XVI- B for BishopII

588 31 12
                                    

WARNING: Uulitin ko medyo marahas ang chap na ito. Bawal ang hindi makaintindi, wala pa sa hustong gulang at higit sa lahat ang epal. May warning di ba? May mga iba kasi nagrereport pag di nila trip. Tanga lang? kaya nga may warning. Kung ayaw wag magbasa.

*Wala pa akong naedit na chap kaya sorry kung may maling spelling o grammar. Don't forget to vote. Thanks sa reads, votes at comments.

--------------------------

Ilang araw ng nasa hospital si Yumi at wala pa ring malay.

May nagtungo na rin doong police ngunit hindi niya alam kung bakit hindi nito kinuha ang mga ebidesya. Nagbalik balik na rin siya sa presinto pero wala pa ring nangyayari.

May mga nilapitan na rin siyang mga abogado para sa mga tulad nilang kapos. Sa una'y maayos pa ang mga itong kausap pero kinabukasan ay nagbabago ang mga isip nito. Kung anu-ano ang mga dahilan. Hanggang sa makilala niya si Att. Lu. Kahit babae ito'y matapang at tapat.

Nalaman nilang ang isa sa dumukot kay Yumi ay anak ng isang prominenteng tao at nagmamay ari ng bar kung saan ito sapilitang kinuha noon.

Akala niya'y mauumpisahan na niyang ipaglaban ang hustisya para sa kanyang kapatid ngunit biglang nawala si Att. Lui.

Kinutuban na siya ng hindi maganda dahil wala sa katauhan ng att.na bumaliktad.

Isang gabi ay may natanggap siyang kahon na may lamang video cam at card.

Binasa niya ang card. Isa nanamang death threat.

Huwag mong hintaying tuluyan na namin kayong patahimikin ng kapatid mo. Regalo namin para makaintindi ka.

Kumunot ang noo niya. Kinuha ang video cam at pinlay.

Isang babae nakayuko ang nakaupo sa isang silya. Nakatali ang mga kamay nito at paa.  Wala ng kahit anong saplot ang pasa-pasang katawan nito.

May lumapit na lalake dito. Hindi niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod at nagfocus ang camera sa mukha ng babae.

Hinila ang buhok ng babae mula sa likod kaya nakita ang mukha nito.

Nabitiwan ni B ang video cam.

"Att. Lui.."

Kitang-kita niya ang kaawa-awang lagay nito. Sarado na ang isang mata nito at nakatahi ang bibig.

Napatalon pa siya sa kinauupuan nang biglang tumunog ang cell phone niya.

"He-hello?"

"Nagustuhan mo ba ang munti naming regalo? Huwag kang mag alala hindi naman namin tinuluyan si att.. Binigyan lang namin siya ng leksiyon."

"Mga walang hiya kayo!"

"Tsk! Tsk! Tsk! Kung ako sa iyo-"

"Mga hayop kayo! Hindi ako natatakot sa inyo."

"Ganoon ba?"

Kasabay ng pag end call ng kausap ni B ay namatay din ang ilaw ng bahay.

Tumayo siya para maghanap ng kandila nang maramdaman niyang may tumamang matigas na bagay sa kanyang ulo at nawalan siya ng ulirat.

Nagising na lamang siya sa isang malaking kuwarto. Babangon na sana siya mula sa malaking kama nang mapagtanto niyang nakaposas ang isa niyang kamay sa headboard.

Mayroong lumapit sa kanyang apat na lalake. Ang isa'y may dala-dalang syringe. Pilit siyang nanlaban nang tuturukan siya nito.

Dalawang suntok ang natamo niya at hinawakan siya ng iba para hindi na makagalaw.

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon