XXIV- Friendship

458 28 0
                                    

Next Ud (225 total votes. how? Just click the star on each chap para mas mabilis.) Thank you ng marami!


---

Inis na umuwi si Yoe.

Hinanap niya agad si Uni na natagpuan naman niya sa may kusina.



"Bakit?!" Salubong niya agad dito. Hindi na niya napigilan ang inis.


"Yoe-"



"Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong toh!"

"Yoe, makinig-"

"Ano?! Bakit pinapa-" hindi na naituloy ni Yoe ang sinasabi nang may biglang lumipad na kutsilyo patungo sa kanya.


Bumaon ang kutsilyo sa cupboard sa gilid niya at konti na lang ay madadaplisan na ang kanyang mukha.


Napalunok siya at unti-unting napatingin sa kahoy na mesa sa gitna ng kitchen.


Pasimpleng tumingin sa wrist watch ang nakaupo at nagkakape sa mesa. "1:30 na. Magandang umaga, B."


"S.." Halos hindi masambit ni Yoe ang letrang yun na lihim na tawag nila sa kanilang pinuno.


Seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya. "Maupo ka."


Kaagad siyang tumalima at naupo sa upuan kaharap nito.

"Gusto mo ng kape?" Tanong nito sa kanya at umiling siya




May inilabas itong card, inilapag sa mesa at inurong ito sa pamamagitan ng mga daliri papunta sa kanya.

Walang imik na kinuha at binasa niya iyon.

Hades Game

At petsa kung kailan mangyayari ang nakalagay dun.

Napakunot noo siya na napansin naman ng kaharap.


"Alam mo na sigurong magiging gang na siya samantalang  magiging Order naman ang kanyang ama, hindi ba?"


Tumango-tango siya.


"Hindi mo na siya maaaring magalaw basta-basta ng hindi inilalagay ang grupo ni Rein sa alanganin. Hahanapin at hahanapin hindi lang ng cutter gang ang bago nilang pinuno kung hindi pati ang Order na ama."



"You mean, hahayaan ko na lang?"

"Yang sa card ang sagot sa nais mo. Sa larong yan, magiging pantay-pantay ang lahat at maaari mong gawin ang gusto mo sa kanya pati sa iba pa."

Ngayon naintindihan na niya.

Saglit na binalot sila ng katahimikan.



"May hindi ka sa aking sinasabi, B."



"H-ha?"

"Ang kapatid mo."

"What about her?"


"You didn't tell me she's a genius." Ngumisi ito. Hindi alam ni Yoe kung bakit bigla siyang kinabahan.


May inilabas muli si Pim. Isang bola na parang rubix cube. Ipinagalong niya ito papunta ki Yoe na nakuha naman ng huli. "That was designed to find out if someone has an extra ordinary IQ. You're sister passed."

-------------------------------------

MCSU

Magkasamang naglalakad papasok ng gate ang tatlong magkakaibigan ng araw na yun.


Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon