XX- Sexy Waitress'?I

502 29 1
                                    

"Oh, look who are here? Kumpleto ang gang mo slave." Tukoy ni Julie sa mga kasama ni Ryn. "The freak and the idiot."

"Ako ba yung freak?" Pabulong na tanong ni Pim kay Ryn na narinig rin ni Julie at ng dalawa pang kasama.

Napahalakhak si Julie. "Ha!ha!ha! Such an idiot. Oh! Gawin mo tong mga assignments namin. May kasalanan ka pa dahil nang umalis ka hindi namin naipasa ni babes ang assignments namin."

"May emergency kasi sila." Pagexplain ni Lia. "And besides bakit hindi mo ipagawa sa mga alipores mo kung hindi mo kaya?"

Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Julie kay Lia na siya namang pagdaan ni Rein.

"Hey!" Saway ni Rein kay Julie ng aktong sasabunutan si Lia.

"R-rein.." Nauutal na sabi ni Julie.

"Anong problema niyo?" Tanong ni Rein na kaharap na ni Julie at nakatayo sa tabi ni Lia.

"That scholar kasi is making sagot sagot Julz and that slave-" hindi natapos ni Cynthia, ang isa sa alipores ni Julz, ang sasabihin nang takpan ni Julie ang bibig nito.

"May hi-hindi lang kami pagkakaintindihan." Palusot ni Julie. "Hindi ba Ryn?"

"Anong hindi pagkakaintindihan? Eh, sasa-" kokontra sana si Pim nang pasimple siyang sikuhin ni Ryn.

"Ah, oo. Ano, ah kaya pinagusapan namin ngayon." Plastik na ngisi ni Ryn.

"Ah kala ko kasi magsasabunutan kayo." Titig na titig pa rin si Rein kay Julie na iniiwas ang tingin. "Nakakaistorbo ata ako sa pag uusap niyo. Pasensya na."

"Naku hindi." Tanggi ni Julie. "Ano ah, nagkaliwanagan na rin naman kami saka aalis na rin kami. Sige, girls alis na kami."

Sinundan na lamang ng tingin ni Rein sina Julie.

"Ehem!" Ryn faked a cough.

Nakangiting binalingan ni Rein ang mga naiwan. "Inaaway ba nila kayo lagi? I don't believe what she said."

"Huwag mo na intindihin yun." Matamis na ngiti ni Ryn. "By the way, friends ko sina Lia at Pim."

Kaagad nakipag shake hands ang tatlo.

-------

Kasalukuyang nag iikot sa City Central ang tatlo.

"Ba't ba ayaw niyo doon sa sinabi ko? Porket nakita niyo lang pumasok doon si Niel." Sibangot ni Pim.

"Manahimik ka nga diyan Pim!" Singhal ni Ryn. "Ayoko ngang malaman ng Monster na yun kung saan tayo magwowork malasin pa tayo."


Magsasalita pa sana si Ryn nang tumunog ang kanyang cellphone.


"Hello? Lina! Okey lang, ikaw? Ah oo nga eh. Oh talaga? Sige text mo sa akin pumtahan namin. Salamat!"

Bumaling si Ryn sa mga kaibigan pagkababa ng cp. "Si Lina yun, kaibigan ko. May bakante raw sa pinagtatrabahuhan niya at okey ang suweldo."

"Anong trabaho naman yan?" Tanong ni Lia.

"Waiter, tara puntahan natin. Nangangailangan daw yun dahil bagong bukas na branch."

--------------------

Nagtungo nga ang tatlo sa sinabi ni Lina.

"Bar pala ito." Bulong ni Lia.

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon