XIX- Working Student

455 29 1
                                    

"What the f**k!" Napapreno bigla si Niel nang may babaeng humarang sa sasakyan niya.

It was so close. Konti na lang at siguradong mababangga na niya ito. Galit na galit siyang bumaba.

"You! Why am I not surprise na ikaw yan? You crazy slave girl!!"

"Mamaya ka na manermon kailangan na nating umalis." Tinutulak-tulak ni Ryn si Niel papasok ng sasakyan.

"What the- Wait!" Kalas niya sa pagkakatulak ni Ryn. "Hoy slave girl! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Pinagdikit ni Ryn ang dalawang kamay na parang nagdadasal. "Pls. Pls. Pls. I just need a ride. Emergency lang."

"Wala akong pakealam kung may energency ka. Kaya tumabi ka diyan kung ayaw mong sagasaan kita!"

Nanubig ang mga mata ni Ryn. Gumilid siya at nakayukong naglakad palayo para mag abang ng masasakyan.

Haizt! Kargo de konsensya ko pa toh! Isip ni Niel. "Hoy, slave girl tigil!"

Napahinto sa paglalakad si Ryn.

"Ihahatid na kita!"

Humarap si Ryn sa tumawag sa kanya, basa pa rin ang mukha dahil sa pag iyak.

"Huwag ka na magdrama diyan. Sumakay ka na rito bago magbago isip ko." Hindi na hinintay ni Niel ang paglapit ni Ryn sa kotse at sumakay na siya.

"Thank you. Thank you." Pagpapasalamat ni Ryn sa katabi.

"Huwag ka magpasalamat dahil may kapalit toh."

"Kahit na salamat pa rin."

"Saan?"

"Ha?"

"Are you deaf? I asked you kung saan kita ihahatid?"

"Sa terminal na lang ng provincial bus"

Napapreno agad si Niel sa narinig. "Tatakas ka?!"

"Hindi, ano ka ba. Kailangan ko ang umuwi. Babalik din ako pag okay na si mama."

"A-ano-" Gusto pa sanang magtanong ni Niel ngunit pinili na lang manahimik. Ba't ba ako magtatanong eh wala naman akong pake dito. "Siguraduhin mo lang may utang ka pa sa akin."

"Oo na."

Naging tahimik ang biyahe ng dalawa hanggang sa makarating sila sa terminal.

"Thank you. Thank you talaga, Niel." Nagmamadaing bumaba si Ryn ng sasakyan.

Hinabol na lamang ng tingin ni Niel ang huli bago pinaandar ang sasakyan. Bakit ang sarap pakinggan pag tinatawag niya ako sa pangalan ko? Haizt! Ano ka ba, Niel. Saan kaya yun pupunta? Ano bang pake mo Niel?

--------------------------------------------

Walong oras din ang binyahe ni Ryn pauwi ng kanilang probinsya. Kaagad siyang nagtungo sa hospital.

Nadatnan niya ang kanyang ina sa isang semi-private ward. Ang sabi ng doctor ay masuwerte ang kanyang ina't walang malalang injury sa ulo itong natamo. Kinailangan lang siyang operahan dahil sa mga bali sa braso at binti. At tinahi ang mga malalaking sugat na natamo nito. Natutuog pa rin ito dahil sa anesthesia pero ang sabi ng doctor ay magigising din ito maya-maya.

Nagpasalamat siya sa Panginoon at kahit paano'y ligtas pa rin ang kanyang ina. Nagpasalamat din siya kay aling Lina at Dredo.

Kaso iba ang gusto ni Dredong kapalit sa kanyang pagtulong.

Siya ang gustong kapalit nito.

Hindi pumayag si Ryn at tinanong ang mga nagastos nito para sa ina.

Nakangisi pa itong sinagot siya.

Katumbas na nun ang naitabi kong pera para sa ipon ko, gastusin ni ma at allowance ko. Next month pa ako uit makakakuha ng allowance. Mga gamot pa ni Ma. Kaso pag hindi ko ibinigay sa kanya, baka anong gawin nito sa akin.

"Mamaya babayaran kita." sagot niya sa kaharap na nawala ang ngisi.

"Sigurado ka ba? Puwede namang hindi." hinaplos pa siya sa braso nito na kaagad niyang tinabig.

"Don't touch me! Oo, babayaran kita. Maghintay ka lang."

"Siguraduhin mo lang." ani nito na may halong pagbabanta bago umalis.

Anong gagawin ko ngayon? Naluluha siyang tumingin sa nakahigang ina. Alam ko na, kailangan kong magworking student ulit. Papayagan naman siguro ako ng MCSU basta magpaalam ako ng maayos.

Biglang namilog ang mga mata niya nang may maalala. "Shaks! Hindi ako nakapagpaalam. Aling Lina maaari hong bang bantayan niyo muna si mama? Babalik din ho ako kaagad."

"Si-sige. Basta mabilis ka lang kailangan ko ring umuwi."

"Opo, thank you."

Dali-daling lumabas ng hospital si Ryn at naghanap ng maapit na internet cafe ngunit wala siyang makita. Naalala niya si Lia at kaagad itong tinawagan.

"Hello, Lia.. pasensiya sa istorbo-"

"What is it Ryn? Nagbeabeauty rest pa ako."

"Ah kasi kailangan ko ng tulong mo."

Isinalaysay ni Ryn ang nangyari at humingi ng tulong kay Lia para magfile ng excuse sa school.

"Okay. Ingat ka sasabihin ko rin kay Pim ang nangyari."

"Sige, salamat."

--------------------------------

Apat na araw ding nanatii si Ryn kasama ang kanyang ina ngunit kailangan na rin talaga niyang bumalik.

Kumuha siya ng makakasama ng kanyang ina para naman mapanatag siya kahit wala siya sa tabi nito.

-------------------------------

"Ryn!" kaagad na niyakap ni Lia si Ryn pagkakakita rito. "Kumusta na si mama mo?"

"Mahina pa rin pero mas okay na siya kesa noong first two days niya."

"That's good." ngiti ni Lia.

"Ang problema ko nga ngayon ay yung gastusin namin. Naibayad ko kasi kay Dredo yung naitabi ko. Next month pa alowance natin at kahit makuha ko pa yun baka kuangin din sa gastusin sa hospital at iba pa naming mga pangangailangan."

"Magkano ba kailangan mo?" sabad ni Pim na pasimpleng nilakihan ng mata ni Lia.

"Nagpaalam na ko sa admin kung maaari akong magworking student. Pumayag naman sila basta huwag maaapektuhan ang pag-aaral ko."

"Kailangan mo ng trabaho? Mayroon akong alam. Well.. Narinig ko lang naman. Hehe! Try natin?"

"What do you mean try natin?" taas ng kilay ni Lia.

"Sasamahan ka naming magwork para mabilis ka makaipon!" abot langit ang ngiti ni Pim.

----------------------------Don't forget to vote!

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon