I- Living within the Web

2K 39 0
                                    

Hand Intro.

Kasama niyang lumaki ang Spider. Tulad nito nakakulong siya sa obligasyon sa clan.

Dahil kung ang Spider ang ulo siya ang kamay at katawan nito.

Ang Spider ang buhay ng web kaya sa abot ng kanyang makakaya ay poprotektahan niya ito. Pero paano?

Kung ang Spider ay parang isip bata, napakakulit at higit sa lahat gustong tumakas.

--------------------------------------------------------------

Lia POV

"Pim, bumalik na tayo. Baka malaman nilang tumakas nanaman tayo." reklamo ko kasi alam kong ako ang mapaparusahan kapag nahuli nanaman kami.

Naririto kasi kami sa bubungan ng mansion. Kitang kita kasi rito ang siyudad sa labas kaya lagi ritong gusto ni Pim pumunta. Yes, para kaming preso lalo na siya.

Habang tinitignan ko siya na pinapanood ang mga naglalarong mga ilaw sa labas hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Akala siguro ng iba, ang pagiging isang Spider at isa sa pinakamakapangyarihang tao sa mundo ay masaya..

"Lia, ano yun?!" she curiously asked in amazement.

Tinignan ko ang tinuturo niya. "Dome, may concert ata. Tara na Pim."

Sumimangot siya sa akin bago tumayo. "Someday we'll watch a concert. Someday, I would be free- well.. kahit panandalian lang."

Ngumiti siya sabay baba ng bubong. Napabuntong hininga na lang ako. Alam ko kasing beyond her smile she's crying. Sumunod na ako sa kanya.

Dahan-dahan kaming bumalik ng kuwarto.

Nagulat kami nang kusang bumukas ang ilaw ng kuwarto at tumambad sina Ahma at Elder.

Sumenyas si Elder, ang tumatayong tagapamahala sa clan hanggat hindi pa natatatakan si Pim bilang spider, sa isa sa mga tauhan niya.

Alam ko na ang gagawin, lumuhod ako't nilahad ang braso ko na hindi ko na mabilang kung ilang beses ng napalo. Pasaway kasi kami ni Pim.

Yumuko ako at hinintay ang hagupit pero bakit parang ang tagal?

Tumingala ako at nakita ko si Pim na binali ang stick at tulog na ang lalakeng may hawak nito kanina. Bakas na bakas sa kanya ang galit at nakatingin ng masama kay Elder.

Shit! Ano bang ginagawa nito? Oo nga siya ang nakatakdang pumalit sa matandang Spider pero hanggat buhay pa ito at wala pa siya sa tamang edad ay under pa rin sila ni Elder.

"Hand, tumayo ka na diyan." utos sa akin ni Pim. Saka lang kasi kami nagtatawagan sa pangalan kapag kaming dalawa lang ang magkasama.

Tumayo ako at inihanda ang sarili..

~~~~~~*~~~~~*~~~~~~

Pasensya na hindi ko alam kung bakit nawawala ang mga space kapag nag publish na ako. Try ko ayusin.

Characters in my imagination.--- IMAGINATION!

Baifern pimchanok - Pim/Spider

Julia Montes - Lia/Hand

Kathryn Bernado - Ryn

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon