XII- Black Crows

657 44 0
                                    

Ryn's POV

Hindi ako kaagad nakapagreact nang marinig ang boses niya.

"Pinagod mo ako kanina. Humanda ka mamaya." pabulong na sabi ni Niel.

May sasabihin pa sana siya ngunit dumating si tisay, aka Juls. Matamis itong ngumiti sa katabi ko sabay abot ng C2 bago tumabi rito. Nagpapasalamat na rin ako't natuon ang attention ni mokong dito.

Maya-maya'y biglang natahimik ang lahat nang pumasok ang grupo ng mga estudyanteng nakablack uniform. Same style ang uniform nila sa amin, black nga lang sa kanila at brown sa amin.

"Rein.." dinig kong wika ni Niel.

Napansin ko rin ang paglaki ng mga mata ni tisay. Tinignan kong muli ang mga bagong dating. Infairness ang guwapo nung nangu-nguna sa kanilang maglakad!

--------------

Lyn's POV

"Hi, is this sit taken?" tanong sa akin ng isang lalakeng nakasalamin.

Hindi siya kaputian at katangkaran ngunit hindi mapagkakailang guwapo ito. Mayroon din itong patch ng isang scholar.

Umiling-iling ako. "No."

Umupo siya agad sa tabi ko. "I'm Mart and you are?"

"Lia." sagot ko sabay ng pakikipagkamay ko sa kanya.

Ipinakilala ko rin ang aking mga bffs siyempre.

Nag-umpisa kaming magkuwentuhan ni Mart. Napag-alaman kong ahead siya sa amin. Isa na siyang 2nd year junior at isa rin siyang genius. Astig! Sana ganun din ako kaso may limit ang powers ko. Magaling lang ako sa computer at siyempre sa martial arts.

Madali siyang makagaanan ng loob pero siyempre bilang isang Hand kailangan ko pa ring maging cautious.

"Si pogi! Pogi, pogi, good morning!!" biglang sigaw ni Pim nang pumasok si Gun na ikinabusangot ng huli.

Marahas kong pina upo si Pim. Kakahiya talaga!

Pero kahit ganito si Pim ay nasisiyahan akong makita siyang masaya. Alam ko kasing kapag natatakan na siya...

Mawawalan na siya ng karapatang mag saya. Kailangan niya laging unahin ang iba bago ang sarili.

"Ang lakas ng loob ng kaibigan mong sumigaw kay Gun. Close ba sila?" tanong ni Mart.

"Ah, hehe! Feelung close lang tong isa. Bakit?"

"Pinangingilagan si Gun dito. He's one of the top fighters in the university."

"Kaya siya kinakatakutan?"

"No. It's because of what happened years ago."

"What happened?"

"Isang pangyayari that made him look like a monster. err--Ikaw, how did you become a scholar?" pagiiba ni Mart.

"Hmm.. Computer, magaling ako dun."

Siyempre pinaghandaan na namin ang mga ganitong bagay. Ultimo pekeng tito mayroon ako. Lahat ng papers na nagpapatunay sa pekeng identity namin ni Pim ay meroon. Infairness si Pim nag-isip nun. Umaandar naman utak niya kung gusto niya talaga. Hehehe!

Bilang nga lang kung ilang beses. Ang lagi niyang sinasabi. "Just go with the flow, Lia. Go with the flow and everything would be in place.."

Balik tayo dito sa kausap ko.

Nasa kalagitnaan ng pagkukuwento si Mart tungkol sa mga naging karanasan niya dito sa university nang bigla siyang tumigil. Maging ang iba'y natahimik.

Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya. Mayroong grupo ng mga ng mga estudyanteng nakauniform ng itim ang pumasok na pinapangunahan ng isang super guwapong lalake. Nakatingin toh sa bandang sa amin.

Kung hindi ako nagkakamali sa aking tabi. Hindi ko alam kung namalik mata lang ba ako dahil sa gilid ng mata ko nakita kong pasimpleng ngumisi si Pim. It was just one sided smile, tipid at mabilis lang.

Binalikan ko ng tingin yung lalake at sa bandang sa amin pa rin toh nakatingin pero hindi na ki Pim. Pasimple akong umabante ng upo at tinignan ang kanyang pinagmamasdan.

Si Niel ba ang tinitignan niya o ang katabi nito? Nakakacurious!

Muli kong ibinalik ang tingin sa lalakeng mukhang anghel at selfish sa pagngiti ngunit wala na ito. Nakaupo na ang grupo nila.

"Ano kaya ang ginagawa ng mga black crow dito?" napapaisip na sabi ni Mart.

"Black crow?" nacurious talaga ako.

Kumunot ang noo sa akin Mart. "Building B? Sa south area ng university? Yung pinagbabawal sa ating puntahan?"

"Ah yeah, yung nasa kabilang pader na tanging itim lang na roof ang nakikita?"

"Yeah, kaya nga building B meaning Black. Black crows ang mga tawag sa mga nag-aaral dun."

Yeah, I heard about the building pero hindi ko pa yun napapasok o nakikita dahil ang taas ng pader na nakaharang. Doon daw dinadala yung mga bumabagsak, pasaway o yung mga hindi sumusunod sa rules and regulations ng school.

Ang sabi nga sa unang orientation at kontratang pinirmahan namin bilang scholar; Once you get chosen or once you get in there's no turning back.

Ano kayang dahilan kung ba't naririto sila?

At yung guwapong si Rein isa palang black crow student. Bakit ko kilala? Secret...

~~~~~*~~~~~*~~~~~*~~~~~

GU Dictio

Black crow/s/ - ang tawag sa mga estudyanteng nalilipat sa building B o Black building. Matatagpuan sa south part ng university. Mayroong napakalaking pader na humaharang sa north at south. Iba ang daanan o gate ng south dahil pinagbabawal ang dalawang panig na tumungtong sa kabilang side.

-nalilipat sila sa building B kung sobra ng pasaway, hindi na sumusunod sa patakaran, kung bumagsak ang grades lalo na ng scholar at kung may ginawang napakabigat na kasalanan

-students are given 3 warnings kaso minsan nagiging unfair dahil madalas panigan ang mas maimpluwensya may kasalanan man o wala

-katulad ng nasa kontrata na pinirmahan ng lahat ;once you get in you can never get out. Kapag naging estudyante ka na ng university kahit ano pa man mangyari o dahilan ay hindi ka na maaaring lumipat o mag back out.

-ang uniform nila ay parehas ang style sa north building kung saan nag aaral sina Pim. For girls: gray long sleeves with dark blue (almost blac) necktie, black coat with the school's logo kung scholor may bilog na patch, black skirt, long black socks and shoes. Boys: gray long sleeves, dark blue (almost black necktie), black coat with the school's logo kung scholor may bilog na patch, black school pants and shoes siyempre may socks.

BASAHIN PARA MAGKA UD/UPDATE

Pls.vote. Yun lang naman.pagnakaabot ng 105 votes total magUd aq.alang vote alang ud.just vote every chap.thanx. Just vote each chap.para mas mabilis hehe!

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon