XXIX- Let's Date2

361 30 2
                                    

"Soooooo.... I'm your date?" Kumikinang ang mga matang tanong ni Pim nang makaupo sila ni Gun.

"Shut up!" Singhal ni Gun.

"Akala ko mapapaaway nanaman tayo." Nakangising sabi ni Zedrich. "Buti natakot."

"Tsk." -Gun.

Pinalakad ni Pim ang mga daliri sa lamesa papuntang kamay ni Gun. "You're my date!"

Tinabig kaagad ni Gun ang kamay nito. "Borge! Ihatid mo nga tong walking disaster- ah hindi pala- walking danger sa table ng kaibigan niya at baka kung mapaano nanaman."

"Walking danger?" Nakakunot noong tanong ni Pim. "Ba't di na lang ikaw maghatid sa akin?"

"No." -Gun. "Kung nasaan ka at mga kaibigan mo'y may nangyayaring gulo. Pst! Borge, ihatid mo na toh."

Nag thumbs up naman si Borge dahil puno ang bibig nito bago senyasan si Pim na tumayo.

Tumayo si Pim ngunit bago tuluyang umalis ay tinawag muli ang nakatabi. "Gun!"

Saktong lingon ni Gun ay mabilis siyang dinukwang ni Pim at binigyan ng madiing halik. Hindi kaagad nakahuma si Gun at ramdam ang paginit ng mukha. Sigurado siyang namumula na siya.

"Tarap! Tarap! Bye honey!" At patalon talong bumalik kina Lia si Pim.

Nabalik lamang sa huwisyo si Gun nang marinig ang bungisngis ng mga kasama. "You better not tell anyone about this."

------------------


"Hoy Pim! Saan ka nanaman pupunta?" Tawag ni Lia sa makulit na binabantayan nang makapasok sila ng restaurant.

"Mukhang narito rin sina Gun." Nguso ni Mart sa isang grupong kumakain na nasa pinakadulo ng restaurant. "Ang bilis naman ni Pim."

"Hay naku basta kay Gun automatic nagiging telescope mga mata niyan." Lia shrugged sabay upo sa isang mesa hindi kalayuan sa pinto.


Umupo na rin si Mart. "You mean close sila?"


"Close?" natatawang ulit ni Lia. "Ewan."

"Para kasing may something sa kanila." makahulugang sabi ni Mart.

"Hayaan mo na nga sila." ani ni Lia sabay ngiti sa lumapit na waitress na may dalang tray na may baso ng juice. "Ahm.. Siya nga pala, Mart, thank you talaga ha? Nag enjoy talaga kami ni Pim."

"Wala yun. Basta ikaw." nahihiyang ngiti ni Mart. "Lia... ahm----- may gusto sana akong itanong kung maaari ba?"

"Sure. Ano ba yun?" tanong ni Lia sabay lapag ng inninom na juice at tingin sa mga mata ng kaharap.

Napakamot ng ulo si Mart, iniisip kung itutuloy pa ang pag amin. "Ano kasi-- Ano-- May boyfriend ka na ba?"

"Wala. Ba't mo naman naitanong?"

Hindi nakaligtas ang palihim na pag yes ni Mart kay Lia.

"Kasi Lia--- Ano-- Puwede ba akong manligaw?"

nanlaki ang mga mata ni Lia sa narinig. Wala pang nag attempt sa kanyang manligaw. Obviously, nasa loob siya ng Web mansion at dahil sa ranko niya'y walang nangahas.

Sa isip-isip ni Lia'y wala namang masama kung payagan niya ito. Naging close na rin naman sila't mabait ito. He is like her escape from everything.

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon