II- Freedom

1.3K 37 0
                                    

Lia/Hand POV

Hinanda ko na ang sarili ko.

Ngayon lang ginawa toh ni Pim.

Mukhang napuno na ata.

Kilala ko si Pim, although she was trained to supress her anger talagang natural sa kanya ang pagiging patient pero mukhang sa nakikita ko ngayon-- isang bulkan ang malapit ng sumabog!

Hindi man aminin ng iba, ito ang kinatatakutan naming lahat..

Wala sa aming gumagalaw, pareparehas kami nagtatantiyahan. Alam ko naman kung saan ako tatakbo, malapit lang sa amin ang collection ng samurai swords, may hinihintay lang talaga ako.

Nagsalita si Elder, matikas pa rin ito kahit matanda na. "Alam mo ba kung anong ginagawa mo Prema?"

"Never hurt Hand again." nagtitimping sabi ni Pim.

I gulp at ramdam kong pinagpapawisan na ang noo ko.

Ano bang ginagawa ni Pim?

Pls.don't tell me..

"I am challenging you, Elder for my freedom and hers."

Kitang kita ko kung paano kumuyom si Elder at halatang galit na galit.

Lintik talaga! Alam ko naman kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Pim pero kapag natalo siya ni Elder- hindi ba niya naisip ang consequence nun? Nagiging isip bata nanaman ba siya?

"What's your answer? Mas magandang tayo na lang dalawa para maiwasang masaktan pa ang iba."

Hindi talaga natigil si Pim!

Tumayo si Elder mula sa kinauupuan. "Very well."

Tumalikod na si Elder at lumabas na kasama ng iba sa kuwarto.

Siniguro kong nakalock na ang pinto bago ako nagsalita.

Nakaupo na si Pim sa couch at nakatingin sa glass window.

Naupo ako sa tabi niya. At magsisimula na ng aking sermon.

"Ano ka ba Pim, hindi ka ba nag iisip? Una, hindi ka ba puwede maghintay hanggang matatakan ka na? Pag nangyari yun ikaw na ang masusunod. Pangalawa, alam mo namang walang maaaring tumanggi sa challenge mo na isang Prema, ng isang Spider! At pangatlo, alam mo namang pagnatalo ka niya you would be under him for life! Kahit na ikaw pa ang Spider."

She rolled her eyes. "Una sa lahat, no I cannot wait anymore. Second, I know. Third, wala ka bang tiwala sa akin Lia? Naturingan pa naman kitang best friend."

She wasn't mad or inis when she said that.

She was smiling..

It was the first time that I saw her smile like that..

Hindi na ako umimik..

Sang katutak na dasal ang gagawin ko mamaya!

Haizt! Hindi sa wala akong tiwala sa kanya. It's just the risk..

Elder is a difficult man. Implements strict codes and rules, sobra talaga siyang strict at grabe mag parusa. Anong mangyayari sa Web kung ito ang nasa likod ni Pim? Isang taong laging tama ang tingin sa sarili.

Napabuntong hininga na lang ako't tumayo.

Sa loob ng malaking kuwartong toh ay may dalawa pang kuwarto, tig isa kami ni Pim. Nagtungo na ako sa kuwarto ko pero bago ko yun sinara ay nakita ko pa siyang nakatingin sa labas ng bintana at ubod langit ang ngiti.

Gangster UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon