XI- Run Ryn!

730 35 1
                                    

Ryn's POV

Kinakabahan ako habang naglalakad sa gilid ng malawak na path way ng university. Napahinto ako sa tapat ng puno ng mangga at naalala ko nanaman ang nangyari.

Napapikit ako sa inis. Anong gagawin mo ngayon Ryn? Mag-isip ka gamitin mo talino mo. Haizt!

Nakarating na ako sa building namin nang biglang nagsitilian ang mga estudyanteng babae. Dahil curious ako nilingon ko ang tinitignan nila. At totoo nga ang kasabihang curiousity can kill you!

Nagtama kaagad ang mga mata namin.

"Ikaw!!" turo niya sa akin.

"N-Niel.." nanlaki ang mga mata ko. Unti-unti akong napaatras at nagtatakbo.

"You, stop!" rinig ko pang sigaw ni Niel pero hindi ko siya inintindi at patuloy pa rin ako.

Tumigil ako saglit dahil hinihingal na ako. Kanina pa ako tumatakbo. Sigurado namang hindi na niya ako susundan. Inayos  ko ang pagkasabit ng bag ko sa balikat. Akmang maglalakad na ako ng maayos nang--

"You better stop there!"

Unti-unti kong nilingon ang likod ko at nakita siya sa hindi kalayuan. Mukhang galit na galit siya.

Napaatras ako habang papalapit siya pero biglang may humarang na mga babae sa kanya. Mukhang nagpapacute. Pake ko ba. He!Hehe! This is your chance Ryn. Takbo!

Maya maya'y naupo ako sa semento na nagsisilbing railings sa gilid ng hall way. Kapagod!

Pero naputol din ang pagpapahinga ko ng mamataan ko siya sa malayo at mukhang may hinahanap. AT ALAM KONG AKO YUN!

Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa likod ng railings na nagtatago. Walang butas ang railings basta semento lang yun na parang pader at puwede upuan kaya hindi niya ako makikita unless dumukwang siya.

Sinilip ko siya ng kaunti. Papalapit na siya sa kinaroroonan ko nang dumating si Julie. Agad nagakapan at kiss yung dalawa. PDA!

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang mga yabag nilang palayo. Hai. Salamat!

"What are you doing here?" tanong ng isang boses.

Nasapo ko ang dibdib ko sa pagkabigla at tuluyang napaupo sa basang lupa!

"Sus, ginoo naman Pim! Bat ka ba nanggugulat?!" Hindi ko maiwasang taasan ng boses ang taong katabi ko.

Parang hindi ako narinig ni Pim. Patuloy lang ito sa pagkain ng roller coaster na nakapalibot sa bawat daliri niya.

"Gusto mo?" Alok niya sa akin sabay lapit ng nga daliri niya.

"Ah, no thanks." pilit kong ngiti.

"Ok. Ano ba kasing ginagawa mo rito?"

Tumayo ako at pinagpagan ang palda ko bago sumagot. "Tinataguan si Niel."

Nagkatinginan sina Pim at Lia na ngayon ko lang napansing nakaupo sa railing.

"Ba't ka pa nagtago eh magkikita rin naman kayo sa room?" si Pim. Oo nga bat di ko naisip yun?

Napangiti si Lia. "Huwag ka ng tumakas. Tingin ko naman hindi ka niya sasaktan. Don't worry, our new bff, I won't let him hurt you."

There was something sa sinabi ni Lia that gave me comfort. Napangiti ako..

Inakbayan ako ni Pim. "Tayo na, may meeting sa theater. Required lahat ng juniors pumunta."

-----------------------

THEATER

Marami-rami na ring tao pagpasok namin. Malaki nga talaga tong theater para ka talagang nasa sine o mas malaki pa. Dito ginagawa ang mga play, sine o tulad nitong meeting.

Naupo kami sa pinaka likod kahit gustong umupo ni Pim sa unahan. Hindi nga kami pumayag baka mamaya masabunutan nanaman kami. Buti na rito sa pinakalikuran wala masyadong makakapansin.

Mula sa kinauupuan namin makikita ang bawat papasok at lalabas. Maya-maya'y may naupong lalake sa tabi ni Lia. Dark and handsome. Tall? Hindi masyado.

Hindi ako nakatabi kay Lia kundi si Pim kaya hindi ko masyadong naririnig yung dalawa na nag-uusap. Nakatuon din kasi ang mga mata ko sa unahan. May hinahanap...

At hindi ko alam kung bakit..

"Mart, friends ko si Pim at si Ryn." nakuha ni Lia ang attention ko. "Ryn, Pim, si Mart."

Kaagad ko itong nginitian at nag hi. May salamin din itong suot at may patch din na tulad sa mga scholars.

Ibinalik ko ang nga mata ko sa unahan. Nakita kong pumasok si Gun at may mga kasunod itong apat pang lalake.

"Si pogi!" abot langit ang ngiti ni Pim. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumayo at kumaway. "Pogi, pogi, good morning!!"

Kahit medyo malayo, sigurado akong bumusangot si Gun habang kinakantyawan ng mga kasama niya.

Hinila naman kaagad ni Lia si Pim para ma aupo. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa unahan.

"Nasaan kaya yun?" Hindi ko namalayang nasambit ko na ang nasa isip ko.

"Ako ba ang hinahanap mo?"

Bigla akong nanlamig nang marinig ang boses niya. Shock is written all over my face!

~~~~~*~~~~~*~~~~~*~~~~~

G.U. dictio.

Scholars- pinipili sila because of their intelligence or exceptional talent. May malaking bilog na patch  ang uniforms nila para madestinguish.

- they're considered losers by the elites but unknown to them they would play an important role. Kung ano man yun, abangan! :)

Don't forget to vote! Thanks and God bless.

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon