IV- Ryn

901 28 0
                                    

Kinakabahang nakatingin si Ryn sa napakalaking gate ng university. Kung mayroon lang siyang choice hindi siya papasok dito. Bakit?

NAKAKATAKOT!!

Ang MCSU ay hindi basta ordinaryong eskuwelahan.

Dito nag aaral ang mga elite and powerful sa mundo. At higit sa lahat dito nag aaral ang mga gustong mapabilang sa Web o sa Hive.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi dahil nakapasok siya rito.

Every 50 years kasi ay nagbubukas ang university para sa mga scholar. And take note mismong university ang pumipili at kapag napili nila ay hindi na maaaring tumanggi. Ba't siya napili?

"Ryn ba't ka ba kasi naging genius?" bulong niya sa kanyang sarili na halos naiiyak na, nang may bumangga sa kanya at natumba siya paharap. Nagsiliparan ang mga hawak niyang libro. At dahil sira ang zipper ng luma niyang bag ay nagsisabog pati laman nun.

"Paharang harang ka kasi sa dinaraanan ko!" bulyaw pa ng nakabunggo sa kanya at tuloy tuloy na naglakad kasunod ang apat pang mga lalake.

"Damn! I thought this was an elite school at may breeding ang mga estudyante!" huli na para bawiin niya ang kanyang mga sinabi.

Mukhang narinig siya ng lalake at bumalik. Napayuko na lamang siya at iniwas ang tingin.

Hinawakan ng lalake ang baba niya para itaas ang mukha niya and she saw his face...

Shet! Ba't ang guwapo nito? Ano ba pinag iisip mo Ryn!

"You're dead, scholar." sabi nito. "Remember this face slave."

Pagkatapos nun ay tumayo na ang lalake at naglakad muli sunod ang iba pa nitong kasama. Pero bago pa nakalayo tuluyan ang isa'y may sinabi itong lalo niyang ikinatakot.

"Leader pa ng Red West ang kinanti mo."

Napaiyak na lang siya habang pinupulot ang mga gamit niya nang may dalawang pares ng kamay ang tumulong sa kanyang magpulot.

Tinignan niya ang kaharap niya at ngumiti ito labas ang brace.

"Hi I'm Lia." sabi nito na nakangiti pa rin at nilahad ang kamay. Maputi ito at light brown ang kulot na buhok hanggang siko. May salamin din ito kagaya niya. "And that's Pim."

Nakipag hand shake siya kaagad sa dalawa. "I'm Ryn."

Lumaki naman ang mga mata ni Pim na nakasalamin din. "Ang galing, 3 letters din. Lia. Pim. Ryn. Ryn. Pim. Lia. Haizt! Dapat pala Lin na lang at hindi Lia."

Nakakatawa pala tong si Pim parang bata. Morena si Pim katulad niya at nakatirintas ng dalawa ang jet black hair nitong mahaba. Katulad ni Lia ay nakabrace rin toh.

"Uhm.. S-scholar din ba kayo?" tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ni Pim. Mukhang na offend ata pero bigla itong ngumiti. "Halata ba? Hehe! Sabi ko sa iyo Lia eh ok toh."

"Oo na!" Lia rolled her eyes.

Ang gulo naman nitong si Pim parang proud pa. Pero bakit mukhang bago mga uniforms nila, eh ipinapasa lang naman sa mga susunod na scholars ang mga toh pati mga libro?

"Ryn, friends na tayong tatlo ha?" ngisi ni Pim sabay abot sa akin ng libro.

"Okey." sagot ko at parang batang umakap sa akin si Pim.

Tumayo silang tatlo at nagumpisa ng maglakad papasok ng university.

"Sino nga pala yung kaninang bumunggo sa iyo?" tanong ni Lia sabay akbay sa akin, mas matangkad kasi toh sa amin ni Pim.

Bumalik ang kaba sa dibdib ko nang maalala ang mga nangyari. "Lea-Leader ng Red West."

"I see. Takot ka?" Inosenteng tanong ni Pim na nakayakap sa braso ni Ryn.

"Ano ka ba Pim?!" suheto ni Lia. "Pagpasensyahan mo na yang kaibigan ko mukhang nalaglag ang utak."

Sumimangot naman si Pim. "Tinatanong ko lang naman eh."

"Kita mo na ngang parang binuhusan kanina ng suka si Ryn at umiiyak pa!"

Haizt! Salamat Lia ha? Parang pinagsisisihan ko atang nakipagkaibigan ako sa mga ito.

~~~~~*~~~~~*~~~~~*~~~~~

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon