V- The Scholars

828 31 0
                                    

Ryn POV

Nalaman kong pareparehas kaming first year junior nina Pim.

Iba kasi ang curiculum dito sa University. Kung sa isang ordinaryong school na ang pre school to elementary ay makukuha mo ng 9- 11 years, dito ay 14. Dahil kasama sa curriculum nila ang iba't ibang klase ng martial arts at pagbihasa sa paggamit ng iba't ibang weapons. Kaya nga takot ako diba?

Graduating na ako dapat this year pagpasok kahit 14 pa lang ako dahil accelerated ako, pero pumunta ang admin ng MCSU sa school at napili ako bilang scholar. May mga advantages naman ang pagiging scholar.

1. Ang laki ng allowance! Hindi ko na kailangan kumuha ng part time job at puwede pa akong magpadala kay mama. Hindi ko pa nga lang nakukuha kaya nga pinagtiyatiyagaan ko tong uniform and old books-- err.-- kuripot kasi ako.

2. Libre lahat including may dorm.

3. Sure work sa isang magandang company.

Narating din namin nina Lia ang room. At halatang excited na excited na pumasok si Pim na sinundan na rin namin.

Mayroon ng mga estudyanteng nagkukuwentuhan sa loob at napatigil sila saglit nang pumasok kami. Napansin kong nagbulungan sila pero hindi ko na inintindi.

"Ryn, saan tayo uupo?!" ang ingay talaga ni Pim.

May nakita akong tatlong bakanteng upuan sa gitna. "Dito na lang."

Halatang excited na naupo sina Lia at pinagitnaan ako.

"So, saan ka nakatira?" tanong ni Pim na abot langit pa rin ang ngiti.

"Dorm ang tinutuluyan ko ngayon." sagot ko na ikinabilog ng mata ni Pim.

"DORM?! Masaya ba dun? Lia, lipat tayo ng dorm."

"Hindi ba kayo sa dorm ng university nakatira? Libre yun sa mga scholars di ba?" tanong ko. Mayroong something talaga dito sa dalawa lalo na kay Pim na hindi ko mapinpoint.

"Ah-eh- Hehe! Yung tito ko kasi may bakanteng apartment doon muna niya kami pinatuloy para raw may bantay at maglilinis pero siyempre kailangan din namin umalis dun." si Lia ang sumagot.

"Ah see." ang sabi ko na lang nang may lumapit sa aming babae at may sumunod pang dalawa. Mestiza. Mahaba ang straight na buhok na may pink na headband, maamo ang mukha at may dimple sa pisngi. Sa tantya ko matangkad siya sa akin ng konti.

"Those are our chairs, scholars." Ang sabi niya na masama ang tingin kay Pim. "That's my chair."

"Ha?" ang sabi ni Pim at tumingin kay Lia. "Lia, hindi mo sinabing nagpapareserve ng seats dito."

Pinigilan kong matawa kay Pim. Nagulat na lang ako ng bigla siyang sampalin nung babae. Ang lakas nun, napaside talaga mukha ni Pim.

Muli siyang tinignan ni Pim. "Ouch???"

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon