ryn." Sabay abot sa nakalahad na kamay nito.

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon