IX- Battle Chain

795 41 3
                                    

Gun's POV

Inihinto ko ang motor ko, hindi kalayuan sa tapat ng ware house na nasa gitna ng isang malawak na race track. Kasunod kong dumating ang apat ko pang mga kasama na may sari-sariling mga sasakyan at motor.

"Woooh! Astig!" Puri ni Tobbie nang makita ang super bike. "Binili mo pala talaga, Uno."

Sino si Uno? Ako yun. Uno ang tawag sa akin maliban na lang kung nasa loob ako ng university o kami-kami na lang magkakaibigan. Dahil ako ang papalit sa Grand master ng West side na aking ama.

Medyo sikreto ang pagiging heir ko. Kung may makaalam man ng totoong pagkatao ko, ayos lang din pero as much as possible ayaw ko. Gulo ko ba?

Mahirap gumalaw kung maraming nakakakilala sa iyo kaya nga wala ring nakakaalam na kapatid ko si Niel. Bihira rin naman kasi akong umuwi sa mansion kung hindi talaga kailangan. Saka sa totoo lang...

Kung kaya ko lang pumili ng pagkatao, ginawa ko na..

"Inggit ka noh?" Ngisi ni Zedrich, ang kanang kamay ko, nang mapansin ang katana sa likod ko. "Ba't may dala ka niyan? May titigukin ka? Hindi ba battle chain lang naman toh? Kaya tayo naririto ay para alamin ang pasimuno at itigil toh?"

Pinili kong huwag sagutin ang tanong niya. "Tara na."

Papasok na sana kami nang may humarang na malaking lalake sa amin. "Iwan niyo mga dala niyo."

"Ano?! Ba't naman niya iiwan?" Tutol ni Borge pero pinigilan ko siya at inilapag ang dala-dala kong katana at hunting knife sa mesa.

Nakita kong tututol pa sina Borge at Drake nang tinignan ko sila ng Makuha kayo sa tingin.

Nagkatinginan ang apat at sabay-sabay na nilapag sa mesa ang mga dala-dala nila. Mayroong mga hunting knife, swiss knife, kadena at kung anu-ano pa. Napakunot ako ng noo. Alang ya mas grabe pa mga dala nito sa akin. Paano nila naitago at nadala mga yan?

Nagkakamot ng ulong tumingin sa akin si Drake. "Hehehe! Alam kasi naming hindi lang ito basta isang battle chain."

Hinawi ng lalake ang itim na tela na nagsisilbing takip sa lagusan papasok ng ware house. Medyo mahaba ang madilim na pasilyo at tanging ilaw lang ng cell phone ang gamit namin.

Nakarating kami sa dulo ng pasilyo, mayroon nang mga ilaw pero medyo dim pa rin. Pasimple kong tinignan ang paligid. Kakaiba toh. Sobrang daming bantay sa paligid.

"Zed, alerto kayo." Sabi ko kay Zedrich na katabi ko.

Narinig namin ang pagbukas ng mga ilaw at lumiwanag ang paligid. Maraming na ring grupo ang nasa loob. Napatingin kami sa taas nang may magsalita.

"Welcome, fighters!-"

"Hoy, ikaw!" Sigaw ng isa sa miyembro ng grupong asa tabi namin. "Sino ka ba?! Karera toh di ba? Bakit dito?"

Ay tanga! Buti na lang hindi tatanga-tanga mga kasama ko kahit mga mukhang engot pag minsan. Tama rin lang na hindi ko pasamahin ang kapatid ko rito.

"Walang magaganap na karera kiddo." Sagot ng announcer. "This is a battle chain."

"Niloko niyo-" Muling magsasalita yung engot nang may magtakip ng bibig niya, eto ata ang leader. "Ang premyo?"

"Save your name of course." Nakakalokong sagot ng announcer. "And the winners will receive a priceless reward."

Biglang nagsibagsakan ang naglalakihang harang sa paligid. Wala kaming lalabasan o tatakasan.

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon